"Thena, I think you should rest first, mahirap na baka ano pa ang magyari sa'yo." sabi ng nurse
"Ok lang po ako, baka ho kasi ma-late ako sa meeting with the suppliers."
"Ikaw bahala basta huwag mong kalimutan inumin yung gamot mo at stay hydrated." the nurse reminded
"Salamat ha. Alis na po ako!"
-----
Nauna si Athena sa venue ng press conference nila. Pinili kasi ng grupo na ilagay sa isang warehouse ang event hindi tulad sa mga nakasanayang hotel na venues para akma sa concept ng EP nila.
Nang matapos na ang initial meeting ay tinawagan na ni Athena si Pablo para ipaalam dito na pwede na silang pumunta sa venue.
Ang mga major suppliers na lang ang nandun at iyon ang kakausapin ni Pablo dahil may mga request ito.
Habang naghihintay si Athena sa grupo ay lumabas muna siya sa venue dahil nilalamig ito. Pinalagyan kasi nila ng mga portable aircon ang lugar para komportable ang mga bisita na dadalo. Si Lucy at Gino naman ay naiwan sa agency dahil kino-confirm nila lahat ng dadalo sa nasabing press conference.
Umupo siya sa isang sulok at doon na nagtrabaho. Nakabukas ang laptop at walang katapusang tawag sa kung sino-sino. Nagmamadali siyang matapos ang araw para makauwi na siya at makapag pahinga.
Ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na ang grupo. Hindi niya napansin na naroon na sila sa harap ng venue.
"Thena! Ba't ka nandito sa labas? tanong ni Stell sa kanya
"Malamig kasi sa loob. Kaya dito muna ko pumwesto." sagot ni Athena
"Sana nagpahinga ka na lang muna"
"Ok lang po. Bukas magpapahinga naman ho ako kaya tatapusin ko na lang tong meeting. Importante kasi to eh. Para sa budgeting natin."
"Ikaw talaga may katigasan din ang ulo noh?" sabi ni Stell
Tumawa lang si Athena. Kahit na masama ang pakirmadam ay nanatili pa rin ang pagiging masayahin nito. Pinapahalagahan lamang ni Athena ang trabaho na meron siya ngayon. Ito lang kasi ang inaasahan niya at ng pamilya niya sa Iloilo. At kung magiging magada ang track record niya, ay posibleng ma promote siya sa kanilang kumpanya.
Maliban sa sweldo ay nasisiyahan din siya sa kanyang trabaho. Mahilig siyang makihalubilo sa ibang tao, makakilala at makasama mga sikat na tao at makapag travel na din.
----
Habang nag-uusap na ang lahat sa meeting ay tahimik lang na nakikinig si Athena sa isang sulok. Para kasing lumalala na ang kanyang pakiramdam. Nakita ito ni Ken kaya tumayo ito at pumunta sa isang sulok at pasimpleng tinawag si Athena.
Nang lumapit na si Athena ay pinagalitan niya ito
"Nagpapakamatay ka ba?"
"Ho? Hindi po, bakit?"
"Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin? Nakainom ka na ba ng gamot? Umuwi ka na nga!" sabi ni Ken
"Malapit namang matapos ang meeting Ken. Tapusin ko lang, uwi din ako kaagad."
"Bahala ka."
At bumalik na si Ken sa kanyang upuan.
"Anong problema nun?" sabi ni Athena at bumalik na rin sa upuan niya.

BINABASA MO ANG
When our Worlds Collide
RomanceIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...