4

0 0 0
                                    

Nico:Buti nalang nakahanap tayo taguan no.

Julio: Oo nga.

SSSSShhhhh

Nico: Tingin mo andyan pa sila?

Julio: Malamang andyan pa yun. Manuod ka nalang.

Nico: Horror. Ayoko nyan eh.

Julio: Basta manuod ka nalang. Sabay na tayo sa mga tao lumabas.

Di pa man suspense mga nangyayari takot na tako na si Nico sa palabas dahil palang siya talagang takot na siya sa multo....

Hawak na hawak na ito kay Julio.

Julio: Tumigil ka nga para kang bakla. Movie lang yan oh.

Nico: Ayoko manood..

Julio: Pano ka matututo. Face your fear.

Humarap si Nico sa screen na nakatakip ang mukha.

Julio: Face nga may takip naman. Galing din ano.

AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!

Nang magsigawan lahat ng tao.

Nico: Ayoooko na.. labas na tayo.. sige na.

Julio: Gusto mo mahuli tayo. Mamaya na. Patapos na rin naman ito. Oh eto. Isipin mo Si Mang Tibe yan na nasa screen tapos nasubsob sa putikan.

Nico: ( Tumawa)

Boy: Ayy. Horror tumawa? Tanga lang??

Julio: Sorry po...... (Palihim na tumatawa.)

Nang magsilabasan na sa cinehan.

Julio: Kita mo di tayo nahuli..

Nico: Oo nga galing mo.

Guard: Anong hindi nahuli... Sumama kayo sakin. Dali..( Hawak hawak ang dalawa)

Sa loob ng guard house.

Julio:(Bumulong kay Nico)

Nico: Sige..

Gwardya: Sira kayo ng sira wala naman kayong pera.

Julio: Ahm.Manong guard paalisin nyo na po kami kasi po.kasi po.kasi po ang tatay po nitong kasama ko agaw buhay ngayon sa ospital ( Sabay Iyak) 

Gwardya: Di nyo ako maloloko..

Julio: Totoo po sinasabi ko..

Gwardya: Boy totoo ba sinasabi nitong kasama mo?

Nico: (Umiyak din) Opo .Sa katunayan po eto yung pera pambili ng gamot ni papa. Pano kung ipambayad namin ito sa nasira namin. Edi wala na gamot si papa..

Gwardya: Naku nakakaawa naman pala kayo .

Nico: Opo. Pano nalang kung di ko mabilhan ng gamot si papa. Baka. Baka.baka mamatay po siya... (Umiyak ng umiyak)

Gwardya:(napaiyak)  Kayo talaga. Sige paaalisin ko na kayo pero wag nyo na uulitin yun ha. Sige na..

Julio: Salamat po... Tara na Nico... huhuhuhu.

Pag alis ng dalawa.

Gwardya: Grabe itong mga batang ito. Napaiyak tuloy ako...... L

Paglabas ng mall.

Julio: Buti nalang ok acting natin.

Nico: Galing mo talaga... San naman tayo.?

Julio: Maninira ng gamit?

Nico: Hindi. Pupunta..

Julio: Tara kain nalang muna tayo .Gutom ako.

Nico: Sige.

Julio: Libre mo.

Nico: Sige..

Pagdating sa kainan..

Nico: Tingnan mo yung dalawang yun.

Julio: Yung lalaki at babae?

Nico: Oo . Ang sweet nila..

Julio: (Ngumiti) Parang ganito.. (Babaeng boses) Honey I love you kain ka pa.

Nico: (malaking boses) Sige an. Ikaw rin. I love you 2. Oh...

At nagtawanan ang dalawa.

Julio: Sssshhhh. Baka mapansin tayo.. quiet ka lang..

Nico: Tingnan mo pa yun oh na cashier..

Julio: Ehem.ehem. Goodafternoon mam ano po order nyo?

Nico: (Boses Lalaki) Ahm. Lugaw with Egg please..

At naghalakhakan ang dalawa.

Nagtinginan ang mga tao sa lakas ng tawanan ng magkaibigan.

Julio: Sorry...

Nico: Lakas mo kasi tumawa.

Julio: Bilisan na nga natin at nang makaalis na..

Nico: Sige.. Mukhang nakakahiya na dito eh.

July 15, 2007Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon