Part 54

202 14 9
                                        


Masakit man sa damdamin ni Athena pero kinailangan niyang umalis at kalimutan ang nangyari sa kanila ni Ken. Inaamin niyang mali ang kaniyang ginawa at hindi siya dapat nagpadala sa kanyang emosyon. Ayaw din niyang makasira sa relasyon ni Ken sa kanyang bagong nobya kaya habang maaga pa at hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman niya sa binata ay kailangan niya nang kalimutan ang namumuong damdamin dito.

"Ang tanga-tanga mo Athena! Ba't mo ginawa yun?!" sabi ni Athena sa sarili

Habang bumabyahe ay hindi maalis-alis sa isip niya ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay damang-dama pa rin ni Athena ang bawat haplos at halik ng binata. Bawat hagod ng mga kamay at galaw ng kanilang mga katawan ay napaka-klaro pa rin sa memorya niya.

Naputol lang ang kanyang muni-muni ng tumawag ang kanyang mga kaibigan na sina Lucy at Gino.

"Girl, gusto mo bang sumama sa Gala Night namin?" tanong ni Gino

"Huh? Gala night niyo 'yan. Ba't naman ako pupunta?" sabi ni Athena

"Ininvite ka ni Ms G.! Go na beshy! You can bring a plus one." sabi ni Lucy

"Uhm"

"Wala nang uhm uhm, go na, ok? Dalhin mo yung manliligaw mo. Gusto namin siyang makilala." sabi ni Gino


---------------


Kinabukasan, late nang nakapasok si Ken sa kanilang opisina. Pagpasok na pagpasok niya sa pinto ay derecho lang itong umupo sa kanyang mesa. Hindi niya napansin ang mga kasama na nakatambay sa sofa.

"Ken, ba't ngayon ka lang?" tanong ni Justin

Tila hangin lang ang natanggap na sagot ni Justin. Napansin tuloy ng buong grupo na may problema si Ken o may gumugulo sa isip nito. Nilapitan siya ni Josh.

"Gar, may gumugulo yata sa isip mo ngayon?"tanong ni Josh

Sumandal si Ken sa kanyang upuan at patuloy pa rin na yumuko.

"Wala par, ok lang ako. Puyat lang 'to."

"Anong wala?! Meron 'yan! Ano bang problema mo?" tanong ni Stell

"Wala nga."

"Weh? Nabuntis mo si Danica?" tanong ulit ni STell

"Hindi ah! Wala 'to. Puyat lang. Pagod kasi ako hindi ako nakatulog ng ilang gabi dahil di komportable dun sa site." palusot ni Ken

Gusto man niyang sabihin na si Athena ang dahilan kung ba't nakakaganyan siya ngayon ay di niya masabi-sabi. Ano naman ang sasabihin niya kung ganon? Dumaan ulit sa isip niya ang mga nangyari nang gabing iyon. Pilit niya itong itinataboy pero hindi maalis alis sa isip ni Ken ang imahe ni Athena noong gabing iyon. 

"Ken! Naririnig mo ba 'ko?" tanong ni Stell

"Huh?"

"Oh kita mo! Di ka naman nakikinig. Ang sabi ko, naroon na ang suit mo para sa event bukas." ulit ni Stell 

"Ah, ok." sagot ni Ken


-------------


"Athena, dumaan ka na lang doon sa 1Z para maibigay mo yung mga documents na kailangan e review ni sir Pablo bago ka pumunta sa publishing. Tapos ipa approve mo na rin to kay sir Ken." sabi ng katrabaho ni Athena na si Reggie

"Ha? Uhm, ah, di pa pwedeng iba na lang?" tanong ni Athena sabay kamot sa kanyang ulo

"Kanino ba si Ken?" 

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon