Kabanata IX

21.2K 64 8
                                    

Uhaw sa Laman

Malalim na ang gabi. Abala ako sa pagbabasa ng libro habang naka sandal sa aming kama. Nakasanayan ko na itong gawin bago matulog.

"Good night mahal" dinig kong sabi ni Alina.

Nilingon ko ito at pinagmasdan ang maamong mukha nito. Isinara ko ang binabasang libro at ipinatong sa lamesang nasa tabi ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng aking asawa at binigyan ito ng masuyong halik sa kanyang noo.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng gabing may nangyari sa pagitan namin ni Blair. Hindi na ito naulit pa pero patuloy pa rin ito sa mga simpleng pang-aakit na alam kong sinasadya niya tuwing wala sa paningin namin si Alina.

Nakatitig lang ako sa aking asawa na mahimbing na natutulog. Muli kong binalikan ang napag usapan namin ni Blair kinabukasan pagka gising ng umagang may mangyari sa aming dalawa.

Naramdaman ko na parang may nakayakap sa aking katawan. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang naka yakap sa akin ang dalaga.

Bigla akong napabalikwas dahil muling bumalik sa aking ala-ala ang namagitan sa aming dalawa.

Tumayo ako sa kama at nagbihis ng boxer short at pang itaas dahil pareho pa kaming walang saplot sa katawan. Tanging kumot lang ang naging tabing namin sa buong magdamag.

Pagkabihis ay ginising ko agad ito dahil mag aalas nuebe na ng umaga. Ngumiti pa ito sa akin ng makita na ako ang gumising sa kanya.

"Good morning daddy" malambing na bati nito. Hindi ko na lang ito pinansin at sinabihang magbihis na siya dahil malapit nang dumating si Alina.

"Magbihis ka na at may pag-uusapan pa tayong dalawa" seryoso kong sabi dito.

Umupo ako sa harap ng computer table malayo sa kanya at hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya.

"Yung nangyari kagabi ay isang malaking pagkakamali Blair. Hindi na dapat iyon maulit pa at kailanman hindi pwedeng malaman ni Alina" naka titig ako sa mga mata niya.

Nagtitigan lang kami ng ilang minuto dahil hinihintay ko ang magiging sagot niya ng bigla itong ngumisi.

"Bakit naman daddy? Ayaw mo bang ulitin natin yung nangyari kagabi? Nagustuhan naman natin iyon pareho di ba?" nakakalokong saad nito.

"Mali ang nangyari sa atin Blair. Anak kita at may asawa na ako!" nagtaas na ang boses ko dahil parang hindi nito siniseryoso ang mga sinasabi ko.

"Hindi mo naman ako totoong anak at alam kong gusto mo pang maulit iyon daddy, nagpipigil ka lang" mapang akit pa nitong sabi. Tangkang lalapit na ito sa aking pwesto ng bigla akong sumigaw.

"Tumigil ka na!! Pag sinabi kong hindi na mauulit, hindi na! Tapos!" sabay talikod dito at labas ng aking kwarto.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng pinto nang magsalita ito.

"Huwag mo akong subukan daddy" seryoso sabi nito. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at hindi na pinansin ang naging banta nito.

Simula ng araw na iyon ay palagi ko nang iniiwasan si Blair. Kung nasaan ito ay sinisigurado kong malayo ako at bigla akong lalayo kapag yayakap ito sa amin ni Alina. Alam kong gumagawa lang ito ng paraan para mapalapit sa akin.

Nagbalik ako sa aking wisyo ng biglang tumunog ang aming telepono. Sasagutin ko na dapat ito ng biglang naalimpungatan si Alina at tinanong kung sino ang tumatawag ng dis-oras ng gabi. Sinagot ko na lang ito at sinenyasan ang aking asawa na aalamin ko muna.

TuksoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon