Chapter 5 Project

9.2K 158 15
                                    

Time na. Mag-uumpisa na yung susunod na klase ko. Pagpasok ko sa RM 127, bumungad sakin ang sobrang ingay. Napakadaming estudyante tapos may kanya-kanya silang pag-uusap. Umupo na ako sa likuran kase dun lang may mga bakanteng upuan. Habang naghihintay, napatingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko si Shayne. Oo, siya nga. Anubayan! Kaklase ko na naman pala ang lokong yun! Pero bat ngayon ko lang siya napansin? Nandyan pala siya at tignan nyo, napapalibutan siya ng mga babae. Parang nag-eenjoy naman siya sa pakikipag-usap sa mga yun. Napatingin siya dito sa bandang likuran kung saan ako nakaupo. Ngumiti siya at kumaway sakin.

Di ko alam kung naging panira ako ng moment. Kase naman, napalingon sakin yung mga babaeng kausap niya. At ito namang si Shayne, dinala niya yung bag niya at umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.

SOPHIE: Dyan ka talaga uupo?

SHAYNE: Haha. Isn't it obvious? Of course! That's why I brought my bag here.

SOPHIE: Alam mo kung may ibang bakanteng upuan lang, 'di na ako tatabi sayo.

SHAYNE: Why?

SOPHIE: Haha. Di ba halata. Syempre! Ayaw kitang makatabi. [Sarcastic mode.]

(Ngumiti siya.)

SHAYNE: Listen. Look at them.

(Tinuro niya yung mga babaeng kausap niya kanina.)

SHAYNE: They wanna sit beside me but you... you're trying to go away from me...?? Very strange.

(Yun na nga e. Tulad ngayon, masama na ang tinigin nila sakin. Hindi niya ba yun napapansin?)

SOPHIE: Alam mo. Hindi kase ako katulad nila na patay na patay sayo noh.

SHAYNE: Fine. But I'm sorry. I made up my mind. I'm gonna sit here no matter what you say.

(Anebenemenyen. Nakangiti pa rin siya kahit sungitan ko siya. Ni hindi man lang natinag ang loko. Kasama ba to sa mga pang-aasar niya? O sadyang ganyan lang talaga siya?)

Nakalipas ang ilang minuto, dumating na yun professor namin at ito agad ang introduction niya:

PROF: Nasa akin na yung saktong bilang ng enrollees sa klaseng ito. Bago ang lahat, isa-isa kayong pumunta dito sa harapan para kumuha ng nakatiklop na papel na nasa loob ng kahon na ito.

(Nilapag niya yung box sa table niya.)

PROF: Huwag nyo munang buksan hanggat di ako nagbibigay ng hudyat.

(Ano kayang klaseng project yung sinasabi ni Prof.? Reporting kaya? Madali lang kaya? Yung nabunot nilang papel e kinukuha ni Prof. tapos tinitignan niya isa-isa. May sinusulat siya sa listahan niya. Siguro, nilalagay niya kung anuman yung nakalagay dun. Nakaka-curious tuloy.)

Second to the last ako sa mga bumunot tapos si Shayne ang pinakahuli. No choice na siya kase nag-iisa na lang yung papel na nasa kahon. Automatic, sa kanya na yun.

Nung tapos na lahat, nagsalita ulit si Prof.:

PROF: Makinig ang lahat. Ito ang inyong magiging proyekto. Mag-isip kayo ng bagay na hindi nyo pa nagagawa sa buong buhay nyo. Ngayon, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na gawin iyon sa loob ng hindi bababa sa limang oras.

(Nagtinginan at nagbulungan yung mga kaklase ko.)

PROF: Halimbawa, kung di kayo sanay makipag-usap sa mga taong di nyo kilala, ngayon subukan nyo na. Ito na ang pagkakataon nyo upang mas makilala nyo pa ang sarili nyo at ang ibang tao.

Alam ko, karamihan sa inyo ay nagtataka kung anong kinalaman ng proyektong ito sa kurso nyo [Marketing Management].

Sa totoo lang, iyon ay nakadepende sa gagawin nyo. Gusto kong magkaroon kayo ng isang karanasan na maaalala nyo pa rin kahit na nakatapos na kayo.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon