2

3 0 0
                                    

                                                                

Sa hapag kainan naman

Nico:Nay kelan po ba uuwi si kuya Aaron. ?

Pansing: Malapit na anak. Inaayos nalang ni kuya mo mga kakailanganin sa pag uwi . Bakit? Excited ka na sa sapatos?

Nico:Oo nay. Galing kaya nun..

Pansing: Kaya ikaw ingatan mo yun anak ha.

Nico: Oo naman po . Talagang iingatan ko yun.

Baste: Naku! Hindi yun magtatagal sayo kuya. Sira agad yun sigurado.

Nico: Hoy baste inggit ka lang no.

Baste: Anong inggit. Hindi ah.

Nico: hahaha. Shhhhhhhhooooeeesssss.

Pansing: Tama nay an. Kayo talagang dalawa. Kain na nga lang kayo.

O Julio musta pagkain? Masarap ba?

Julio: Opo. Sarap po.

Pero mistulang malungkot si Julio dahil sa napapanood nya sa hapag kainan.

Matapos kumain ...

Sa labas ng bahay

Nico:Oh bat parang malungkot ka?

Julio:Wala lang. Namiss ko lang mga magulang ko.

Nico: Aysus. Tama na yan. Ikaw talaga halika nga dito.

Sabay ginulo ang buhok ni Julio..

Julio:Buhok ko,,

Nico: Kita mo ang gwapo..

Julio: Ahh..ganun. halika rin dito.

Sabay gulo rin sa buhok ni Nico hanggang sa magkulitan ang dalawa.

Kinaumagahan sa skwela.

July 16 2007 Biyernes

Nico:hay naku nakakatamad.

Tagal mag uwian.

Mistulang lantang gulay si Nico sa sobrang tamlay.

Kit: Nico diba inventor tatay mo dati.

Nico:Oo bakit?

Kit:Ano ba mga nainbento ng tatay mo?

Nico: Madami. Kasooo. Di ko alam.. Di ko naman kasi nakikita .

Von: Baka saranggola lang na walang tali naimbento ng tatay mo.

At nagsitawanan ang magkakaklase. Habang si Nico inis na inis.

Nico: Hoy! Marami nang naimbento ang tatay ko no.. Eh ang tatay mo ano trabaho? Mangingisda sa baha?

Von: Yabang mo ha...ano gusto mo?

Nico: Bakit ha? Pikon ka rin naman pala.

Von: Umayos ka ha. Makita mo mamaya pag uwian.

Kit: Tama na yan Von.

Von: Tumahimik ka Kit ha.

Nico : Di ako takot sayo..

Dan: Ang yabang mo ah.

Nico: Bakit ha? Isa ka pa. Ano??

At dumating ang teacher.

Madam Carla: Class. Ano yan ha?

..

..

Nako kayo nanaman dalawa lagi nalang kayo ganyan.

Kayo Von at Dan balik na kayo sa upuan nyo. Dali.

Von: Makikita mo pag labasan..

..

..

..

At nang mag uwian.

Julio: Ano nga ulit yung pinapadala satin?

Jeg: Bond paper,Art paper,tapooosss..

Uy tol ano yun? Away?

Julio: Hayaan mo sila. Baka madamay pa tayo.

Hinayaan ni Julio ang away at hindi nya alam na ang bestfriend nya ang nakikipag away.

Nico: Ulul!!!!!

,,

Julio: Teka. Boses ni Nico yun ah.

At pag lingon ulit sa away nakita nya si Nico.

Agad syang tumakbo at umawat.

Julio: Tama na yan..

Dan:Wag ka makialam.

Julio: Wag makialam eh bestfriend ko to.

Dan: Ah ganun..

Agad sinuntok ni Dan si Julio pero di nya natamaan. Nagmistulang 2 on 2 fight ang nangyari..

 

Sa principal's office

Principal:Sino ang nagsimula ng gulo.?

Nico: Sila po.

Von: Anong kami.?

Nico: Diba sabi nyo saranggola naimbento ng tatay ko. Bat kayo namimikon?

Principal: Tama na yan. Kayo talaga Von kahit sino nalang.

Tatawagan ko na mga magulang nyo para sunduin kayo. Ayoko na maulit ito ha..

Von,Dan,Nico,Julio: Opo Mr. Principal...

Pagdating ng mga magulang..

Atong: Julio halika na . uwi na tayo.

Julio: Sige po tito sorry po.(Nakayuko

Pansing: Nico halika na.

Nico: Sige po nay..(Nakayuko)                                                           

Pansing:Sa bahay nalang natin pag usapan ito.

July 15, 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon