VII

125 4 0
                                    


“Mr. and Mrs. Lucenzo, according to your daughter’s medical records, she has stage four congestive heart failure,” saad ni Dr. Cruz, ang cardiologist ni Drine.

Napasinghap si tita Feliz at muntik pang mawalan ng balanse, buti na lang at agad siyang nasuportahan ni tito Redgie sa likuran. Hindi na niya binitawan pa ang asawa ngunit bakas din sa mukha nito ang kalungkutan para sa kalagayan ng kanilang unica hija.

Napatiim-bagang ako nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking damdamin kasabay nang pamumuo ng takot sa sistema ko. Ngunit kahit na sobrang gulo na ng nararamdaman ko at kung ano-ano na ang naiisip ko ay nanatili akong tahimik sa likuran ng mga magulang ni Alexandrine at pinipilit ang sariling makinig pa sa sasabihin ng doktor.

Limang oras na ang nakakalipas magmula no’ng itakbo ko si Drine dito sa ospital kung saan ko rin siya nakita noon, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Habang inaasikaso siya ng mga doktor kanina ay tinawagan ko ang mga magulang niya, kaya heto kami ngayon sa labas ng private room ni Drine para malaman sa doktor kung ano na nga ba ang kalagayan niya at kung ano ang dapat nilang gawin sa kan’ya.

“H-How long can she live, Doc?” humihikbing tanong ni tita Feliz.

I let out a deep sigh as I swallowed the lump in my throat. Nag-iwas ako ng tingin para pigilang mamuo ang luha sa mga mata ko.

“She can only live for six to twelve months. But, she could live for about ten or twenty years if she’ll have a heart transplant as soon as possible.”

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Kailangan na talaga naming makahanap ng donor. Hanggang ngayon kasi ay wala pa akong nahahanap. Pero ngayong maghahanap na rin ang mga magulang ni Drine, mas malaki ang posibilidad na makahanap agad kami.

“Pero wala pa po kaming nahahanap na donor sa ngayon, Doc. . .” problemadong saad ni tito Redgie.

“For the time being, our staff will keep an eye on her and make every effort to locate a potential donor. We will administer dobutamine and milrinone to her IV drip via a vein infusion pump.”

The medicine mentioned by the doctor was somehow familiar to me. Dobutamine is a drug that strengthens the heart muscle.  Milrinone is an inotropic and vasodilator. It increases the strength of the heart muscle and dilates the blood vessels.

My heart sank when I realized something. . . These medications are only used when other drugs don’t control heart failure symptoms anymore. It means, Alexandrine really needs a heart transplant immediately.

Muli akong napabuntong-hininga at tahimik na nanalangin sa Panginoon na sana ay makahanap agad kami ng potential donor para kay Alexandrine.

Alexandrine deserves to live longer.  She must experience first the genuine love from her parents. She deserves to fulfill her dreams and goals in life. She deserves to feel happy and contented. And I have to love her more and more for infinity. The love that I showed her wasn’t enough to express how much I really love her.

“Sean, hijo, puwede ka na munang umuwi sa inyo. Alas-onse na ng gabi, malamang ay nag-aalala na rin ang parents mo sa ’yo. Kami na ang bahala kay Alexandrine. Saka ka na lang namin babalitaan kapag nagising na siya,” mahinahong saad ni tita Feliz habang naka-upo ako sa monoblock chair na nasa tabi ng kama ni Drine at tahimik siyang pinapanood habang natutulog.

Marahan kong nilingon si tita. Naka-upo silang mag-asawa sa sofa. Si tito Redgie ay tuluyan nang nakatulog doon dala siguro ng matinding pagod sa trabaho. Habang si tita Feliz ay kagaya ko ring hindi makatulog hangga’t hindi pa nagigising si Drine.

“Huwag po kayong mag-alala, tita. Na-text ko na po si mama na gagabihin ako ngayon. Hindi ko rin po kayang umuwi ngayon hangga’t hindi pa nagigising si Drine.”

Surpassing Those Rough PagesWhere stories live. Discover now