Kabanata X

16.8K 66 3
                                    

Sabik

"Mahal, malapit na ba sila inay sa terminal ng bus?" tanong ko sa aking asawa habang nagmamaneho ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa aming bayan para sunduin ang aking mga byenan.

"Malapit na raw sila mahal. Siguro saktong pagdating natin doon ay siya ring dating ng bus na sinakyan nila" malumanay na sagot nito sa akin.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng makita kong yumuko si Alina at parang may hinahanap na bagay sa ilalim ng upuan niya. Napansin ko rin na nahihirapan ito sa kanyang pwesto kaya tinanong ko ito kung ano ang hinahanap niya.

"Mahal, ano ba ang hinahanap mo dyan sa ilalim ng upuan?" tanong ko dito habang seryosong nagmamaneho. Lumingon lang ito sa aking pwesto at bumalik ulit sa paghahanap.

"Yung pakaw ng hikaw ko mahal. Biglang nahulog kaya hinahanap ko dito" sagot nito at abala sa paghahanap ng nawawalang pakaw niya.

Habang nakayuko ito ay binagalan ko ang takbo ng sasakyan at itinabi sa gilid ng karsada para tulungan si Alina sa paghahanap. Tiningnan ko ang likod ng upuan nito pero wala akong makita na pakaw ng biglang may makita akong bagay na ikinalaki ng mga mata ko.

Bigla kong dinampot ang bagay na nakita ko at maingat itong itinago sa loob ng bulsa ko habang tinitingnan si Alina kung napansin ba nito ang bagay na itinago ko. Kahit na malamig sa loob ng sasakyan dahil sa aircon ay hindi ko napigilan na pagpawisan dahil muntik nang makita ng aking asawa ang bagay na maaaring magbigay sa kanya ng ideya na hindi maganda.

"Ayun! Nakita ko na mahal" masayang sabi ni Alina at umayos ito ng pagkakaupo sabay suot ng hikaw sa kanyang kanang tainga.

"Mabuti at nahanap mo agad mahal" alangan na sabi ko dito at hindi ko alam kung nababakas ba nito ang kaba sa ayos ng mukha ko. Hindi rin ako makatingin dito ng diretso dahil sa lakas ng tibok ng dibdib ko.

Pinaandar ko na agad ang aming sasakyan papuntang terminal ng bus upang mawala itong kabang nararamdaman ko. Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami dito at nakita na agad namin ang mga magulang nito kaya agad kong ipinarada sa gilid ng kalsada ang sasakyan para makapasok sila.

Pagkaparada ng aming sasakyan ay biglang bumaba si Alina at sabik na humarap sa kanyang mga magulang. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na magkakausap sila at nagpaalam na pupunta muna ng banyo para magbawas ng ihi na kanina ko pa tinitiis. Ihi na dulot ng aking kaba dahil sa bagay na natagpuan ko kanina.

Mabilis ang naging paglalakad ko papuntang banyo. Pagkapasok dito ay agad kong isinarado ang pinto sabay hugot ng bagay sa aking bulsa na aking nakita kanina sa loob ng sasakyan. Ang takot at kabang kanina ko pa nararamdaman ay unti-unting nawala at nakaramdam ako ng ginhawa.

Hawak-hawak ko ang isang napaka nipis na tela. Isang tela na naging daan upang ako ay magkasala sa aking asawa at nakasisigurado akong pag-aari ito ng babaeng ilang beses kong nakasama sa kataksilan na aming ginawa.

Pag-aari ito ni Blair. Ang panty niya na maaring nakalimutan nitong isuot noong ilang beses na may nangyari sa amin sa loob ng sasakyan. Bakas din dito ang mantsa ng aming kasalanan. Ang nanigas na pinagsamang katas mula sa aming katawan.

Muli kong binalikan ang kataksilan na aming nagawa at ngayon ay inuusig ako ng aking konsensya tuwing nakikita ko si Alina na walang kaalam-alam sa kasalanan na aking nagawa sa kaniya. Agad ko itong itinapon sa loob ng basurahan at mabilis na bumalik sa pwesto kanina ng aking asawa at mga byenan.

"Okay ka na mahal? Uwi na tayo sa bahay para makapag pahinga na sila inay mula sa byahe" ang sabi ni Alina. Tumango lang ako dito at nagsimula ng pumasok sa loob ng sasakyan upang kami ay makauwi na.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon