Part 37

98 10 2
                                    

"Unang una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa lahat ng staff na nandito ngayon kasama namin. Alam namin hindi madali ang trabaho ninyo lalo na at kokonti lang natin dito ngayon pero nalampasan pa rin natin ang mga challenges sa bawat lugar na mapuntahan natin. Next ang team nina Athena kung saan inalalayan nila tayo lalo na at kakatayo pa lang ng ating agency. Maraming salamat sa inyo. Sa lahat ng co producers natin at kani-kanilang staff. Sa ating stylist at make up artists, thank you din at higit sa lahat, sa aking kapwa members, Josh, Stell Justin at Ken, salamat at binigay niyo ang best ninyo sa tour na ito. Cheers mga dre! Malayo pa pero malayo na!" speech ni Pablo matapos ang last leg ng Canada tour nila. 

Sa wakas ay napagtagumpayan nila ang US at Canada Tour. May mga problema ding hinarap pero sa huli ay nakayanan din. 

Ang kulit ni Ken sa Victory Party ng SB19, halatang masayang masaya ito kaya hindi napigilan ni Stell na magtanong. 

"Aba, ang saya natin ngayon ah! Anong meron?" tanong ni Stell kay Ken

"Stell, sinagot na ako ni Athena." Masayang sagot ni Ken habang pinipisil nito ang kanyang braso

Ibang klase si Ken kung lumabing sa kanyang mga ka grupo.

"Kaya pala iba ang energy mo ngayon ha."

"Anong klaseng energy yan Stell?" tanong ni Ken

"Yung nakakainis na energy Pilip!" 

"Haha Inggit ka lang!"

"Luh! Paano yung inggit?" biro ni Stell

"Anong meron?" tanong ni Pablo na lumapit sa kanila

"Etong si Ken, sinagot na daw ni Athena." sabi ni Stell

"Sure na ba yan Ken?" panigurado ni Pablo

"Iba to pre." tanging sagot ni Ken

"Weeh! Di mo sure!" biro ni Stell

Matapos ang napakasayang party ay nagpahinga na rin ang lahat dahil maaga pa ang flight nila pabalik ng LA. May mga guestings at interviews lang sila na gagawin doon bago sila bumalik ng Pilipinas.

-----

Kaka check in lang nila sa hotel sa LA ng nakatanggap si Athena ng text mula kay Jeff. Alam pala ni Jeff na nasa LA sila dahil makikita niya ito sa mga posts nilang magkakaibigan. Nagtaka si Athena kung bakit pa ito nakipag comminicate sa kanya matapos ang nangyari. Na curious din si Athena kaya nireplyan niya ito.

Nakipag usap si Jeff sa kanya na kung pwede silang magkita at mag-usap. Noong una ay tumanggi pa si Athena pero dahil naging curious siya sa sasabihin ni Jeff ay pumayag na rin itong makipagkita sa binata. Hindi na sinabi ni Athena kay Ken ang tungkol dito dahil baka pag-awayan pa nila ito. 

Habang nag rereply si Athena kay Jeff ay biglang niyakap ni Ken si Athena sa likod. Nagulat si Athena at dali dali niyang itinago ang kanyang cellphone. Napansin iyon ni Ken pero hindi niya na lang ito pinansin. Ito ang unang araw nila sa LA na mag syota at ayaw niyang may pagawayan silang dalawa.

"Thena,pasyal tayo." yaya ni Ken

"Saan mo gustong pumunta?" sagot ni Athena

"Kahit saan!"

Tumawag si Jeff sa cellphone ni Athena dahil hindi na ito nakapag reply sa kanya. Napansin ni Ken na hindi ito sinasagot ni Athena at parang nababalisa ito. 

"Sige, uhm, hanapin ko lang sina Lucy, sasabihan ko lang sila na aalis tayo." palusot ni Athena 

"Ok ka lang, Love?" 

"Ha? Ah eh, oo naman! Sige na love, alis muna ako ha." sabi ni Athena

Nang makaalis na si Athena sa harap ni Ken ay sinagot nito ang tawag ni Jeff.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon