“Paano kaya kung ma-inlove ka, Sean?”Napakunot ang noo ko sa tanong ni Alexandrine habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria ng school namin. This is my first time eating with her alone. Kami kasi ang mag-partner sa Research namin at after lunch ang pasahan ng Methodology kaya napag-usapan naming sabay nang kumain sa cafeteria habang tinatapos ito. But instead of finishing our task we decide to talk for a while. Masaya siyang kausap at marami siyang what ifs na naiisip, nakakatuwa. May mga natutunan din ako sa kan’ya kaya mas ginagahan akong kausapin siya.
She’s staring at me curiously. Parang nag-i-imagine na siya ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari.
“What do you mean?” I asked.
She giggled. “Wala, curious lang ako. Puro ka aral, e. Nagka-crush ka na ba? Siguro naman oo, ‘di ba? Pero nakaka-curious talaga kung paano ma-in love ang isang Sean na mala-Einstein ang talino.”
I laughed at her ridiculous statement. “Wala pa sa isip ko ’yan.”
She then nodded. “Sabi ko nga.”
While I was running a sudden flashbacks flooded my mind as I think about Alexandrine. Mula noong unang napalapit ang loob ko sa kan’ya hanggang sa hindi ko na namalayang nahuhulog na pala ako sa kan’ya.
“Okay lang ba? Hindi ba ako mabigat?” she asked hoarsely when she suddenly woke up and lifted her head from my back to scan the surrounding. May drug symposium kasing nagaganap ngayon sa quadrangle. At dahil maraming mga estudyante, kulang ang mga upuan, kaya dalawa kaming naka-upo ni Alexandrine sa iisang armchair. Patagilid siyang naka-upo kaya nakaharap siya sa kaliwang banda ko at ang natitirang espasyo ay ako na ang umukupa, at nakaharap ako mismo sa stage.
“Okay lang,” I said softly as I straightened my back. Yuyuko na sana ulit ako nang bigla niyang hinapit ang kanang balikat ko at sinandal niya ang kanyang ulo sa likod ko malapit sa balikat ko. My breathe was suddenly caught on my chest at her sudden move. With her warmth and vanilla scent that engulfed my nose, I could feel the changing pace of my heartbeat. It was turning wild that I thought for a while could break my ribcage.
What the hell is happening to me?
Noong una ay kinakabahan pa ako na baka maramdaman at marinig niya ang pagwawala ng puso ko ngunit agad akong nakahinga nang maluwag nang maramdaman kong nakatulog na ulit siya.
I could feel her delicate hand that was holding my right shoulder was slowly slipping. Using my left hand, I held it as a support while answering some of the questions about the topic from our classmates.
Nang matapos ko silang sagutin ay maingat kong nilingon bahagya ang natutulog na si Alexandrine.
I sighed. She seems exhausted. Ano kayang ginawa niya at pagod na pagod siya?
Sa kalagitnaan ng pag-aalala ay bahagya akong napangiti nang maalala kong iyon ang araw kung saan namulat ako sa katotohanang higit pa pala bilang kaibigan ang nararamdaman ko para kay Alexandrine.
I finally stopped running when I finally reached their two storey white house. Humakbang ako ng tatlong beses papalapit sa itim na gate bago pinindot ang doorbell sa gilid.
Napayuko ako at napahawak sa tuhod ko habang hinihingal at halos maligo na ako ng sarili kong pawis. Imbes na mahimasmasan ay mas lalong sumikip ang dibdib ko at mas nahirapan ako sa paghinga. Doon ko lang napansin na sa bawat paghugot ko ng hininga ay may kasama na itong tunog. Hinihika na naman ako. Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko at pilit na kinakalma ang sarili kahit na nahihirapan na akong huminga.
YOU ARE READING
Surpassing Those Rough Pages
Teen FictionThe Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bagay hindi niya agad ito sinusukuan. Ngunit iba ang libro sa babae. Akala niya ay sa libro at pagkatut...