Part 38

87 11 3
                                    

Dumating si Athena sa pinag kasunduan nila ni Jeff. Isang maliit na cafe iyon na malapit sa trabaho ng ex niya. Maganda ang lugar, tanaw ang isang beach na hindi kilala ni Athena.

Pumasok na si Athena sa cafe at nakita niya rin agad si Jeff sa isang mesa malapit sa bintana. Tumayo ito nang makita si Athena at kumaway.

Nang makaupo na si Athena ay hindi na ito nag aksaya ng panahon. Itinanong niya agad kay Jeff kung ano ang pakay nito.

"Sabihin mo na Jeff kung ano ang kailangan mong sabihin may gagawin pa kasi ako." sabi ni Athena

"Thena, ilang beses na akong tumatawag sa messenger mo pero hindi mo sinasagot." sabi ni Jeff

"Para saan pa Jeff? Magkakaroon ka na ng pamilya."

"Wala na kami ni Cecile, Thena. Naisip ko na mas mahal kita kesa sa kanya."

"Nag-iisip ka pa ba Jeff? Paano yung anak mo?!"

"Susuportahan ko naman siya eh. Simula noong nawala ka, I realized na I can't live without you. Namimiss na kita Athena." sabay hawak sa kamay ng dalaga

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Pagkatapos mo kong lokohin, iniexpect mo lang na babalikan kita?" sagot ni Athena sabay hatak ng kamay niya

---------

"Guys, next location na tayo ha!"

"Let's go!"

Nagsho-shoot ngayon ng music video ang Sb19. Fini-feature nila ang mga magagandang tanawin ng lugar. Hindi nila nararamdaman na nagtatrabaho sila dahil parang nagpapasyal lang sila.

Tinatawagan ni Ken si Athena dahil kanina pa ito hindi nagpaparamdam sa kanya. Ang huling mensahe na natanggap niya ay may pupuntahan lang ito."

----------

"Thena, hindi ko naman sinasadya iyon. Inaamin ko, nalasing lang ako non."

"Ayoko na Jeff. Masaya na ko ngayon." sabi ni Athena sabay tayo

"Please Thena, please give me another chance, patutunayan ko sayo na nagbago na ko."

Tumayo na rin si Jeff at biglang niyakap si Athena.

Nagpupimiglas si Athena pero ang kahit anong tulak niya ay mahina pa rin ito kung ikukumpara sa lakas ni Jeff.

-------

Habang nag sho-shoot ay nauuhaw si Ken kaya naisipan niyang pumunta muna siya sa isang coffee shop na malapit sa area na pinag-sho-shoot nila.

"Ken, ako na ang bibili!" sabi ng isang staff

"Huwag na! Kaya ko naman tsaka may ginagawa pa kayo oh." sagot ni Ken

"Sure ka?"

"Oo. Diyan lang ako bibili" sabay turo sa isang cafe

-----

Nang pumasok si Ken sa cafe ay bumungad sa kanya ang imahe ni Athena na may lalaking kayakap at kahalikan, kung hindi siya nagkakamali ay si Jeff ang kayakap ng nobya. Hindi nakagalaw si Ken sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay parang nakadikit ang dalawang paa sa sahig ng cafe na iyon.

Ilang segundo pa nang magkasalubong ang mga mata nila ni Athena.

Hindi maintindihang galit ang nararamdaman ni Ken. Para siyang sasabog pero naisip niya na mali kung mag e-eskandalo siya sa lugar na iyon.

Nang makita ni Athena si Ken ay inubos niya ang buong lakas upang makaalis siya agad sa yakap ni Jeff. Ngunit hinila siya ni Jeff at hinalikan sa mga labi. Nagulat si Athena sa Ginawa ni Jeff. Nagpumiglas siya agad at lumingon kung nasaan si Ken, pero huli na ang lahat. Nakalabas na si Ken sa cafe.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon