03

109 5 0
                                    

"Pinasundo ka ni Dox. Sa mansiyon ka na ulit?"

Malumanay akong umiling kay Kuya Obeng. He's already in our school grounds. Marami siyang pang-uusisa sa biyahe hanggang makarating kami sa bahay.

"Hindi kami agad nakatulog no'n dahil baka hanapin ka ni Ma'am. Nakahanda nga ako kung sakaling ipasundo ka, kaso'y mukhang nakausap naman nang maayos ni Dox."

Lagi na lang akong tumatango kay Kuya Obeng. Pagkababa ay si Manang na ang sumalubong sa akin.

"Achie! Matutuwa si Ma'am nito! Katatapos lang ng parasal kay Miki. Mabuti at nakapunta ka. Magtatampo ang Tita mo kung hindi!"

"Nagpaalam po ako kay Kuya Maddox. Pumayag naman-"

"Huh? Bakit kailangan pang magpaalam? Welcome ka rito kahit kailan! Huwag mong pinag-iintindi ang Kuya Dox mo."

"My Achie! Hija! Akala ko ay nalimot mo na si Miki. It's only been days," hila at yakap sa akin nito.

"Tita, hindi po…"

"Good to know! Manang, asikasuhin si Achie at pakainin diyan!"

My eyes wandered at Kuya Maddox. His brow lifted up as if I'm accusing him and he couldn't believe it.

Kahit kailan ay hindi ko malilimutan si Miki. Iuntog man ako nang paulit-ulit.

"Pumunta ka na rin pala kanina rito? Achie," malambing na tawag sa akin ni Tita.

Abala ako sa pagsisindi ng kandila sa puntod ni Miki. I briefly smiled a little then sat on the grass. Si Tita ay tinabihan ako at sumandal sa balikat ko.

We're both silent. Sina Manang lang ang maiingay sa gilid na nagkukuwentuhan.

"Hindi nabanggit ng Kuya Dox mo. Pumunta rin siya rito kanina, nagkita ba kayo?"

"Opo."

"That boy is so busy. Laging nakaharap sa laptop at cellphone kaya wala rin akong makausap. Kapag naman kinakausap ko ay nauuwi lagi sa sermon. Akala mo siya ang tatay ko, Achie," natatawang kuwento ni Tita.

"Hindi ko rin alam ang tumatakbo sa isip. Tahimik din at hindi kumikibo. He must be devastated too because of what happened to his brother. Malapit iyon sa isa't-isa…"

Tumango ako dahil naikukuwento rin ni Miki madalas sa akin ang Kuya niya.

"If you could talk to him, that would be great, Achie."

Malumanay at nangungusap na mga mata ang ginawad sa akin ni Tita. Pinisil niya ang kamay ko at namumuo na agad ang mga luha.

"You're both so similar, Achie. Kung nalulungkot ka at nahihirapan, you can also come to me. It's unfair that you're always comforting your emotional Tita, yet you can't be vulnerable with me. Si Maddox naman ay hindi rin nagsasabi sa akin."

She goes in for a hug. Dinantay ko ang ulo sa kanya. Hinaplos niya ang likod ko. It's tempting to cry but I remained emotionless. I wouldn't want to burden Tita anymore. 

Lumamig na ang simoy ng hangin at nag-aagaw na ang dilim noong napagpasyahan naming umuwi.

Pagbaba ay nakahintay sa harap si Kuya Maddox. He stood up on the couch resting on the patio. Iniwan ang laptop at lumapit sa amin.

"Kuya Obeng can drive her home." 

Si Kuya Obeng ay natigil sa pagbaba sa sasakyan at nahinto sa ere ang paa.

"What? Dox, she's staying here."

A sharp and hurried look was given to me by Kuya Maddox. Inaakusa na ako kahit wala naman akong kasalanan.

"Tita-"

Tinutulak na ako ni Tita sa likuran ko para pumasok sa bahay. She gave me her sweetest smile.

"Nakabisita ka naman na kina Mama mo, 'di ba? Nakauwi naman na ro'n saglit kaya rito na ulit siya sa mansion. Achie, go to your room, hija…"

"Mom."

Kuya Maddox looked at me again. Namilog ang mga mata na para bang inuudyok ako.

"Uh Tita, sa bahay na po ulit ako. And my things are there-"

"Is that even a problem? Ang dami mo pang damit dito. I bought you some yesterday too! Ipakuha mo na lang kay Kuya Obeng ang para sa school mo. O kaya ay daanan niyo na lang bukas bago ka pumasok! Much better, right?"

"Mom-"

Tita hissed at Kuya Maddox. Nanlilisik ang mga mata. Mabilis lumingon sa akin si Tita at ngumiti bago ulit bumalik sa anak niya.

"Maddox. Achie is staying here. End of our conversation."

Kulang na lang ay masubsob ako sa pagtulak sa akin ni Tita papasok kasama niya. Nanigas ang leeg ko dahil natatakot lumingon kay Kuya Maddox.

Wala rin naman akong takas kahit ano ang gawin kong pag-iwas sa lalaki.

I will wake up too early for school. Siya naman ay gising na rin at nakatambay sa kusina habang may kausap o kaya ay tinitipa sa laptop.

"Almusal ka na rito, Achie."

Nahinto ako sa bukana ng kitchen. On the marbled countertop, Kuya Maddox is resting his elbows. Nag-angat agad ng tingin sa akin kaya napalunok ako.

I'd like to turn around and run away. 

"Upo ka na rito, ititimpla ko lang itong gatas mo."

I gasped and stopped Manang immediately. Si Kuya Maddox ay mukhang hindi nga natutuwa sa napapanood niya at naririnig. He even watched Manang preparing for the hot water.

"A-ako na po riyan, Manang. I can do it. Salamat po…"

Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang takure. Hanggang sa ang pagkuha sa tasa at lalagyan ko ng gatas.

My shaking didn't stop because I am so well aware that Kuya Maddox is watching me. We're just a foot apart. He's seated on the bar stool. Ako naman ay sa kabila at nakatayong nagtitimpla.

Kulang na lang ay hawakan ko ang kamay na iniikot ang kutsara. I bit my lip and bowed my head more.

"Are you sick?"

Bahagya akong nagitla at umangat ang tingin kay Kuya. "No."

"May sakit ka, Achie? Nilalagnat?" Agad na hipo sa noo ko ni Manang. "Hindi naman," harap nito kay Kuya Maddox.

"Namumutla, Manang."

Pagkasabi no'n ni Kuya ay parang nanlabo ang paningin ko. Nanuyo ang lalamunan at sa tingin ko ay lalo na siguro akong namutla. Gusto ko na talagang tumakbo ngayon.

I lopsidedly grinned at Manang and shook my head. Pasimple akong tumingin kay Kuya Maddox at bumalik kay Manang.

She gave me a wild stare. Kay Kuya Maddox at pabalik sa akin. Suddenly, she swats Kuya Maddox's back.

"Dox! Tinatakot mo yata, e!"

Napatakip ako sa mukha at mabilis na tumakbo paalis sa kusina.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon