Nagkaroon ng imbitasyon ang SB19 na mag perform sa concert ng isang sikat na international artist. At dahil malaking oportunidad ito sa grupo para makilala pa sila ng maraming tao ay pumayag silang mag perform. Napagdesisyunan nilang mag-e-extend pa sila ng isang pang linggo sa LA. At dahil hindi naman part sina Athena ng team ay pinauuwi na sila ng Pilipinas.
"Nakapag usap na ba kayo ni Ken" tanong ni Gino kay Athena habang kumakain sa isang restaurant.
"Hindi pa nga eh, sinubukan kong tawagan siya pero di niya sinasagot."
"Baka busy lang sis, syempre marami silang hinahabol na gagawin bago bumalik ng Pinas."
"Naiintindihan ko naman yun, pero ayoko sanang umuwi na may sama ng loob siya saakin."
"Ikaw naman kasi, ba't ka ba nakipagkita kay Jeff?"
"Hay naku! Ewan ko nga diyan sa kaibigan natin, minsan kulang din sa braincells." Sabi ni Lucy na kaka-upo pa lang sa mesa
"Paano yan beshy? Alam na ba ni Ken na uuwi na tayo ng Pilipinas?" tanong ni Gino
"Hindi pa nga eh. Susubukan kong kausapin siya mamaya."
"Yan! Yan ang sinasabi ko sayo Thena, hay naku, minsan kasi parang kulang ka din sa braincells." sabi ni Lucy
-------
Tapos nang mag impake si Athena ng kanyang mga bagahe habang ang mga kaibigan ay namomroblema dahil napakarami ng naibili nilang mga damit at iba pang gamit
"Thena, may space pa ba dyan sa maleta mo? Hindi na talaga kasi kayang ipasok pa tong jacket eh." sabi ni Lucy
"Meron pa naman, buksan mo lang. Puntahan ko lang muna si Ken."
------
Nag-aalanganin si Athena na kumausap kay Ken, alam niyang galit pa rin ito sa kanya ngunit, kinakailangan niya nang kausapin ang binata para makapag paalam man lang siya ng maayos. Aalis na sila bukas ng gabi at hindi pa rin sila nakapag usap ni Ken.
Nang makarating siya sa harap ng pinto ng kwarto ni Ken at agad siyang kumatok dito. Hindi rin nagtagal ay binuksan ito ng binata.
"K-ken."
"Thena, maaga pa 'ko bukas, mag-usap na lang tayo pag di na ko busy."
"Hindi rin ako magtatagal Ken, gusto ko lang sanang magpaalam sa iyo."
"Saan ka naman pupunta? dun sa ex mo?!" biglang nagalit si Ken
Lately, hindi mapigilan ni Ken ang galit niya. Bumabalik-balik kasi sa isip niya ang nasaksihan niya sa pagitan ni Athena at ni Jeff. Pilit niyang inuunawa ang sitwasyon pero nagagalit pa rin ang binata sa tuwing maaalala niya ito.
"Ken, alam kong galit ka pa sa'kin, maniwala ka sana sa sinabi ko, hindi ko kayang gawin iyon sa iyo"
"Iba ang nakita ko Athena. Please, pinipilit kong intindihin ka, marami lang kasi kaming ginagawa ngayon kaya di tayo makapag-usap. Galit ako, oo, inaamin ko iyon. Bigyan mo lang ako ng time para makapag isip."
"Pero Ken,-"
Gusto sanang sabihin ni Athena na aalis na sila bukas, pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.
"Bumalik ka na sa kwarto niyo Athena, ayoko talagang pagusapan ang nangyari." sabi ni Ken
Hindi na nagpumilit pa si Athena, nirerespeto niya ang desisyon ni Ken. Kaya kahit mabigat man sa puso niyang umalis ng hindi nagpapaalam ay gagawin niya na lang ito. Kasalanan din naman niya kung bakit nangyari iyon.
------
Mahimbing nang natutulog ang mga kaibigan ni Athena samantalang siya any hindi pa rin makatulog. Naisipan niyang gumawa ng sulat na iiwan para kay Ken, ipinaliwanag niya lahat ng nangyari at kung bakit niya nagawa iyon

BINABASA MO ANG
When our Worlds Collide
RomanceIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...