"Thank you for your time, pinatawag ko kayo ngayon dahil kailangan na nating planuhan ang tour sa States. Although napag-usapan naman natin to before, gusto ko lang e double check lahat ng progress." sabi ni Pablo
"Alam kong hinahanda na ng kada team ang lahat ng kakailanganin namin sa tour pero gusto lang namin e check para if may kulang pa or may problema, mahanapan agad natin ng solusyon." dagdag ni Josh
"Athena, any updates?" tanong ni Pablo
"Uhm, all necessary documents for the tour are ok na, tickets, accommodations, and such, for confirmation nalang." Venue for the concerts will be coordinated with the production team in those areas. May mga permits na lang kami na kailangan e process then ok na lahat." sagot ni Athena
"What about the wardrobe and style team?" tanong ni Pablo
"Ok na lahat ng costumes maliban lang doon sa pants ni Josh na kailangan e alter. Thats it."
Nagpatuloy pa ng ilang oras ang meeting nila.
----
"Beshy! Nakuha mo na ba sa office yung forms na kailangan ko?" tanong ni Gino kay Athena
"Ay nakalimutan ko! Teka tawagan ko muna sa office."
"Huwag na sissy! Daanan na lang natin mamaya after nating mag coffee."
"Coffee?" tanong ni Athena
"Yazz! Sabi ni Lucy ililibre niya daw tayo mamaya sa Starbucks." masayang sabi ni Gino
"Talaga ba? Sus palusot niya lang yan para makita yung palaging tumatambay don na crush niya." sabi ni Athena
"Hayaan na natin si ate gurl na nagkaka-crush kasi parati tayong may pa ayuda na starbucks." sabi ni Gino
"Haha, ikaw talaga."
-----
"Sabi ko naman sa'yo Gino lakarin na lang natin eh!" naiinis na sabi ni Lucy
"Ang init2x kaya! Sayang naman tong skincare ko kung maiinitan lang ako." sabi ni Gino
"Kaya nga may sunscreen beshy! Bilisan mo na nga, baka di ko na maabutan si Prince Charming!"
"Kayong dalawa talaga kung magsalita parang may sampung tao sa kwarto. Ang ingay!" sita ni Athena
"Wow naman beshy ko, kung maka ingay kala mo di bumubula ang bibig pag nagsasalita!" sabi ni Gino kay Athena
"Hoy, anong bumubula ang pinagsasabi mo?" sabi ni Athena
"Huwag ka! Naalala mo noong nag chichismis tayo tungkol kay Myra? Ay sis! Yung nguso mo non-stop na bumubula na ang laway mo sa kakasalita!" tukso ni Gino
"Excuse me! Juicy ang chismis kaya dapat juicy din ang lips!"
"Hindi na juicy yun girl, bumubula na! Hahaha!"
"Shhh quiet! Andyan na siya! Bilisan mo na magpark Gino!"
"Eto na po kamahalan."
Habang nagpa-park ay nakita nilang tatlo ang sasakyan ni Ken naka hazard sa tapat ng cofeeshop.
"Uy si Ken, nandito din pala." Sabi ni Gino
"Tara puntahan natin!" Sabi ni Lucy
"Wait! Teka may kasama siya oh." Sabi ni Athena
"Oo nga" sabi ni Lucy
Nakita nila si Ken na may kasamang babae sa loob ng sasakyan. Mukhang nagtatalo ang dalawa. Maya-maya pa ay lumabas na ang babae at hinampas ang pinto ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
When our Worlds Collide
RomansaIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...