10

98 4 7
                                    

Mabilis akong iniwan ni Kuya Maddox at hindi na nangulit pa.

The day after, he's already having his breakfast. He stopped typing as his gaze fell on me.

"Sabayan mo na yung Kuya Maddox mo. Mag-almusal ka na riyan, Achie."

Tumango ako pero dumiretso pa rin malapit kay Manang. Bahagyang hinarap pa ako ni Kuya Maddox kaya tumuro ako sa countertop.

"Milk," referring to the drink I will make.

He just nodded. Bumalik sa ginagawa.

Malumanay kong nilapag ang tasa at umupo sa harap niya. I made sure that I was hidden by his laptop.

Nakayuko na ako habang tahimik na kumakain. The only noise one can hear in this kitchen are my spoon and fork grazing the plate, his mug of coffee meeting the table, and the sound of his keyboard.

Nag-angat ako saglit ng tingin habang pinupunasan ang mantika sa bibig dahil sa bacon.

Parang namamalikmata ay nakita ko si Miki sa harap ko. I gasped and shook my head.

"Bakit?" Kuya Maddox's voice echoed.

Unti-unting luminaw ang mga mata ko at siya nga ang kaharap. His straight black brows met. His eyes are brown. Ngayong matitigan ay napansin ko ang ilang butil na tuldok sa puti ng kanyang mga mata.

There's a brown spot as big as rock salt on his right eye. Just beside his iris. Sa kabila ay may butil din na mas maliit pero nasa ilalim naman.

"Achie?"

"Huh?"

Agad akong umiling at pinagpatuloy ang pagkain. Naramdaman ko pa ang titig niya ng ilang segundo bago bumalik sa laptop niya.

I looked at him once again when he's busy. His heart-shaped lips are similar to Miki's. His voice…

Natigilan ako. Kumunot ang noo ko at napahawak sa sentido. My heart hammered trying to remember the depth of Miki's voice.

Bahagyang umawang ang bibig ko. I closed my eyes shut and tilted my head. I want to hear it.

Mahina akong suminghap at nagmulat. I suddenly got scared because I can't remember it anymore.

"Achie? May problema ba?"

Naagaw ang atensiyon ko sa pagtambol ng mga daliri ni Kuya Maddox sa lamesa. I met his eyes and it suddenly reflected my worry.

Miki's eyes too. 

I hope that I'm looking at Miki's eyes at this moment. Naging malikot ang mga mata ko habang tinititigan si Kuya Maddox. I cannot tear my gaze away because the longer I look at him, I feel like I'm looking straight at Miki.

My lips quivered and I woke up from my trance.

"Achie?"

I set my lips and continued finishing my breakfast. Hindi na ako lumingon pa sa kaharap. Unti-unting bumibigat ang dibdib ko at gusto na lang tumakbo agad paalis.

I wish that Miki's in front of me again as we eat our breakfast. Peacefully and not saying a single word.

I kept it all to myself. Na ngayon ay nagsisinungaling na rin ako sa sarili ko. Heck, I'm scared. Parang binalot ang buo kong katawan ng takot. I'm so afraid to admit that Miki's vanishing away in my memory. Sa katutulak ko na hindi harapin ang nangyari…

"Sakto, Achie. Mainit pa iyang hinanda ni Dox. Kain na."

Inalis ni Manang ang takip sa lamesa. Kuya Maddox is working again. Wala rin namang reaksyon sa sinabi ni Manang.

My forehead creases at what is handed to me. Taka akong tumingin kay Manang habang nilalatag niya sa palibot ko ang mga pagkain.

"Luto ni Chef," hagikgik pa ng matanda. "Gawa niya rin ito. Galing, 'di ba? Nabanggit ko na gusto mo rin ito tuwing umaga."

The cherry tomatoes are shaped or cut into butterflies. Nakalatag ang mga iyon sa plato. Pinulot ko ang isa at tinitigan. It looks delicate and meticulous. And beautiful.

"Manang, ito…" turo ko sa hinain niya sa harap.

"Dox, ano ulit ito?"

Uminit ang pisngi ko. Si Kuya Maddox ay lumingon na sa amin. Tumingin saglit sa tinuturo ni Manang at bumalik muli sa amin.

"Cream cheese and sausage crescent ring."

"Oh, iyon daw, Achie. Naintindihan mo naman? Hindi ko maipapaliwanag sa'yo."

Hinampas ako ni Manang at natatawang umalis.

Kuya Maddox motioned me to get some using his hand. Kinuha ko ang bread knife at pumutol. It was such a marvelous creation that I hesitated to destroy.

The sausage filling oozes out as I transfer some to my plate. Pino akong tumikim. The sautéed bell peppers and onions made it savory.

"How was it?"

Bahagya kong tinakpan ang bibig habang ngumunguya. I hummed and gave a thumbs up. A small smile curved on his lips and he returned to working.

Magtatanghalian noong nautusan ako ni Tita nang sumilip ako sa kuwarto niya.

"Achie, can you please tell Dox to cook me some curry. Wala naman bang ginagawa?"

"May ginagawa po kaninang umaga, Tita. I'll ask him now."

"Okay. Thank you. But if he's working, forget it."

Tumakbo ako pababa sa hagdanan. My slippers flapped on the wooden staircase. Sa dulo ay nahinto ako at napakapit na lang sa hawakan.

"What's the matter? May nangyari ba kay Mom?"

Agad siyang tumingala at balak na rin umakyat.

"Kuya Maddox!" I blurted out. Tumaas pa ang isang kamay ko para pahintuin siya. He looks confused.

"Wala namang nangyari. Uh, Tita's just craving for some curry. May trabaho ka raw ba?"

"That's it? Wala naman. I can cook that."

I bit my lip as I nodded. Alanganin ang tingin niya sa akin hanggang sa pumihit patalikod. Nagdalawang-isip pa ako pero sumunod din ako sa kanya sa kusina.

I tried to be discreet but he looked back. Already knowing that I'm behind him.

"Puwede akong tumulong?"

He grinned a bit before nodding.

"Marunong ka rin bang magluto?"

"Hindi…"

Kuya Maddox started rummaging for the ingredients. May inabot sa akin na mga sangkap na nilapag ko kaagad sa lamesa.

"I can help prepare. Iyon, marunong ako! I always help Miki with that."

"Really?"

Parang maamong tupa ako na tumango. He handed me an apron this time. Mabilis kong sinuot at sinundan muli siya noong lumakad.

He's tall so he's looking down on me. Ako naman ay nakatingala at pinilig ang ulo para hingin ang iuutos niya.

"Kuya Maddox?"

"Gusto mo bang matuto? I'm a Chef here," mayabang pa ang pagkibit niya ng balikat.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon