July 15 2007 Huwebes
Nico: Kakainis naman. Tinuturuan na nga tayo,bugbug na nga tayo sa kaalaman sa school tapos may homework pa. hay naku.pano naman tayo makakapagpahinga ng maayos nito?
Julio:Hayaan mo na. Wala tayo magagawa eh nag aaral tayo eh.
Nico: Kahit pa. Paano naman tayo makakapagbonding ng mga magulang ng maayos at makakapagpahinga nyan.
Julio: Teka parang nangyari na ito ha?
Nico: Sus ayan ka nanaman sa mga time travel mo. Alam mo ganito yan. Siguro mga napanaginipan mo lang ito dati tas nangyari. Diba. Kaw talaga.
Julio. Siguro nga.
Inis na inis si Nico dahil sa dami ng gawaing bahay nya.
Pag uwi ni Nico sa bahay nila.
Pansing: Oh Nico bat nakasimangot ka nanaman?
Nico:Wala po nay. Dami nanaman po kasi homework.
Baste:Kasi ang tamad tamad.
Nico:hoy Baste! Wag mo ako inaano dyan ha!kuya mo ako.
Pansing: Tama na nga yan.. Kaw talaga Nico wag mo na patulan kapatid mo. At ikaw naman Baste wag ka magsasalita mga ganya. Kuya mo parin siya.
Nico: Sorry po nay. Sige po palit lang po ako ng damit.
Pansing: Sige tapos magmeryenda ka ha.
Kinagabihan.
Nico:Homewok.homework.Lagi nalang.Ano ba yan ? Matawagan nga si Julio.
..
..
Nico:Hello Julio.
Julio:Oh?Bakit?
Nico:Patulong naman sa assignments ko.
Julio:Nanaman?
Nico:Sige na oh.
Julio:Eh may gagawin pa ako.
Nico:Sige ganyan ka.Parang di ka naman bestfriend.
Julio:Oh sige na pupunta na ,.sandali lang bihis lang ako.
Nico:Talaga? Naku salamat tol ha..
Julio:Sus,ikaw pa.Sanay na ako.Sige wait lang.
Pagpunta ni Julio kina Nico agad2x nyang tinulungan si Nico sa Gawain..
Julio: Buti nalang mabait ako kundi...sus.
Nico: Alam ko naman di mo ako matitiis eh.
Julio:Pero hoy, di sa lahat magpapatulong ka sa iba,dapat minsan gawin mo rin mag isa. Eh pano pag wala na ako?
Nico: Hoy,!wag ka nga magsalita ng ganyan.
Julio: Biro lang,pero malay natin diba. Ang buhay..
Nico:Kahit na.. Bestfriend tayo no. Di pwede yan..
Julio: Oo na.. Oh ano na? Tapos ko na itong mga sakin. Tagal mo naman eh isa lang yan oh.
Nico: Ahm. Kaw nalang gumawa. Tenks J
Julio: Hay naku... Ewan ko sayo. Tamad neto..
Nang matapos ang dalawa.
Laro Agad VideoGames.
Masayang Masaya ang dalawa sa kanilang ginagawa. Bonding.Tawanan.
Julio:Abaaaa.Dinadaya mo ako ha.
Nico: Bleehh!! Ahahaha
Umakyat naman si nanay Pansing para yayain ang dalawa kumain ng hapunan.
Pansing: Oh kayong dalawa kain na kayo dun sa baba sumabay na kayo samin,
Nico: Sige po nay sandali nalang po ito.
Pansing:Sige, nagawa mo na ba homeworks mo?
Nico: Opo nay .
Pansing:Buti naman, sige bumaba nalang kayo para kumain ha.
Julio: Sige po salamat po .
Sa hapag kainan naman
Nico:Nay kelan po ba uuwi si kuya Aaron. ?
Pansing: Malapit na anak. Inaayos nalang ni kuya mo mga kakailanganin sa pag uwi . Bakit? Excited ka na sa sapatos?
Nico:Oo nay. Galing kaya nun..
Pansing: Kaya ikaw ingatan mo yun anak ha.
Nico: Oo naman po . Talagang iingatan ko yun.
Baste: Naku! Hindi yun magtatagal sayo kuya. Sira agad yun sigurado.
Nico: Hoy baste inggit ka lang no.
Baste: Anong inggit. Hindi ah.
Nico: hahaha. Shhhhhhhhooooeeesssss.
Pansing: Tama nay an. Kayo talagang dalawa. Kain na nga lang kayo.
O Julio musta pagkain? Masarap ba?
Julio: Opo. Sarap po.
Pero mistulang malungkot si Julio dahil sa napapanood nya sa hapag kainan.
Matapos kumain ...
Sa labas ng bahay
Nico:Oh bat parang malungkot ka?
Julio:Wala lang. Namiss ko lang mga magulang ko.
Nico: Aysus. Tama na yan. Ikaw talaga halika nga dito.
Sabay ginulo ang buhok ni Julio..
Julio:Buhok ko,,
Nico: Kita mo ang gwapo..
Julio: Ahh..ganun. halika rin dito.
Sabay gulo rin sa buhok ni Nico hanggang sa magkulitan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasíaStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.