Part 47

72 8 3
                                        

Makalipas ang ilang araw, natapos na ng grupo mga tapings and guesting nila kaya nagkaroon ng pagkakataong magpahinga ang grupo. Napagdesisyunan nina Stell at Justin na pumunta sa Korea habang sina Pablo naman at Josh ay nasa kani-kanilang pamilya. Naisipan naman ni Ken na magbakasyon kasama si Athena kahit sa isang private resort lang para makapag pahinga at masolo ang nobya. Tutal ngayong araw na matatapos ang pagpo-promote ni Athena sa pelikula ni Angelo. 

Nalaman niya kay Lucy na nagfile ng leave si Athena, tatapusin niya lang ang promotion. Kaya balak ni Ken na sorpresahin ang nobya. Pinlano niya lahat, mula sa plane ticket papuntang accomodation. Pambawi na rin sa mga oras na inaaway ang nobya.

"Salamat Lucy ha!" sabi ni Ken

"No problem! Ikaw pa!" sagot ni Lucy

"Saan ba kayo mamaya? Plano ko sanang sunduin siya pagkatapos ang event para masabihan ko siya tungkol sa plano."

"After ng screening, dederecho sila sa Grand Hotel, may konting selebrasyon na ihe-held doon para sa buong staff ng pelikula."

"Sila? Di ka kasama?" tanong ni Ken

"Naku, di na! Actually papunta na kong airport."

"Saan ka punta?" tanong ni Ken

"To the moon." sagot ni Lucy

"Road trip?" trip rin ni Ken na maglokohan sa kaibigan ng nobya. Napakapilya rin kasi neto.

"Hahahaha! 'Yan ang gusto ko sayo eh! Sinasabayan mo trip ko. Oero seryoso, papunta ako ngayon sa Malaysia, may eme-meet akong potential client akya si Athena lang doon mamaya."

"Aah ganun ba?! Oh sige ingat ka! Kitakits pagdating mo."

"Alagaan mo kaibigan ko diyan ha!"


-------


Bago tumungo sa hotel ay dumaan muna si Ken sa isang flower shop para bumili ng mga bulaklak na ibibigay sa nobya. Excited siyang sabihin kay Athena ang mga plano niya. Marami rin siyang inihandang sorpresa para sa nobya. Ken felt a little awkward with this kind of gesture, he felt a little weird going all out for a girl. But Athena isn't just any girl. She is the love of his life. 


-------------


"Woohooo! Cheers!" Sigaw ng lahat ng tao sa victory party ni Angelo. Masayang binati ng mga tao ang artista at ang mga staff neto. 

Umakyat si Angelo sa maliit na entablado para magpasalamat.

"Unang una sa lahat gustong kong magpasalamat sa inyong lahat na dumalo sa munting selebrasyon sa ito. Sa aking manager,mga co-actors ko, sa aming mga staff, sa mga tao sa likod ng camera..."


--------


HAbang hinihintay ni Ken na matapos ang event ni Athena ay nilibang niya muna ang sarili. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagi-iscroll lang ito sa kanyang social media nang madaanan niya ang live video ng nasabing event.

"Eto na ang Angelo? Sus! Napakahina!" sambit ni Ken

At kahit na hindi siya interesado manood at wala naman siyang ginagawa ay pinanood niya na lang ito.

{ Sa aking mga co-actors, sa amiong mga staff, sa mga tao sa likod ng camera, sa team na nagma-manage ng promotions, Athena, thank you.}

Natigilan si Ken nang marinig niya ang pangalan ng nobya. Bakit special mention siya ni Angelo? Dahil nakuha nito ang interes niya ay tutok na tutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon