Kabanata II

14.5K 41 2
                                    

Hulog ng Langit

"Mahal bilisan mo na dyan baka tanghaliin pa tayo sa byahe" sigaw ng aking asawa.

"Sandali nalang mahal, mauna ka na sa kotse."

Ngayong araw na kami uuwi ng probinsya para mag bakasyon. Napag pasyahan namin na magtatagal kami doon kahit isang linggo.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang pagkasabik na aking nadarama. Hindi ko mawari pero pakiramdam ko ay mayroong magandang mangyayari na naghihintay sa pag uwi namin doon.

"Mahal excited na kong makauwi ulit sa inyo. Ano kaya ang una nating pwedeng gawin pag nasa inyo na tayo?" masaya ko pang saad dito.

"Naalala mo mahal yung batis na malapit sa amin? Gusto ko sanang doon tayo magpunta kasama sila nanay tapos sa mga susunod na araw naman ay dalawin natin yung mga bata sa orphanage. Namimiss ko na rin ang mga bata pati sila sister Theressa dahil sa tagal nating di nakadalaw."

Nasa Maynila palang sila ay naisip na ito ni Alina. Gusto nyang bumalik sa orphanage na tinutulungan nila dati ng asawa dahil namimiss na niya ang mga bata sa bahay ampunan. Di kaila ang pagkagusto niya sa mga ito noong nag aaral palang siya.

"Sige mahal, ikaw ang bahala. Basta sulitin natin at mag enjoy tayo sa magiging bakasyong ito" naka ngiting sagot dito.

Lumipas ang mahabang oras at nakarating na kami sa bahay ng aking mga byenan. Pagpasok palang ng gate ay namataan na namin sila inay na naghihintay kasama ang itay. Pag kababa ng sasakyan ay agad kami nitong sinalubong.

"Kamusta na kayo mga anak? Namiss namin kayo ng sobra ng tatay nyo" ang sabi ni inay. Nakangiti lang rin ang tatay at sinimulan nang buhatin ang aming mga dalang gamit.

"Ayos naman kami inay, na miss rin namin kayo ni Lucas" maluha luha pang sabi ng aking asawa. Hindi nito mapigilan na maging emosyonal dahil alam kong mahal na mahal ni Alina ang kanyang mga magulang. Siya nalang kase ang anak na naiwan dito sa Pilipinas. Ang nakatatandang kapatid nitong lalaki ay nakapag asawa ng foreigner kaya naka base na ngayon sa London.

"Aba'y kumain na ba kayo? Ako'y mag hahain na para makakain na tayo"

Pagkatapos mananghalian ay saglit kaming namahinga at naghanda na upang magpunta sa batis na tinutukoy ni Alina na malapit lang sa kanila. Halos wala pang dalawampung minuto at nakarating na kami sa paliguan na sinasabi nito. Wala pa din pinag bago ang ganda nito. Malinis na tubig, tahimik na kapaligiran na tanging huni ng mga ibon at lagaslas ng agos ang ingay na maririnig.

Habang inililibot ko ang aking mata ay may nakita akong mga batang naglalaro at patuloy sa pagtatampisaw. Hindi ko mapigilan na matuwa sa aking nakikita. Kung magkaroon man kami ng anak ni Alina ay gusto kong maranasan niya na maging masaya katulad ng mga batang nakikita ko ngayon.

Hindi nagtagal at nagsimula na din maligo sila inay. Masayang masaya sila ng aking asawa na kala mo ay bumalik sa pagka bata na nagsasabuyan pa ng tubig. Habang kami naman ng itay ay umiinom ng alak pampatanggal ng lamig sa aming katawan.

"Lucas anak sana ay huwag kang susuko sa anak ko, alam ko ang sitwasyon nyo at balang araw ay pagkakalooban din kayo ng itaas" seryosong sabi nito. Mababakas ang lungkot at pagka seryoso sa kanyang mga mata.

"Opo itay, mahal na mahal ko po ang anak nyo kaya hindi po kami susuko. Kaya rin po nagbakasyon kami dito ay upang malawa ang mga iniisip ni Alina. Iyon din po ang payo ng doctor na makakabuti kung mapapahinga ang isip at katawan niya" masaya nalang itong tumango at itinuloy na ang aming inuman. Alam ng itay na si Alina ang may deprensya kaya nahihirapan kaming makabuo. Pinagpatuloy nalang namin ang pag inom at nag kwentuhan ng buhay buhay namin sa maynila.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon