Makalipas ang isang araw pumunta ang dalawa sa tabing dagat.
July 18 2007 Linggo
Nico: (Hawak ang flute) Oh pano dating gawi.
Julio: S(Nakahawak sa pyesa ng organ o maliit na piano) Sige..
Sinimulan ni Nico ang pagtugtog na sinundan naman ni Julio.
Ang dagat ay tahimik
Payapa ang paligid
At sumasabay ang huni ng mga ibon sa tugtog ng musika
Isang musika na kung saan maaalala mo ang iyong nakaraan
At para kang linilipad ng hangin papunta sa himpapawid
Malinis ang kalangitan at maayos ang kalupaan..
Julio: Ayos .
Nico: Sana ganito tayo lagi no. Walang iwanan.
Julio: Wala talaga. Eh bestfriend forever tayo diba.
Nico: Tama. At itong itinugtog nating musika ang palatandaang bestfriend forever tayo..
Sadyang napakagandang isipin na bata pa lang kayo ay magkaibigan nang matalik. Walang iwanan, Laging may damayan..
Makalipas ang ilang araw July 20 2007 Martes habang naglalakad sa papunta sa paaralan ang dalawa.
Julio: Hoy ikaw wag tatamad tamad ha.Teka kelan uwi kuya mo.?
Nico: Ahh. Sabi ni mama mga Huwebes daw uuwi si kuya..
Julio: Talaga edi malapit na pala. Dalawang araw nalang.
Nico: At makikita ko na rin ang shoes ko. Hahah. Original pa.
Julio: Wow. Buti ka pa.
Nico: Wag ka mag alala. Satin yun hindi sakin.
Julio: Wag na. Nakakahiya magalit pa kuya mo.
Habang naglalakad nakita nila ang isang Ginang kasama ang anak patawid
Bigla nanamang may naalala si Julio.
Julio: Tol yung bata mababangga .
Nico: Hah?
Julio: (sinigawan ang Ginang) Ale tumabi po kayo may paparating na mabilis na sasakyan!!!!
Nico: Huh?
Tumabi ng madalian ang Ginang kasama ang anak at wala pang 3 segundo may dumaan nga na isang humaharurot na sasakyan.
Nico: Pano mo nagawa yun?
Julio: Tol may mga pangyayari na pag malapit na mangyari bumabalik sa isip ko. Eto nakaraan na ito. Tapos na ito. Bumalik lang ako.Tol Wag muna tayong pumasok halika mag usap tayo.
Pumunta sila sa park.
Julio: Tol Totoo ang sinasabi ko sayo galing na ako sa hinaharap.
Nico: Pero bakit hindi mo alam ang mga mangyayari.
Julio: Hindi ko alam pero kapag malapit na mangyari naaalala ko bigla.
Nico: Sus. Ewan ko sayo. Dapat pala pumasok nalang tayo kesa mag usap ng non sense na bagay dito.
Tumagal ang usapan ng dalawa.
Nico: Uwi nalang ako sabihin ko kay nanay walang pasok.tss.
July 22 2007 Huwebes
Nico: Kuya ??
Aaron: Oh kumusta ang mga kapatid ko?
Nico &Baste: Kuya!!!!
Masaya sina Nico at Baste na nakita ang kanilang kuya galing abroad.
Nico: Kuya kumusta ka na?
Aaron:Eto ok naman. Sya nga pala. Ang paborito mong sapatos...
Nico: Salamat kuya. Yehey may bagong sapatos na ako. Si Baste wala. Bleh!bleh!
Baste:Wala ako kuya?
Aaron: Syempre meron. Andyan sa bag.
Pansing : Oh anak kumusta naman ang trabaho mo.?
Aaron: Ayon nay ok naman. Madami kami ginagawa ngayon pero ok lang.
Labis ang kwentuhan ng pamilya sa pagdating ni Aaron galing abroad.
Agad tinawagan ni Nico si Julio
Nico: Julio andito na si kuya. Di ako papasok. Lalabas kami. Sama ka?
Julio: Hindi Nico dami ko pa kasi ginagawa . Sa ibang araw nalang.
Nico: Ganun ba? Sige.
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasyStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.