5

1 0 0
                                    

Makalipas ang isang araw pumunta ang dalawa sa tabing dagat.

July 18 2007 Linggo

Nico: (Hawak ang flute) Oh pano dating gawi.

Julio: S(Nakahawak sa pyesa ng organ o maliit na piano) Sige..

Sinimulan ni Nico ang pagtugtog na sinundan naman ni Julio.

Ang dagat ay tahimik

Payapa ang paligid

At sumasabay ang huni ng mga ibon sa tugtog ng musika

Isang musika na kung saan maaalala mo ang iyong nakaraan

At para kang linilipad ng hangin papunta sa himpapawid

Malinis ang kalangitan at maayos ang kalupaan..

Julio: Ayos .

Nico: Sana ganito tayo lagi no. Walang iwanan.

Julio: Wala talaga. Eh bestfriend forever tayo diba.

Nico: Tama. At itong itinugtog nating musika ang palatandaang bestfriend forever tayo..

Sadyang napakagandang isipin na bata pa lang kayo ay magkaibigan nang matalik. Walang iwanan, Laging may damayan..

Makalipas ang ilang araw July 20 2007 Martes habang naglalakad sa papunta sa paaralan ang dalawa.

Julio: Hoy ikaw wag tatamad tamad ha.Teka kelan uwi kuya mo.?

Nico: Ahh. Sabi ni mama mga Huwebes daw uuwi si kuya..

Julio: Talaga edi malapit na pala. Dalawang araw nalang.

Nico: At makikita ko na rin ang shoes ko. Hahah. Original pa.

Julio: Wow. Buti ka pa.

Nico: Wag ka mag alala. Satin yun hindi sakin.

Julio: Wag na. Nakakahiya magalit pa kuya mo.

Habang naglalakad nakita nila ang isang Ginang kasama ang anak patawid.

Nang biglang isang humaharurot na sasakyan ang dadaan,

Napatakbo ang Ginang ngunit nabitawan ang anak.

Aleng Tindera: Ayy ang bata masasagasaan!!!

At dahil sa walang sumaklolo yun na nga ang nangyari. Namatay ang bata bago pa man dalhin sa ospital.

Nico: Tara na.

Hindi makapaniwala ang magkaibigan sa nangyari at awang awa sa bata.

Pagdating sa skwelahan.

Nasa unahan si Nico kausap ang mga kaklase.

Nico: Grabe yun.. Di ko talaga kinaya talagang napaalis ako.

Kit: Talaga? Kakaawa naman yung bata.

Nico: Talagang nakakaawa. Eh bata pa yun eh. Ang dami pa nun dapat maranasan sa mundo.

Hanna: Oo nga. Wala manlang nakasagip sa bata.

Nico: Siguro ganyan talaga ang buhay.

Sa room naman ni Julio nasa harapan siya ng klase .

Julio: Kanina mayrong isang bata na nasagasaan. Namatay,Sadya talagang napakaiksi ng buhay kaya dapat gawin mo na ang dapat mong gawin habang nabubuhay ka pa. Kaya para po sa katanungan nyo maam tungkol sa Ano ang pinakadapat ko pang gawin habang nabubuhay pa ako? Yun ay ang mahalin ang taong mahahalaga sa buhay ko. Si Tito at ang Bestfriend ko.

Palakpakan ang lahat sa sinabi ni Julio.

July 22 2007 Huwebes

Nico: Kuya ??

Aaron: Oh kumusta ang mga kapatid ko?

Nico &Baste: Kuya!!!!

Masaya sina Nico at Baste na nakita ang kanilang kuya galing abroad.

Nico: Kuya kumusta ka na?

Aaron:Eto ok naman. Sya nga pala. Ang paborito mong sapatos...

Nico: Salamat kuya. Yehey may bagong sapatos na ako. Si Baste wala. Bleh!bleh!

Baste:Wala ako kuya?

Aaron: Syempre meron. Andyan sa bag.

Pansing : Oh anak kumusta naman ang trabaho mo.?

Aaron: Ayon nay ok naman. Madami kami ginagawa ngayon pero ok lang.

Labis ang kwentuhan ng pamilya sa pagdating ni Aaron galing abroad.

Agad tinawagan ni Nico si Julio

Nico: Julio andito na si kuya. Di ako papasok. Lalabas kami. Sama ka?

Julio: Hindi Nico dami ko pa kasi ginagawa . Sa ibang araw nalang.

Nico: Ganun ba? Sige.

July 15, 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon