“Sean, may assignment ka ba? Pakopya naman, oh.”I sighed before facing one of my classmates. Si Donna. Tipid akong ngumiti sa kan’ya at tumango. She immediately smiled from ear to ear.
“Nice! Thank you, Sean!” she exclaimed when I handed her my paper. And all of my classmates were now gathering at the one corner of our classroom to take a picture of my answers—our answers to the assignment given to us.
Ano pa nga bang bago? Palagi namang ganito ang ginagawa ng mga kaklase ko sa akin magmula noong grade seven hanggang ngayong graduating na kami sa senior high school.
Masyado na silang nasanay at tuluyan nang dumepende sa akin, sa mga sagot ko. Hindi naman ako maka-hindi dahil nahihiya at natatakot ako. Baka awayin pa nila ako at sabihan ng kung ano-anong masasamang salita. And as much as possible I don’t want to involve myself in any harm or trouble.
At saka naiintindihan ko rin naman ang mga kaklase ko, mahirap talaga ang mga lessons namin kaya hinahayaan ko nalang na mangopya sila sa akin o ‘di kaya ay tinuturuan ko sila tuwing nagpapaturo sila ng mga lessons na hindi talaga nila gets.
“Cords, matuto ka rin kasi minsang humindi. Hindi yung ganyan nalang palagi.”
I suddenly heard the frustrated voice of Alexandrine inside of my head everytime she’d learn that I’ve let my classmates copy my answers again.
I have no choice, cords. I’m sorry.
Alexandrine is my first, and I hope to be my last, girlfriend. She was my classmate in junior high. STE o Science Technology and Engineering ang section namin noon. And she decided to continue it that’s why she enrolled on the STEM strand. While me, I decided to pursue my dream, to become a lawyer, that’s why I chose ABM.
Noon, hindi ako interesado sa kanya. Pero nang mas makilala ko siya noong patapos na ang school year noong grade ten kami, doon na nagsimulang tumibok ang puso ko para sa kanya.
Falling for her is like falling to a well written and breathtaking book that you kept for years and you just decided to read it now. And immediately regretted that you kept and ignored it for years.
More than a year had passed since I courted her and after those three months she finally became my girlfriend but I still can’t believe that she’s mine and I’m her’s.
Araw-araw lang akong nalulunod sa kan’ya at wala akong balak na pigilan ang sarili ko.
“Oh, anyare sa ’yo? Mukha kang tatay na stress na stress ah.”
I immediately chuckled at her comment when she finally got out from their classroom. It’s already four in the afternoon and the corridor of the first floor were now full of senior high school students making their way out of our building.
“Buti ka pa, fresh pa rin,” I said as I swiftly got her tote bag from her shoulder and transfer it to mine.
I bit my lower lip when I saw how her cheeks burned and turned into crimson. “Sus, sinasabi mo lang ’yan kasi mahal mo ako!” aniya para itago ang kilig na nararamdaman.
Agad akong umiling. “No, it’s true.”
Mas lalong namula ang mga pisngi niya kaya mas lalo ring lumawak ang ngisi ko.
Ngayon ay ako naman ang pinamulahan nang hawakan niya bigla ang kaliwang kamay ko. “Tara na nga bago pa kita mahalikan,” aniya habang hila-hila ako.
“Then do it,” I teased between my deep chuckles.
“Gawa ka muna ng bahay natin para may matutuluyan ako sakaling palayasin ako sa bahay ni mama.”
Napahalakhak ako at kalaunan ay sabay na kaming tumatawa habang naglalakad sa hallway.
Masaya kami.
Mahal ko siya. Mahal na mahal.
At alam kong mahal niya rin ako.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayong halos magdadalawang taon na kami ay ganito ang hinihiling niya sa akin.
Sa araw pa talaga mismo ng birthday ko.
“B-Bakit cords?” mahinang tanong ko, pinipigilan ang pag-iyak.
Umiling siya. “Ayoko na. . . Sean. Tama na.”
Umiling din ako at tarantang inabot ang mga kamay niya, nanginginig ito, gaya nang sa akin pero pinili kong kumapit sa kanya. “Please. . . Huwag namang ganito, oh. Pag-usapan muna natin. O-Okay naman tayo ah. . . Kaya bakit?”
Hindi siya makatingin sa akin. Hinintay kong salubungin niya ang mga mata ko at nang ginawa niya nga iyon ay agad akong nanlamig. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Bakas sa mga mata niyang pasuko na siya sa akin at determinado na talaga siyang wakasan ang meron kami ngayon.
“Please, Sean. . . Pakawalan mo na ako. Hindi kita mahal at kailanman ay hindi kita minahal.”
Tila nabingi ako sa narinig mula sa kan’ya. Ramdam ko ang dahan-dahang pagguho ng mundo ko. Tila paulit-ulit akong sinasaksak sa puso. Paulit-ulit akong umiling at hindi naniniwala sa sinabi niya.
Hanggang sa hindi ko namalayang tuluyan ko nang nabitawan ang mga kamay niya. Ang mga kamay na humila noon sa ‘kin mula sa dilim at ang mga kamay na hinawakan ko noong sinabi niyang kumapit lang ako at lumaban pa sa buhay.
At ngayon ay naglalakad na siya papaalis sa akin.
Papaalis sa buhay ko.
-Vidacarryon-
YOU ARE READING
Surpassing Those Rough Pages
Teen FictionThe Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bagay hindi niya agad ito sinusukuan. Ngunit iba ang libro sa babae. Akala niya ay sa libro at pagkatut...