Kakatapos ko lang maglaba ng sandamakmak na mga labahin nang dumating si Papa mula sa site na kan’yang pinagtatrabahuhan. Isang civil engineer si Papa.
Napatingin ako sa wall clock dito sa salas at alas-kuwatro na pala ng hapon.
“Alexandrine Joy.”
Maliligo na sana ako nang bigla akong tinawag ni Papa. Muntik pa akong mapairap nang marinig ang second name ko. Ayoko lang talaga ’yon.
“Ano?” tanong ko kay Papa habang tinitingnan niya kung ano’ng laman ng ref.
“Magluto ka nga ng ulam,” utos niya.
“Ang aga pa naman. Mamaya na lang, Pa,” saad ko dahil gusto ko pang magpahinga kahit kalahating oras lang dahil pagod na pagod talaga ako. Hindi lang naman kasi paglalaba ang ginawa ko, nilinis ko rin ‘tong buong bahay kanina.
“Nakakawalang gana ka talagang anak. Ako na nga.” Kinuha niya ang tupperware na may karne ng baboy sa ref bago niya ito tuluyang isinara.
Sumikip ang dibdib ko at bumigat ang damdamin ko sa narinig. Bumuntong-hininga na lang ako bago ko siya iniwan at naligo na.
Ano pa nga bang bago kay Papa? Palagi naman siyang gan’yan. Sa mga pagkukulang ko siya laging nakatingin at hindi sa mga maaayos na nagawa ko.
Kung nakakawalang gana akong anak. Aba, hindi lang nakakawalang gana sa kan’ya. Nakakasawa siya na minsan ko nang hiniling na sana. . . sana iba na lang ang ama ko.
He used to be my favorite person. Mas close pa nga kami noon kaysa kay Mama. Pero magmula nang makalimutan niya akong ituring na anak niya. Pinagsabihan ng masasakit na salita. Sinampal ng isang beses dahil lang sa mababaw na dahilan. Tumigas na ang puso ko at hindi na siya ang Papa na nakilala ko, tila estranghero na siya sa paningin ko at nakikitira lang ako sa bahay niya.
“Cords, ano’ng feeling ng may kapatid?” tanong ko kay Sean habang nakahiga ako sa kama niya at siya ay naka-upo sa tabi ko sa bandang tiyan ko at abalang nagtutupi ng mga damit nilang bagong laba.
Nang matapos akong maligo kanina ay nagpasya akong pumunta rito dahil ayokong harapin si Papa. Naiinis ako at nagtatampo sa kan’ya.
Pagkarating ko dito kanina ay si Sean lang ang naabutan ko. May pinuntahan daw na birthday party ang pamilya niya. Birthday ng anak ng co-teacher ni tito Fred at dahil hindi siya mahilig makihalubilo sa mga tao ay nagpa-iwan siya.
Nagtatakang lumingon sa akin si Sean. “Bakit mo naman na-tanong?”
Napanguso at natulala saglit sa taglay niyang kaguwapuhan. Dahil naka-side view siya ay kitang-kita ko ngayon ang matangos niyang ilong na may maliit na umbok sa gitna sa bandang itaas nito at ang perpektong hugis ng kan’yang panga. Ang labi niyang tila palaging nang-aakit na mahalikan. It was a bit pouty and reddish. At ang makapal niyang kilay at pilikmata na mas nagpaganda sa kulay abo niyang mga mata. Bagay na minana niya kay tita Glenda.
“Cords?” tawag niya sa akin nang hindi ako sumagot.
Umayos ako ng higa at humarap sa kan’ya. “Wala, naisip ko lang.”
Itinabi niya muna ang hawak na t-shirt bago siya humiga sa tabi ko at hinarap ako. Agad na sumuot sa aking ilong ang amoy mint niyang hininga at ang bango ng kan’yang damit.
Agad na bumilis ang pagtibok ng puso ko nang hapitin niya ang baywang ko papalapit kan’ya bago niya idinantay ang paa niya sa balakang ko. Sakto lang naman ang bigat kaya hindi ako umangal. Napanguso lamang ako habang siya ay nakangiti sa akin.
“Bilang panganay mahirap na masaya kapag may kapatid ka. Mahirap kasi syempre kung wala o busy ang mga magulang namin, ako ang tumatayong magulang nila. But, it was also fun to have them. May nakaka-usap ako at nakakalaro tuwing na-s-stress ako sa school. Pero mas madalas akong ma-stress sa kanila. Joke,” tumatawang sabi niya.
YOU ARE READING
Surpassing Those Rough Pages
Teen FictionThe Love Manifesto Series #7 Sa katalinuhang taglay ni Sean, hindi na nakapagtataka na libro ang una niyang minahal at kapag mahal niya ang isang bagay hindi niya agad ito sinusukuan. Ngunit iba ang libro sa babae. Akala niya ay sa libro at pagkatut...