Pag uwi ni Julio sa bahay nila labis itong hindi mapakali dahil sa di nya alam kung may katotohanan ba ang naiisip nya o wala.
Pinipilit nyang isipin kung ano ba ang susunod na mangyayari sa hinaharap..
Julio: Ano ba to..? Parang may naaalala ako pero parang wala..
Lumipas ang maraming oras hindi parin makatulog si Julio.
Agad nyang tinawagan si Nico.
Nico: Hello Julio?Oh?
Julio: Ano musta ka dyan?
Nico: Ok lang. Tol naman tulog na ako anong oras na.
Julio: Sige tol sorry sa istorbo.
2am July 27 martes.
Julio: Please maalala na kita.
Ngunit wala parin nangyayari.
Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Kinaumagahan.
Tinawagan na ni Nico si Julio.
Julio: Oh bakit?!
Nico: Oh bat para kang nakakita ng multo? Hoy anong oras na sasamahan pa natin si Baste magpatuli.
Julio: Ahh sige punta na ako . Sandali lang.
Pagkarating ni Julio sa bahay nila Nico.Para itong gulat na gulat nang makita si Nico.
Nico: Tol ano ba nangyayari sayo?
Julio: Wala tol wala. Mag ingat tayo tol ha.
Nico: Opo..
Habang naglalakad.
NicO: Bakit pala ganyan ka ngayon?
Julio: Tol Ayoko lang kasi may mangyari sayo,ang alam ko talaga sa araw na 'to.
Nico: Mag totoo man oh hindi yang hinala mo basta bestfriend pa rin tayo ha.
Julio: Tol naman.
Nico: Alam mo kasi nung kay kuya sa clinic dun ako nagsimulang maniwala sayo na galing ka nga sa hinaharap.
Julio: Tama ka tol. Kaya nga ngayon inaalala ko kung ano ba ang mangyayari noon sa araw na ito.
Nico: Anu man ang mangyari walang iwanan.
Julio: Pangako.
Maingat na maingat ang dalawa sa paglalakad sa araw na yun.
Baste: Excited na ako kuya.
Nico: Talaga? Wag ka mag alala pakatapos nito binata ka na.
Baste: Oo nga po kuya sana matuloy na ito..
Nico: Sana hindi madami ang tao.
Teka kelangan ko mag c.r sandali. Hintayin nyo ako dito ha.
Julio: Tol mag iingat ka.
Nico: Oo ako bahala.
..
..
..
Baste: Kuya Julio ano ba pinag uusapan nyo kanina ni Kuya Nico?
Julio: Wala yun. Tungkol sa pagpapatuli mo yun.
Baste: Ahh. Masakit po ba talaga magpatuli?
Julio: Medyo pero keri lang. Alam ko naman kaya mo yan.
Baste: Oo nga po...
Malapit na rin naman tayo.
Julio: Basta andun lang kami ng kuya mo.
Baste: Salamat po kuya Julio.
Dumating si Nico
Nico: I'm here na. tara.
Julio: Tara.
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasyStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.