Naging maganda ay masaya ang pagsasama nina Ken at Athena sa Pilipinas. Buong akala ng dalaga ay hindi mag wowork out ang kanilang relasyon pag umuwi na sila ng Pilipinas ngunit nagkamali ito. Mas lagi niyang nakakasama si Ken lalo na ngayon na nagpapahinga ang grupo galing sa tour nila sa America.
Magkakaroon ng concert ang SB19 para e celebrate ang anniversary nila bilang grupo, at gaganapin na ito sa susunod na buwan. Todo suporta naman si Athena sa nobyo kahit na tinatago lang nila ang relasyon. Iilang tao pa lang ang nakaka alam nito kaya doble ingat sila sa kanilang kinikilos pag lumalabas.
Kadalasan nasa condo lang sila ng isa't isa naka stay o nagda-date. Kung lalabas man ay dapat nasa group setting para hindi mahalata ng mga tao lalo na ang mga fans ni Ken.
-------
"Congrats Athena!"
Bati ng mga kaibigan ng e-award sa kanya ang isang account na maghahandle ng isang event sa cebu.
"Thank you guys! Naku kung mka congrats kayo parang napromote ako ah!"
"Iba talaga pag hawak no Athena ang isang project!" Biro ni Gino
"Ikaw talaga!"
Nagsitawanan silang lahat sa opisina at nagpatuloy na rin sa pagtrabaho.
Tinawagan agad ni Athena si Ken para iparataing ang magandang balita.
"Hi Love! Busy ka?" Sabi ni Athena sa mahinang boses
"Love! Di naman, ba't ka bumubulong?"
"Andito kasi ako ngayon sa office, love, may sasabihin ako sayo!" Excited na sabi ni Athena
"Ano yon Love?"
"Ako nakakuha ng account sa isang concert nagaganapin sa Cebu."
"Talaga? Wow! Congrats Love, celebrate tayo?" tanong ni Ken
"Sure ka? Baka may gagawin ka pa ha,"
"May practice pa kami ngayon, if ok lang sa yo, susunduin kita mamayang gabi."
"Out ko na ko 5 Love, gusto mo puntahan kita diyan?" tanong ni Athena
"Sige Love, pero baka ma bore ka ha."
"Hindi, naku naman, sanay na ko sa ganyan!"
"Sige Love, see you here. Balik muna ako sa stage."
"Bye Love!"
----------
"Ok 1 2 3 4 5 6 7 8, 8 7 6 5 4 3 2 1! Yan Ganyan! Dapat snappy! Teka, nasaan si Ken?!" sigaw ni Stell
"Here!" sagot ni Ken na tumatakbo papuntang stage
"Ken, dito ka, tapos pagpasok ni Josh, usog ka sa right. Ok?"
"Ok."
Habang nagpapractice ay napansin ni Ken si Danica na kasama ang isang staff nila. Kaya nilapitan niya si Pablo para tanungin ang tungkol dito.
"Pre, pinapunta mo ba dito si Danica?"
"Hindi pero baka sinamahan niya ang staff niya?" sagot ni Pablo
Ang kompanya ni Danica ang nag su-supply sa kanila ng Lights and sound. Dito sila unang nagkakakilala ni Ken ngunit, bigla na lang umalis si Danica ng walang pasabi.
Hindi basta-basta ang pamilya ni Danica. Kilala ang negosyo nila sa mga malalaking production sa bansa. Basta malaking event local man o international, sila ang nag ha-handle nito. Kaya, gustuhin man nilang kumuha ng ibang supplier ay wala silang magagawa dahil the best of the best ang pangalan nila sa prod.
BINABASA MO ANG
When our Worlds Collide
RomanceIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...