13

95 3 9
                                    

"Tita," ilang katok ang ginawa ko bago marahan na pinihit ang pinto.

"Leave me alone, Achie! I don't want to see you right now!"

Parang bata na nagtatantrums si Tita sa malawak nilang kama. Her eyes are seething with anger and sadness combined.

Inaalo siya ni Manang sa tabi kaya malumanay akong nagpaliwanag at lumapit.

"Tita, hindi ko po magagawa kay Miki iyon. Kuya Maddox is really careless with his words. Nothing about it was true."

"Paano ako maniniwala sa'yo, Achie? I've heard the news myself!"

"He's just a mere co-intern, Tita. Kaibigan ko lang po iyon."

"A friend, Achie!" madramang tumaas ang mga kamay ni Tita at napailing. "Then what? A boyfriend?"

"No po…"

"Come on!" Lumapit si Tita sa akin at bumuhos na ang mga luha. She pointed at me then at my shoulders.

"Do you really love my son?! Achie!"

Napanganga ako at nanginig na ang balikat sa pagsimula ng pag-iyak. Habang natutulak ako paatras ay madalas ang pag-iling ko sa mga akusasyon.

"I've never seen you shed a tear about Miki! I'm having a hard time reading you, Achie! Do you even think about him, huh?!"

"Ma'am, tama na po…"

"T-tita," I tried holding her hands.

Kumawala naman agad sa akin si Tita. My tears are flowing rapidly and I couldn't help but to sob. Pilit ko siyang inaabot at nagmamakaawa.

"I love Miki, I really do. Tita, hindi m-magbabago iyon… I always think of him. He's always with me…"

I tried to be strong because I didn't want to be a burden too. Ang iniisip ko ay palakasin ang loob ni Tita Chona. She needed a shoulder to lean on and Miki's so protective of her. I can do that in his place. 

Pero hindi ko alam na ganito ang iniisip ni Tita.

"H-hanggang ngayon ay baon ko ang pagmamahal ni Miki. I wouldn't waste it… for something so trivial. Tita…" abot kong muli.

I held her hands firmly. Nangungusap. It's my first time crying in front of her and trying to make her believe me.

"Mahal na mahal ko po yung anak niyo. E-everyday… I feel like I'm dying whenever I have to open my eyes. Walang Miki na babati sa akin sa u-umaga. Walang Miki na kasabay papasok sa school..."

Napahawak ako sa dibdib at ilang beses tinambol iyon gamit ang kamao. Naninikip sa sobrang sakit.

"Walang Miki sa lahat. A-and it hurts me so much…"

"Achie," si Manang na umalalay na rin sa akin.

Lumuhod ako sa harap ni Tita habang nakahawak sa mga kamay niya. Napayuko ako at lumakas na ang hagulgol.

"I pictured our future t-together too…" mariin akong pumikit at umatungal. "Gusto ko rin no'n, Tita. I wanted to be with him. I wanted so badly to be w-with Miki…"

"Achie, tahan na. Ma'am, baka ano na ang mangyari sa inyong dalawa," si Manang.

"I miss… Miki so m-much," baling ko kay Manang na nakatapat na sa akin.

Manang nodded her head at me. Nakasibi at sinuklay na ang buhok ko. Umaagos na rin ang mga luha sa pisngi. 

I let go of my grasp on Tita. I heard her wailing uncontrollably at the same time. Nanginig ang balikat ko at lalong yumukyok sa sahig at doon na tinago ang pagluha.

Manang quickly followed Tita again. Natataranta na sa aming dalawa.

I wiped my tears away but it cannot be helped anymore. Parang ilog na walang makakapigil sa pagragasa.

I slowly stood up from my place, walked towards the door, and turned the knob.

"Achie," salubong ni Kuya Maddox.

I planted a small smile on my lips. Halos mapangiwi ako kakapunas sa pisngi. Umusog ako sa gilid at tinuro na ang loob ng kuwarto.

Handa na akong tumakbo paalis nang hawakan at pigilan muli ako ni Kuya Maddox sa braso. I felt his fingers enveloped my forearm lightly.

Hindi mahigpit at puwedeng-puwede akong kumawala. But I didn't move at all.

My free hand met my face and covered it. I released loud sobs. Nanatili akong nakatayo at hindi ngayon tinakbuhan si Kuya Maddox.

One tug from Kuya Maddox and I'm already in his arms. 

"I'll forget this," bulong niya sa akin.

I nibbled my lower lip until I couldn't handle it anymore. His hand slowly patted my back as I relaxed on his chest. Dumiin ang ulo ko at doon nagtago. I cried harder. I cried louder.

Ilang minuto pa ang dumaan bago ako natahan.

We sat on the top of the stairs. Hinilig ko ang ulo sa pader at natulala sa kawalan. Kuya Maddox didn't say a word at all. Bumaba siya at bumalik na may dalang tubig.

I sipped on it then hugged my knees. Sa gilid ng mga mata ay natatanaw si Kuya Maddox. Itinukod niya sa likuran ang mga kamay at tumingin din sa malayo.

"How did you do it?" I mumbled.

Narinig naman ni Kuya Maddox dahil nagtanong siya. "What exactly?"

Maliit akong ngumuso. "Carrying what happened so well."

Nagsalubong ang kilay ko dahil mahinang humalakhak si Kuya Maddox.

"Dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, Achie."

Nagkibit-balikat ako at nasa malayo pa rin ang tingin. I can't process anything anymore. Pumikit ako at kinalma ang sarili.

"I'm sorry," buwelta niya bigla.

My head still rests on the wall while my eyes darted at him directly. I can only see his side profile. He gulped and his lips formed a small smile that didn't reach his eyes.

"I ran away and took my time to grieve. You're left here tending Mom when I should be the one to do that."

"Kuya Maddox…"

Bigla siyang tumayo kaya napatingala ako. 

"Stop being guilty, Achie. Live your life without the burden of thinking about mom and her feelings."

"I'm not guilty, Kuya Maddox."

He shrugged his shoulders. Binulsa ang mga kamay at tumitig sa akin. "Miki, for sure, would want to see you happy."

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon