3

0 0 0
                                    

                                                                

Pag uwi sa bahay

Pansing: Di ka dapat nakikipag away.

Nico: Pano naman po nay. Sinasabi nila na di raw magaling si tatay.

Pansing: Wag mo nang pansinin mga sinasabi nila dahil kung alam mo sa sarili mo na magaling ang tatay mo edi dapat di ka nagpapa apekto.

Nico: Kung buhay lang sana si tatay .

Pansing: Andito nanaman ba tayo.

Nico: Sorry nay. Sige po akyat muna ako.

Sa kwarto agad tinawagan ni Nico si Julio.

Nico:Ano pinagalitan ka?

Julio: Di naman. Nagpaliwanag naman ako maayos.

Nico: Punta ka dito. Booring. Laro tayo psp.

Julio: Di pwede. Magagalit si tito. Bukas nalang wala naman pasok diba.

Nico: Sige na. please. May hahanapin lang tayo.

Julio: Bukas nalang kasi.

Nico: Ahm. Sige bukas ha.

Julio: Oo..

Hindi parin natigil si Nico kaya pumunta siya attic para maghanap ng imbensyon ng tatay nya.

Nico: Dilim naman dito...

Patuloy sa paghanap si Nico ngunit ni isa wala siya mahanap..

Nico: San kaya nakalagay mga imbensyon ni tatay.

Pababa na sana si Nico ng mailawan nya ang isang makina.

Nico: Teka ano ito?

May Manual?

Nagulat sya sa kanyang nakita at nabasa..

TIME MACHINE !!!!!!!!!!!

Agad siya bumaba at pumunta sa kwarto hawak ang manual..

Nico: Si tatay nakaimbento ng time machine? Totoo ba yun?

Kinaumagahan.. Sa bahay nila Nico.

July 17 2007 Sabado

Julio: Imposible. Time machine?

Nico : Eh andun sa attic eh tingnan natin.

Julio: Sige .

..

..

..

Sa attic.

..

..

Julio: Wow.... Astig.

Nico: Tol tulungan mo ako ibaba natin.

Julio: Eh ang bigay nito eh.

Nico: Nyee.. Di naman .. Magaan lang ito. Halika na wag ka na maarte. Ilagay natin sa kwarto ko.

Julio: Sige..

..

..

..

..

Nico: Ayon dito. Pwede ka mamili ng araw,buwan o taon na gusto mo balikan..

Julio: Teka pahiram ng manual.

Pero sabi dito kapag bumalik ka sa oras na yun, may mga bagay at pangyayari ka na makakalimutan , Hindi lahat madadala mo sa pagbalik mo.

Nico: May Warning din dyan. Pakibasa nga.

Julio: Isang beses lang pwede gamitin ang makinang ito...

Kapag binago mo rin ang iilang mga pangyayari sa nakaraan marahil ay mga dapat maganap na hindi magaganap.

Nico: Nakakatakot naman pala gamitin yan.. Takpan muna natin baka makita ni mama..

Julio: Eh kita pa rin yan. Halata eh.

Nico: Teka lipat natin sa bodega namin..

Julio: Nanaman?

Binuhat ng binuhat ng dalawa ang makina papunta sa bodega.

Nico: Hayaan muna natin ito dito.. tara.. San tayo?

Julio: Dating gawi?

Nico: Pa mall?

Julio: Tara.

Pagdating sa mall.

Julio: Wow gaganda naman mga gamit dito..

Nico: Oo nga tsaka ang daming bago..

Naglibot libot ang magkaibigan sa mall ng biglang.

Julio: Ganda nitong damit.

Nico: Teka patingin.

Julio: Sandali lang ako muna.

Nico: Ako muna,,

Nag agawan ang magkaibigan sa damit at naghilahan.

Nang bigla itong mapunit..

Nico: Naku po. Lagot. Kaw kasi,

Julio: Ano gagawin natin?

May guard.

Nico: Takbo na....!!!

Agad agad tumakbo ang dalawa at pumito ang gwardya..

Guard:Hoy. Bumalik kayo dito . Sinira nyo itong gamit... Hoy!

Habulan ng gwardya at bata ang nangyari sa mall na iyon..

Nico: San tayo? Dami na gwardya humahabol satin..

Julio: Alam ko na. dali... Dito..

Miss pabili po ng ticket.

Agad agad pumasok sa sinehan ang dalawa..

July 15, 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon