Kabanata XII

14.3K 42 4
                                    

Ang Pinagmulan

Third Person Pov...

Makalipas ang tatlong buwan...

Payapang kapaligiran, sariwang simoy ng hangin at masasayang paslit na patuloy na nagtatampisaw sa gilid ng patubigan.

Ito ang pinagmamasdan ni Alina habang nakaupo sa kahoy na upuan. Nakangiti ang mga labi ngunit mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Hinawakan ang lumalaking tiyan at bumalik sa tanawin na kanyang nakikita. Nakita ito ni Alicia kaya siya nitoy nilapitan.

Kamusta ka na anak? Mabuti naman at nakakangiti ka na kahit papaano. ang sabi ng kanyang ina pagkaupo sa tabi ng kanyang unica hija.

Natutuwa lang po ako na makitang masaya ang mga batang naglalaro inay. Sana ay maging ganyan rin ang... pagputol ni Alina sa kanyang sasabihin. Muling bumakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

Wala ka bang balak na ipaalam sa kanya ang kalagayan mo ngayon? tanong ni Alicia at hinawakan ang isang kamay ni Alina upang damayan ang anak sa lungkot na nararamdaman nito. Umiling si Alina at humarap sa kanyang ina.

Ikaw inay, paano mo mabilis na napatawad si itay sa pagkakasala niya? ganting tanong nito kay Alicia. Tumingin rin ito sa mga batang naglalaro at ngumiti.

Matanda na kami ng itay mo para patagalin pa ang ganitong klaseng pagsubok. Nasabi na rin sa akin ng itay mo ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa at ang punot dulo ng problemang ito malumanay na pahayag ni Alicia.

Sana ay katulad rin kita inay. Sana ay kaya ko rin na mabilis mapatawad ang aking asawa. yumuko ito at hindi napigilan ang pag alpas ng luha sa kanyang mga mata. Dinaluhan ito ni Alicia sa kanyang pagdadalamhati at nagulat na lamang siya ng biglang may umakbay sa balikat niya. Nang lingunin niya ito ay nakita ang kanyang ama, si Rey.

Huwag ka nang umiyak anak, malalampasan nyo rin ito at sana ay mapatawad mo rin ako sa pagkakasalang nagawa ko sa iyo lalong-lalo na sa inay mo malungkot na pahayag ni Rey sabay alis ng pagkaka akbay kay Alina at hinawakan nito ang kamay niya.

Gusto kong malaman mo ang pinagmulan at dahilan kung bakit nagawa iyon ni Blair. Hiling ko rin na mapatawad mo ang iyong asawa dahil pati siya ay nadamay sa paghihiganti ni Blair na dapat ay ako lang ang mananagot. muling sabi nito kay Alina. Tumango siya sa sinabi ng ama at taimtim na pinakinggan ang kwento nito.

Sa isang tahimik na probinsya ay masayang naninirahan ang isang pamilya. Kahit na hindi ganoong karamya ang buhay nila ay makikita mo ang saya at pagmamahalan sa kanilang dalawa kasama ang nag-iisa nilang anak na babae.

Pauwi na galing trabaho si Rey ng mayroon siyang makitang dalaga na nagtitinda ng bulaklak sa tabi ng kalsada. Agad niyang naisip ang kanyang mahal na asawa kaya mabilis niyang nilapitan ang dalaga at tinanong kung magkano ang bawat piraso ng paninda nitong rosas.

Mabilis na sumagot ang dalaga at sinabi nito ang halaga ng kanyang paninda. Pagkarinig sa sinabi ng dalagang tindera ay agad na dumukot ng pera si Rey sa kanyang bulsa at bumili ng dalawang piraso para sa kanyang unica hija at mahal na asawa.

Habang iniaabot ni Rey ang bayad sa dalaga ay tinanong siya nito kung para kanino ang biniling bulaklak. Hindi alam ni Rey na sa unang kita pa lamang sa kanya ng dalaga ay nabighani na ito sa angkin niyang kakisigan at gwapong mukha.

Nakangiting sinabi ni Rey na para ito sa kanyang anak at asawa. Ang kaninang malaking ngiti ng dalaga at unti-unting naglaho at napalitan ng panghihinayang.

Lumipas ang mga araw na patuloy ang pagbili ni Rey ng rosas sa dalaga upang ibigay sa kanyang asawa. Naging malapit sila sa isat-isa na para kay Rey ay normal lamang pero para sa dalaga ay iba na ang kahulugan. Mali ang naging interpretasyon nito sa kabutihang ipinapakita ng pamilyadong lalaki sa kanya.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon