Umaga nang sinamahana nila Nico at Julio si Baste magpatuli..
Nico: Ginutom ako. Bili muna ako makakain natin. Ano'?
Julio: Sige ako na muna magbabantay dito total matagal pa naman si Baste, mahaba pa pila. Ingat ka tol ha.
Nico: Sige, dyan na ako bibili sa kabilang kanto. Tapos di na ako babalik..
Julio: ulul. Gutom narin ako no.
Nico: Joke lang.
Paglabas ni Nico.
Julio: Oh ngayon ready ka na ba?
Baste: Opo kuya. Reading ready na po.
Julio: Wow. Tapang ah. Tama yan. Para maging malaki ka na gaya namin.
Baste: Opo tsaka gagwapo na ako yehey!
Bigla may isang napakalaking pumasok sa isip ni Julio..
Julio: Hindi!!!
Agad siya tumakbo palabas.
Julio: Tol!!! May Kotse!!!
Nico: Dahil sa pagkataranta ni Nico ay di na siya nakaalis sa kanyang tinatayuan.
Julio: Nico...!!!
Agad nya itong tinakbo at hinawakan sabay tumalon at natumba.
Julio: Tol ok ka lang ha ok ka lang?
Nico: Oo tol.
Ang humaharurot na kotse bumangga sa mga nakatayong mga malalaking kahoy malapit kina Julio.
Baste: Kuya babagsak ang mga kahoy!!!!!!!!!
Julio: Aaaahhhhhhhhh!!!!!!
Nico: Aaahhhhhhhhhhhh!!!
Makalipas ang dalawang araw.. July 29 2007 Huwebes
Sa isang bahay nag tahimik naroon ang maraming taong nakaupo sa mahabang silya nakatingin sa mga labi ng pumanaw.
Baste: Sorry kuya kung di dahil sakin kung di sana ako nagpasama di sana siya namatay.(Umiiyak na sinabi ni Baste)
Nico: Wala kang kasalanan sa nangyari Baste.
Puno ng lungkot at pagdadalamhati ang matalik na kaibigan ni Julio na si Nico sa nangyari.
Labis naman ang lungkot na nararamdaman ng naiwan na kaanak ni Julio na si Tiyo Atong.
At umiiyak pa nyang sinabi
Atong: Ang bata bata pa nya. Bakit nyo po siya kinuha agad sakin Panginoon?
Pansing: Kalamayan mo ang loob mo .. Talagang ganyan ang buhay.
Lumabas at umuwi si Nico na sinundan naman ni Baste.
Baste: Kuya!!
Pagdating sa bahay nila Nico agad siyang pumunta sa bodega.
Baste: Kuya ano ginagawa mo?
Nico: ( Umiiyak) Hindi kasi hinahanap ko yung time machine daw ni papa. Andito lang yun eh.
Baste: Kuya tama na..(Sabay hinawakan si Nico)
Nico: Hindi teka lang Baste dyan ka muna ha. Dyan ka muna..
Baste: Kuya (Umiyak ng malakas si Baste)
Nico: Andito lang yun eh.. Teka baka andun sa taas. Sandali ha baka nasa attic lang yun.
Baste: Kuya...
Pumunta si Nico sa taas ng kisame at patuloy na hinahanap ang time machine na wala sa sarili.
Nico: Asan ka na kasi? Magpakita ka na please.(Umiiyak si Nico habang hinahanap ang time machine)
Baste: Kuya tama na...
Nico: Andito lang yun .Promise.Andito lang yun.
At yinakap ng mahigpit na mahigpit ni Baste si Nico..
Nico: Andito lang yun ehh...(Hanggang sa natigil sa paghahanap si Nico)
Baste: Tama na kuya,tama na.
Nico:(Umiiyak nyang sinabi) Julio... Julio naman.. Napaka unfair mo naman..
Baste diba sabi nya ako ang mamamatay. Diba?
Baste:Kuya...
Nico: God please... Pagbubutihin ko na pag aaral ko .Please God ibalik nyo ang kaibigan ko. Please.
Please Y_Y
Please Y_Y
Baste: Kuya wala na siya. Wala na si Kuya Julio....
Bumuhos ang luha sa lugar na kung saan nagmula ang lahat
Labis na di na natanggap ni Nico lahat ng pangyayari
Naging malungkot ang kapiligiran
At Bumuhos ang ulan mula sa kalangitan
Nagsiingayan ang mga ibon
At Lumuluha ang bubong.
Lumipas ang maraming araw.
..
..
..
..
..
..
Pumunta si Nico sa tabing dagat hawak ang flute na gamit sa pagtugtog.
Sinimulan ang isang malungkot na musika
Habang nakapikit ang mga mata
At dumaloy ang luha
Pumatak sa lupa na Naghalo sa karagatan.
Nico: Kung nasan ka man ngayon sana gabayan ka ng musikang ito sa bawat daan na tatahakin mo..
At isang salitang binitiwan lang ni Julio ang labig na tumatak at naaalala ni Nico.
"Sinasabi ko lang na atles pag mawala man ako eh di kaya mo na at atles natulungan kita mahikayat sa pag aaral mo. Mag aral ka nang mabuti Nico ,wag mo sayangin ang bawat oras ng buhay mo."
Nico: Alam ko na hindi na tayo magkakasama ngayon pero sana lagi mo akong gabayan sa buhay ko.
At pinagpatuloy ang pagtugtog ..
Pagtingin nya sa gilid ng karagatan dun nya huling nakita si Julio na kumakaway at nakangiti sa kanya habang unti – unting nawawala..
Dun narin labis na bumuhos ang luha ni Nico..
Nahiga siya sa buhangin pinikit ang kanyang mga mata
Nagbabakasakaling bumalik ang magagandang alaala..
The end >>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
July 15, 2007
FantasyStorya ng dalawang magkaibigang susubukin baguhin ang panahon.