Part 10

62 5 1
                                    

Malapit lang sana ang lalakarin ni Athena papuntang sakayan ngunit hindi na niya makayanan ang hapdi na nararamdaman sa kanyang paa. Nagdadalawang isip siya kung titiisin niya ba ito o huhubarin ang sapatos at maglakad na lang nang nakapaa. Napasandal na lang siya sa isang poste para  kahit papano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.


Palabas na si Ken galing parking lot ng building nang makita niya si Athena na kakaiba ang lakad. Pinagmasdan niya ito at napagtanto niyang may problema ito.

Huminto siya sa tapat ni Athena na tumigil na sa paglalakad, binaba ang bintana ng kanyang sasakyan at tinanong si Athena kung ano ang problema.

"Anong nangyari sayo? Ba't ganyan ang lakad mo?"

"Ken! Ken, salamat naman at nandito ka. Pwede bang maki-upo muna sa sasakyan mo? Kailangan ko lang talagang hubarin ang sapatos ko eh."

Hindi maintindihan ni Ken bakit sa tuwing kakailanganin ni Athena ng tulong ay nagkakataon na nariyan din siya sa lugar. 

"Pasok"

"Thank you! Sorry ha. Hindi ko na kasi kaya eh."

"Hatid na lang kita."

"Hindi, huwag na, pupunta pa kasi ako sa remittance center. Magpapadala pa ako ng pera kay mama."

"Akala ko ibabayad mo ang pera sa renta mo?"

"Papakiusapan ko na lang muna yung may-ari. Maiintindihan niya naman siguro yun."

"Saan ba yang remittance center?"

"Diyan lang sa mall, sa SM." sagot ni Athena habang minamasahe ang mga paa.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nagpaalam na rin si Athena kay Ken. But Ken insisted to take her to the mall.

"Salamat ha, at least hindi ako masyadong maglalakad. Paano na lang kaya kung wala ka?" biro ni Athena

"Sus nambola ka pa. "

At umalis na silang dalawa at tumungo papuntang mall. Ibinaba siya ni Ken sa main entrance ng mall.

"Maraming salamat Ken. Mauuna na ko."

Tumango lang si Ken at umalis na rin kaagad.


Habang tinitingnan ang pag-alis ni Ken ay napapaisip si Athena. Nacu-curious siya kay Ken, napaka misteryosong tao kasi neto. Wala masyadong ekspresyon sa mukha at hindi komportable sa maraming tao. 


---


Nakauwi na sa wakas si Athena at tulad ng inaasahan ay nagkasugat ang kanyang mga paa. Tinawagan niya agad ang ina niya para ipalam na nakapadala na ito ng pera. Alam ni Lexie na mas kailangan niya ang perang iyon pero hindi niya matitiis ang ina. Hindi niya din kayang pabayaan ang kuya niya. Kaya kahit na minsan ay napapagod na siya ay pinipilit pa rin niya dahil ganoon niya kamahal ang kanyang pamilya. Ampon lang si Athena kaya ginagawa niya ito as a way to say thank you sa pag ampon sa kaniya.  Ang tanging pakunswelo niya na lang sa sarili ay ang bahay niya na unti-unting pinapatayo ng ina at kapatid niya. Bukod sa pera na pinapadala niya sa pamilya sa Iloilo ay nagpapadala din si Athena ng pera para sa pinapatayong bahay sa probinsya. Kaya doble kayod siya ngayon para hindi siya mahirapan at ang pamilya niya sa huli.

Ang problema lang ay kahit magkano ang ipapadala niya sa ina niya sa probinsya ay parati itong kulang.  Kahit ang kapatid niya ay panay ang utang sa kanya. Kaya parati walang natitira sa sweldo niya.

{Ma, naipadala ko na po ang pera}

{Hay salamat naman. Kanina pa dapat yan}

{Sorry ma, nasa trabaho ho kasi ako. Tsaka ma, last money ko na ho yan. Pambayad ko sana yan sa condo}

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon