Habang papunta ng clinic .
Aaron: Ready ka na ba Baste?
Baste: Opo kuya. Kasi po gusto ko na maging binata tulad mo po.. Sasakay din ako sa barko.
Aaron: Talaga? Kaya mag aral ng mabuti ha.
Baste: Opo.
Papasok na sana ng pinto ng clinic ang magkapatid nang biglang bumukas ng malakas ang pinto at nagsitakbuhan ng mabilis ang mga tao sa loob.
Sunog! Sunog!
Isang malaking lalaki ang ang mabilis na tumatakbo palabas . Dahil sa pagkataranta nabangga nito si Aaron na sanhi ng pagkatumba.
Baste: Kuya! Kuya!
Hinila ni Baste si Aaron papunta sa gilid ng pinto.
Pagkatayo ni Aaron binuhat nya si Baste at tumakbo palayo.
Sa bahay naman nila Pansing. Agad siya tinawagan ni Aaron.
Pansing: Oh anak.
Aaron: Nay andito po kami ospital pinapagamot po sugat ko.
Pansing: Ha?! Bakit?
Aaron: Nasunog po yung clinic tapos nabangga ako ng isang malaking lalaki na tumatakbo at yun nadapa po ako tumama siko ko. Wag ka po mag alala nay gasgas lang po ito. Pauwi na po kami.
Pansing:Sus maryosep! Sige uwi na agad kayo ha.
Aaron: Opo..
Uwian ng hapon ..
Nico: Oh kuya ano nangyari sayo?
Aaron: Wala. Yung clinic kasi nasunog tapos eto nabanggaan. Pero galos lang naman.
Pansing: Ano daw ang sanhi nung sunog?
Aaron:Sabi may nag short circuit daw nay.
Nico: Naku Baste cancel nanaman ang pagpatuli mo.
Pansing: Ok lang yun . Marami pa naman araw.Tara magmeryenda na muna tayo.
Lumipas mga oras. Gabi ng pumunta si Nico kina Julio.
Atong: Oh kayong dalawa ok lang ba kayo dyan sa labas?
Nico: Opo Tiyo Atong. Ok lang po kami.
Atong: Hindi naman ba malamok dyan?
Nico: Hindi naman po..
Atong:Sige pumasok nalang kayo kung sakali.
Julio: Sige po Tito .
..
..
Julio: Musta pagpatule ni Baste?
Nico: (Sabay tawa) Hindi tuloy.
Julio: Bakit?
Nico: Basta mahabang kwento.
Teka. Punta tayo sa perya.
Julio: Ano gagawin dun?
Nico: Matutulog siguro. Malamang maglilibang.. Perya yun eh.
Julio: Ahm.Sige pero kaw magpaalam kay Tito.
Nico : Ikaw na.
Julio: Eh bahala ka. Wag nalang.
Nico: Oo na. Eto na oh pupuntahan na.
..
..
Nico:Tyo Atong pwede po kami pumunta sa perya ni Julio?
Atong: Anong oras kayo uuwi?
Nico: Sandali lang po kami.Sakay lang po kami sa mga rides dun.
Atong: Sige. Basta uwi kayo maaga ha.
Nico: Opo salamat po..
,,
,,
..
..
Pagdating sa perya.
Julio: Pingpong tayo.
Nico: Tara.
Taya ng taya ang dalawa sa pingpong
Oh bola na!
Bantay: Oh boy kayo na maghagis oh.
Nico: Akin yung isa.
Julio: Game 1,2,3!
Hindi nabigo ang dalawa sa pagtaya dahil marami sila napanalunan.
Nico:Bili muna tayo pagkain bago sumakay dyan.
Julio: Sus matatapon lang yan.
Nico: Di naman.. Kaso baka nakakahilo yan.
Julio: Sus! ! Siguro nga..
Makalipas ang 2 minuto.
Julio: Woohooo!!!!
Nico: Ayos dito!!!
Julio: Kala ko pa naman nakakahilo.. Wohohohohohoho!!!!
Nico: Tol oh mas mabilis ako sayo.
Julio: Hindi ah. May turbo to ho...
Then after 1min.
Nico: Ate salamat po. Ang galing po ng rides nyo.
Bantay: Walang anuman. Balik kayo.. Oh! Sakay na po kayo bata!matanda! maganda po dito(Nagtatawag ng sasakay) Trip to jerusalem po ...
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasyStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.