“Papa?” nagtatakang tanong ko nang maabutan ko siyang natutulog sa labas ng bahay namin. Naka-upo siya sa hagdan bago ang pintuan at yakap-yakap niya ang itim na backpack niya. He was still wearing his uniform: navy blue polo, black slacks, and his black formal shoes.
Agad siyang naalimpungatan at napaayos ng upo nang makita akong nakatayo sa kan’yang harapan. Bakas sa mukha niya ang matinding pagod at stress, mukhang nagtalo na naman sila ni mama.
“Sean?” Napatingin siya sa wrist watch niya bago muling nag-angat ng tingin sa akin. “Alas-diyes na ng gabi, ah. Saan ka galing?”
“Kila Alexandrine po,” sagot ko bago tumabi sa kan’ya. “Ba’t ka po nandito, Pa?”
He smirked. “Sinuyo mo na ba?”
My forehead creased. “Sinabi na naman ba ni Shane sa inyo?”
Natatawang tumango si Papa. I sighed before nodding my head. Napakadaldal talaga ng batang iyon.
“Kumusta?”
Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi nang maalala ang nangyari kanina. “All goods, Pa.”
Natawa si Papa. “Nice one, anak!” aniya bago siya nakipag-high five sa akin.
Mabilis lang akong natawa ngunit agad ding sumeryoso. “Eh kayo ni Mama, Pa? All goods ba?”
Papa smiled, but it didn’t reached his sad eyes before he tapped my right shoulder, and then sighed. “Magiging all goods din.”
“Ano ba kasing nangyari?”
“Nilalandi pa rin ako no’ng bagong teacher. Iniiwasan ko na nga, eh. Kaso ang dumating na chismiss sa Mama mo, eh, pinapatulan ko raw at kami na. Gago talaga manira mga tao ngayon, grabe.” Naiiling na sabi ni Papa bago siya napakamot sa kan’yang ulo. “Kaya ayon, pagka-uwi ko kanina galit na galit sa akin ang mama mo. Sinubukan kong magpaliwanag pero pinagsarhan lang ako ng pinto. Tinakot pa talaga sila Shane at Sheela para hindi ako pagbuksan ng pinto.”
Hindi ko man intensyon ay natawa ako sa paraan ng pag-kuwento ni Papa. Mukha siyang batang aping-api.
Napatingin sa akin si Papa at sinamaan ako ng tingin. “Oh, bakit mo ako tinatawanan?” aniya pero bakas sa boses niya na natatawa na rin.
Umiling ako at napatingin sa bintana sa gilid ng pintuan. Bukas pa ang ilaw, malamang ay gising pa si Mama.
“Suyuin mo na kaya si Mama, Pa?”
Tumango si Papa. “Oo pero kailangan may dala ako. Tara muna sa plaza? Bili tayo ng balut.”
Agad akong tumayo at gano’n din ang ginawa ni Papa. Habang papunta kami sa plaza ay doon na niya kinuwento sa akin ang ginagawang panlalandi sa kan’ya ng bagong dating na guro sa elementary school na pinagtatrabahuhan ni Papa.
Maging ako ay naiinis na rin. Na-report na pala ito ni Papa sa Principal nila pero mukhang malabong tanggalin nila ito dahil nalaman niyang kamag-anak pala ito ng Principal.
Ang mga nagparating naman ng chismiss kay Mama ay mga katrabaho ring guro ni Papa na gustong siyang siraan. Palibahasa kasi ay malapit nang maging Principal si Papa. Napatiim-bagang ako. Para silang mga bata kung umasta. Dahil lang sa inggit ay hihilahin nila pababa ang kanilang kapwa. Kahit anong uring paninira pa ’yan ay gagawin nila.
Hindi ba puwedeng sumaya sila para sa mga nakakamit na tagumpay ng kasama nila, at kapag naiingit sila ay paghirapan din nila iyong makamit sa tamang paraan at hindi sa paninira?
Nakakainis ang mga gan’yang klase ng tao.
“Oh, kumain ka muna. Ramdam na ramdam ko ang inis mo, eh,” tumatawang sabi ni Papa sabay abot sa akin ng mainit na balut. Kararating lang namin sa Plaza. Kakaunti na lang ang mga tao dahil gabi na. Wala namang liga kaya tahimik dito.
YOU ARE READING
Surpassing Those Rough Pages
Teen FictionThe Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bagay hindi niya agad ito sinusukuan. Ngunit iba ang libro sa babae. Akala niya ay sa libro at pagkatut...