"Danica, sure ka ba dito sa sinend mo? Malaking eskandalo to ah. Tsaka kakadating pa lang ng grupo galing America" Sabi ng taga media
"Bakit? May problema ba?" Tanong ni Danica sabay lapag ng matabang envelope sa mesa
"Ah eh wala naman"
"Mabuti naman kung ganoon. Also, ilabas mo na yan after na ng concert."
"Sige danica."
Tumayo na si Danica at lumabas na ng restaurant. Inisip niya pa kung iaatras niya pa ang plano pero dahil sa galit ay tinuloy niya talaga ito.
"Hindi ako papayag na ipagpapalit mo lang ako sa babaeng iyon, Ken." Sabi ni Danica sa sarili
------
"Kailangan bang bukas ka na aalis?" Tanong ni Ken kay Athena
"Kailangan Love eh."
"Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang? Ngayon lang tayo ulit nagkasama ah"
"Sorry Love, bawi na lang ako sa sunday."
Nagtatampu-tampuhan si Ken. Alam niyang trabaho ang rason kung bakit kailangang umalis ni Athena.
"Naku naman, nagpapalambing ka lang eh!" Sabi ni Athena habang niyayakap si Ken
"Basta sa sunday ha. Kailangan nandun ka sa harap"
"Bakit sa harap talaga?"
"Magpapasikat ako eh!"
"Haha ikaw talaga!"
------
"Bye Love, ingat ka dun." Sabi ni Ken
Hinatid ni Ken si Athena sa airport ng madaling araw. Bago pa bumaba si Athena ay niyakap niya ng mahigpit si Ken.
"Bye Love, pakabait ka dito ha!" Biro ni Athena
When Athena was about to go out of the car, Ken pulled her arm and gently grabbed Athena's face, planting a tender kiss on her lips.
They both enjoyed that little moment that made their hearts melt.
"Mami-miss kita"
"Sus, ilang araw lang naman to Love, tawagan kita every opportunity I get."
"Love you"
"Love you too."
-------
Nagda-drive na papuntang office si Ken. Nang makarating siya sa opisina ay naroon si Danica na kausap si Pablo.
Hindi sila pinansin ni Ken, dumerecho lang siya sa kanyang mesa at nag umpisa ng magtrabaho. Maya maya pa ay natapos na ang paguusap ni Danica at Pablo. Buong akala niya ay aalis na si Danica pero umupo ito sa harap niya samantala si Pablo naman ay sinagot ang tawag sa cellphone niya.
"Morning Ken" bati ni Danica
"Morning" matipid na sagot ni Ken
"Ken, you want coffee? Tara kape tayo."
"I'm busy" sagot ni Ken habang nagta-type sa laptop nito.
"Ken naman, hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin? I mean, you're not like this before. Dayi you were really excited to see me."
"That was before Danica. At tsaka alam mo namang may ginagawa ako."
"Is it because of that girl who you kissed during the rehearsal?" Ang tinutukoy ni Danica ay si Athena
"Huwag na huwag mo siyang isasali dito Danica!" Ken said fiercely
"I'm not, I'm just asking." Pasimple ni Danica
BINABASA MO ANG
When our Worlds Collide
RomansaIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...