15

99 3 8
                                    

I am relieved to see Kuya Maddox's Bentley this time again. Maliit akong ngumiti at mabilis nagpaalam kay Raniel.

"Tumatakbo pa! Madapa ka, Achie!" 

I waved my hand from behind at Raniel. Noong nasa harapan na ng sasakyan ay huminto na ako.

Kuya Maddox only tilted his head on the car door. Pareho kaming tahimik na pumasok.

Just like yesterday, the car ride is radio silent. Mukhang hindi mahilig makinig ng music si Kuya Maddox. But this time, his phone is connected.

He answered calls for times I couldn't count.

"Yes, yes. Em, you can make a shortlist. Tawagan mo na lang ulit ako."

Pagbaba sa sasakyan ay may kausap pa rin siya. Nagkatinginan kami.

"Thank you," I mouthed, then walked ahead of him.

"Okay. Just send me the details."

Si Kuya Maddox na ang nagbukas ng mabigat na pinto. The cold air from the foyer welcomed us.

"How was your day, Achie?"

Tumango-tango ako. He finally decided to talk to me.

Bumagal ang lakad ko at nilingunan siya.

"Ayos na ako, Kuya Maddox," I answered meaningfully.

Nagkibit-balikat siya at mukhang naguluhan. Sa pagbagal ng lakad ko ay ang pagsabay na niya sa akin. Makahulugan ang ginawad niyang tingin.

"I know you are."

"I'm really okay."

"Alam ko nga, Achie."

My brows knitted together. Tuwing nag-uusap kami ay nauuwi lang sa pagiging ulit-ulit. Hindi ko siya maintindihan.

I watched him with my expression so confused.

"You've been alright. You are and you will always be. I'm asking you how your day is because I'm just curious."

Kuya Maddox shrugged his shoulders before walking away. Ako naman ay iniwan do'n na bahagyang umawang ang bibig.

Parang hinihila ko na lang ang paa ko papasok sa kuwarto. I felt bad and wanted to talk to Kuya Maddox.

Kung saan-saan na dumapo ang utak ko. I overthink a lot, not knowing that he just wanted to know, simply because he's curious! Puwede naman nga iyon!

Mabilis akong nagpalit at lumabas din para sa merienda. I roamed the mansion while holding my plate and glass.

Wala si Kuya Maddox sa kusina. Tumingala ako at baka naman nasa kuwarto niya?

I still decided to walk around.

"Nakita mo po si Kuya Maddox?" harang ko kay Ate Tina.

"'Di ba sabay kayong pumasok? Iyon ang huling kita ko sa kanya."

Maliit akong ngumuso at nagpasalamat. Pasuko na ako dahil baka nasa ibang parte siya ng lote. At hindi ko kayang ikutin lahat ng iyon. This mansion is too much.

Mabuti na lang ay napapalibutan ng salamin ang buong bahay. The corners of my lip rose a little bit. Kaunting natapon sa kamay ang iced tea ko dahil sa pagmamadali. 

Pabalik-balik sa paglalakad si Kuya Maddox sa open court yard nila. The swimming pool's water behind him crystalizes because of the sun's rays.

"I'll look at their papers until today," napabaling sa akin si Kuya Maddox.

Ngumiwi ako at bahagyang umatras. He shook his head at me and pointed at the rattan couch. Dumiretso tuloy ako ro'n at binaba ang dala kong pagkain.

"Don't wait for me to send it. Kahit bukas na iyon, Em. Set them for interviews. Kahit sa actual practice na lang ako pupunta. I trust you with that."

Napatuwid ako sa pagkakaupo noong tumalikod paharap sa akin si Kuya Maddox. Mabagal siyang lumapit habang tinatapos ang tawag.

"Just work."

Tumango ako. Inilapit ko ang plato para alukin siya ng dala. 

"Just had mine," dumapo ang tingin niya sa iced tea.

"Gusto mo nito?" maagap akong tumayo para sana kuhanan din siya sa loob.

"No, Achie. Diyan ka na lang."

Okay. Napalunok ako at dali-daling kinuha ang inumin at sumisimsim doon. Pagbaba ay nakatingin pa rin sa akin si Kuya Maddox.

"You like it that much?" 

Nag-init ang pisngi ko at tinitigan ang gumaan na baso. I sheepishly smiled and nodded.

"Huwag lang araw-araw, Achie, masyadong matamis iyan."

"Minsan lang, uh, ngayon lang nagtimpla ulit si Manang."

"Okay," bumaba ang tingin niya sa laptop.

I heaved a sigh and leaned on the couch. Maliit akong kumagat sa tinapay. 

"Uh, how was your… work?"

Natigil si Kuya Maddox sa tinitipa. His eyelashes fluttered looking up at me. Biglang may multong ngiti sa labi at sumandal din sa upuan.

"Never been better. I can do remote work now."

"Paano iyon? You're here but your business…" 

"I'm mainly helping now about the management." 

"Hindi ka na babalik do'n?"

Bahagyang tumagilid ang ulo niya at mukhang nag-iisip pa. "Babalik pa siguro. But not now. I've stayed there for three years, I think it's great compensation."

Mabagal akong tumango.

"I'm also preparing plans here. Para dito lang muna ako sa Pilipinas."

"You'll stay here?"

"Oo. You don't want me to?" he chuckled at his mad joke.

"Wala akong sinabing gano'n, Kuya Maddox."

Brusko na siyang tumawa. "I'm just joking. You look scared, Achie. 'Di ba sabi ko naman sa'yo na dapat ako ang mag-alaga kay Mom?"

Maliit akong ngumiti.

"Babawi ako," he added.

Sumimsim muli ako sa inumin at nanahimik. Kuya Maddox continued working. Hinayaan naman niya ako ro'n na tahimik lang na kumakain.

I looked at the pool then the trees. I can still hear some birds chirping. Palubog na naman ang araw at bumalik ang mata ko kay Kuya Maddox.

The sides of his face are illuminated by orange rays. His eyes shine through especially the dots on its white parts.

"Are you still curious about my day?"

Agad nanginig ang labi ko dahil sa binitawan na tanong. Kuya Maddox lifted his head instantly. Mabilis tumango at itinabi ang laptop.

"Of course, Achie. Let me hear it."

"Uh," bigla akong kinabahan. Dinaga ang dibdib ko at naging malikot ang mga mata. "My day's fine."

I blinked and played with my hands. I started counting using my fingers what happened on my day.

"Walang task na binigay sa akin kahit natapos ko na yung nauna. I'm complimented by my work. I ate kikiam with Raniel. Sinundo mo ako. The ride home is peaceful."

His eyes gleamed and urged me to continue. A smile slipped from me remembering it all.

"I don't have to rack my brain for something to say. Hindi mo ako pinipilit kausapin. I'd like to hear you just answering phone calls while I look outside the window."

Tumingala ako at nag-isip pa. I pointed in the air.

"I love hearing the chirping of the birds. And the sunset."

Tinikom ko na ang bibig ko. Nakalahad na ang dalawang palad ko dahil nailista lahat sa daliri. I showed it to Kuya Maddox and grinned.

Pumilig ang ulo ko at ngumuso sa kanya.

He looked dumbfounded and lost. Nakaawang ang bibig at parang natulala.

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon