“Kumusta na si Alexandrine, Kuya?” tanong ni Mama sa akin habang kumakain kami ng almusal sa hapag-kainan.Alas-kuwatro ng madaling araw ako nagising at eksakto ring dumating si Tita Feliz para pumalit sa akin bilang bantay ni Drine. Agad akong nagpaalam sa ginang na uuwi muna para makapaghandang pumasok. Hindi ko na inabala pang gisingin si Drine dahil alam kong mahihirapan na ulit siyang makatulog kapag nagising siya.
Habang nasa biyahe pauwi sa bahay kanina ay ramdam ko ang matinding pagod ko kahit na kagigising ko lang naman. Inaantok pa rin ako pero hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makaidlip dahil agad akong nakarating sa bahay.
Saka na lang ako babawi ng tulog kapag may vacant period kami mamaya.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko sinagot ang tanong sa ‘kin ni Mama. “She’s still fighting, Ma. Pero kailangan na kailangan na talaga niya ng donor. Napapadalas nang sumakit ang dibdib niya at nahihirapan na rin siya sa paghinga. ‘Tsaka dalawang beses sa isang linggo na ata siyang nawawalan ng malay.”
Napatango si Mama. “I’ll try to contact my co-nurses later, baka may nahanap na silang donor.”
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat, ngunit ramdam ko rin ang tuwa sa puso ko. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Mama.
“Oh, bakit gulat ka? Of course, I am helping your girl, anak. Or should I say, my future daughter-in-law?” she teased.
“Ma,” tanging nasabi ko. I don’t know how to react with that! And I could feel that my ears are burning.
Mama laughed with Shane, who was secretly listening to us a while ago.
“Mama, kinikilig si Kuya, oh!” natatawang saad ng kapatid ko.
Tumikhim lamang ako at pasimpleng uminom ng tubig. Imbes na manahimik na sila ay mas lalo lang silang nagtawanan. Dahil alam kong hindi ko sila mapapatahimik ay nakitawa na rin ako at hinayaan na silang asarin ako hanggang sa magsawa sila.
“Ma,” pagtawag ko kay Mama bago kami lumuwas papuntang school ni Shane.
Nagtaas ng kilay si Mama bilang pagtatanong. She was standing on the doorway. Inaantay niya kaming makaalis. She’s on leave so she’ll stay here for a while. Wala rin si Papa dahil busy na naman sa seminar, mamayang hapon pa ang uwi niya. Tamang-tama sa pinaghandaan naming gabi. He must be there. Because he’s our coach.
Habang nakatingin ako sa mga mata ni Mama ay naiisip ko ang mga sakripisyo niya. Minsan na lang ako nakakatulong dito sa bahay. Kahit na sabihin kong ginagawa ko pa rin ang trabaho ko rito kapag umuuwi ako, iba pa rin noon na dito ako umuuwi tuwing hapon pagkatapos ng klase. Hindi ko na rin maasikaso ang mga kapatid ko dahil palagi akong nasa-ospital o ‘di kaya naman ay busy ako sa ibang mga bagay. And I can’t help but to feel guilty. Bilang panganay dapat sana ay katulong ako ni Mama sa lahat, lalo na ngayon na buntis siya. Pero imbes na magalit siya dahil palagi akong wala, iniintindi niya ang sitwasyon namin ni Drine at handa pa siyang tulungan kami, si Drine mismo. She showed nothing but love and understanding for us.
I moved to give Mom the most loving embrace possible. She embraced me with her arms as well, giving my back a light pat and rub. I stayed there, taking solace in her presence.
“Thank you, Ma. I love you. . .”
I know those words were not enough to express how grateful I am to have her as my mom, but I mean it with all my heart.
Pangako, babawi ako sa ’yo, Mama. Pagkatapos ng bagyong ito, babawi ako sa inyo.
She stopped patting my back so she could hug me tighter.
YOU ARE READING
Surpassing Those Rough Pages
Teen FictionThe Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bagay hindi niya agad ito sinusukuan. Ngunit iba ang libro sa babae. Akala niya ay sa libro at pagkatut...