July 27, 2007 Martes
Umaga nang sinamahana nila Nico at Julio si Baste magpatuli..
Nico: Ginutom ako. Bili muna ako makakain natin. Ano'?
Julio: Sige ako na muna magbabantay dito total matagal pa naman si Baste, mahaba pa pila.
Nico: Sige, dyan na ako bibili sa kabilang kanto. Tapos di na ako babalik..
Julio: ulul. Gutom narin ako no.
Nico: Joke lang.
Paglabas ni Nico.
Julio: Oh ngayon ready ka na ba?
Baste: Opo kuya. Reading ready na po.
Julio: Wow. Tapang ah. Tama yan. Para maging malaki ka na gaya namin.
Baste: Opo tsaka gagwapo na ako yehey!
Panay tawanan ang dalawa nang makarinig ng malakas na tunog sa labas
Julio: Ano yun?
Bigla nagtipon ang mga tao sa gilid.
Lumabas sandali si Julio para tingnan ang nagkakagulong mga tao.
Julio: Ma,ano po yan?
Lalaki:Nabundol yung bata..
Lalaki2: Tumawag kayo ng ambulansya!!!dali!!!
Lalaki3: Wag kayong magtipon bigyan nyo ng hangin.
Nang magsiatrasan ang mga tao.
Labis na ikinagulat ni Julio ang kanyang nakita....
..
..
Julio: Nico??
Sobrang pagkatulala ang nangyari kay Julio.
Tumalikod sya ng ilang segundo dahil sa pagbabakasaling hindi si Nico ang nakita nya.
..
..
Matapos ang ilang segundo Dahan dahan syang umikot at tiningnan ulit ang lalaking nakahandusay sa daan.
Julio: Nico?
Paulit – ulit siyang tumalikod ng tumalikod dahil sa pagbabakasaling mali ang nakikita niya.
Baste: Kuya Julio ano po yan??
Pagtingin ni Baste sa kay Nico.
Baste: Kuya Nico?Kuya Nico!!
Agad nilapitan at hinawakan ni Baste si Nico.
Baste: Kuya Nico gumising ka... Kuya... ( Labis ang pag iyak ni Baste)
Kuya Julio si Kuya Nico...
Ngunit tanging tulala sa tabi si Julio at wala manlang ni isang luhang tumulo sa kanyang mga tulalang mata.
Makalipas ang dalawang araw.. July 29 2007 Huwebes
Nakaupo lamang si Julio sa isang mahabang silya sa isang tahimik na lugar habang nakatingin sa isang kabaong sa kanyang unahan na nilalaman ang kanyang kaibigan..
Baste: Kuya Nico magpapatuli pa ako diba..
Ngunit wala ni isang luha ang tumulo sa mga mata ni Julio mula nung araw ng aksidente.
Ang lahat ay naghihinagpis sa nangyari lalo na ang pamilya ni Nico.
Ang araw ay napuno ng kalungkutan
Tyo Atong: Alam ko naging sobrang masakit sayo ang nangyari,hindi bawal umiyak,alam kong ang mga matang yan ay napupuno na ng luha't kalungkutan. Ilabas mo yan anak kung kinakailangan.
Makalipas ang isang araw July 30 2007 Friday
Hindi pumasok si Julio at pumunta siya sa tabing dagat dala ang maliit na piano.
Sinimulan nyang itugtog ang isang napakagandang musika na tinutugtog nila ni Nico..
Pinikit ni Julio ang kanyang mga mata at iniisip na katabi niya lamang si Nico at kasama magtugtog ng isang musika.
Maging ang panahon ay nakikidalamhati sa nangyari,
Malungkot ang mga ibon
At napakalikot ng dagat
Na para bang naghihinagpis sa isang pangyayari.
Ngunit mapapansin mo rin na kahit isa manlamang luha ay walang lumalabas sa mga mata ni Julio.
Julio: Galing mo na Nico ha.. Ayos..
Matapos ang musika naupo si Julio sa buhangin at tulalang nakatingin sa karagatan.
"Nico: Salamat Julio ah. Buti nalang talaga andyan ka kasi kung hindi ewan ko.The best ka talagang kaibigan.Wag ka lagi mawawala sa tabi ko ha...Mahal na mahal kita bilang matalik kong kaibigan"
Julio: Nico???????
Ngunit ang boses na yun isang boses ng alaala sa pumasok sa isipan ni Julio..
Julio: (Kausap ang sarili) Diba sabi mo walang iwanan..
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasyStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.