05

104 4 0
                                    

Matalim ang tingin na ginawad sa akin ni Kuya Maddox.

"Just leave this room, Kashina. Manang, please…"

Si Manang na ngayon ang humawak sa braso ko at tumalikod na nga kami para lumabas.

"Naaawa lang din iyon si Dox sa mommy niya. Itatabi namin nang maayos ang mga litrato ni Miki. Binilin din naman ni Dox na saglit lang daw habang naglulungkot si Ma'am."

"Tutulong po ako sa pagliligpit."

"Okay. Ayos lang iyon, Achie, pero baka gusto mong magpahinga lang din muna?"

Umiling ako.

"Malungkot ang nangyari pero nakakalungkot lang din kayong makita. Si Ma'am ay nangaslak ang katawan, kaunti pa ay magkakasakit na iyon. Ikaw naman, Achie," turo sa akin ni Manang. "Huwag mong dinidibdib mag-isa iyan. Puwede mo rin akong s-sabihan…"

Nangarag ang boses ni Manang at naluha na rin. My heart clenches on its own. Isa rin siya sa nagpalaki kay Miki kaya alam ko rin ang dinadala niya.

Dumiretso kami sa kuwarto kung saan tinatabi ang mga frames. Kumuha ako ng pamunas at nakitulong na rin.

Various versions of Miki can be seen in the pictures. Nangiti ako mula sa maliit siya hanggang sa nagbinata.

My focus is only on the pictures. Inabot sa akin ni Ate ang isa at halos mahulog ang puso ko. 

It's our moving up ceremony. We're both holding bouquets and smiling widely on the camera. Nakaakbay siya sa akin at parang natatawa na nga.

"Huwag muna kayong titingin, nahihiya itong si Achie!"

"Puwede ba iyon? Paano ko pipindutin ito, Miki?" si Manang. Lumiit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang cellphone.

"Manang, yung puting bilog po," si Miki. 

Lumapit siya sa matanda at giniya pa ang hinlalaki nito sa screen.

"Huwag mo nang gagalawin ito, Manang, nakapuwesto na sa bilog. Pikit ka saglit tapos pindutin mo lang po."

"Miki!" Nahihiya ko nang awat. He laughed at me. Umangat pa ang palad para huminto akong lumapit.

He jogged back towards me.

"Ngiti na Achie para makadilat na si Manang. Aray!"

Agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Sinilip niya ang mukha ko. This time I'm really laughing because of his reaction. Bumaling siya sa harap at malaking ngumiti.

"Click na po, Manang!"

A teardrop fell from me. Tahimik sa kuwarto na nakalaan sa akin at kanina ko pa tinititigan ang litrato. Nakahiga ako at niyakap iyon nang mahigpit.

I quickly wiped my tears aways when I heard knocks on my door.

"Achie, gising ka ba?"

Mabilis akong nag-ayos at tinago sa kumot ang picture. Pinagbuksan ko si Manang ng pinto.

"Hinahanap ka ni Ma'am. Dalhan mo na rin ng pagkain niya at libangin."

"Sige po, Manang."

I got the tray in her hands. Si Manang ay nakasunod pa rin naman sa akin at kinuha ang tubig para hindi ako mahirapan.

We slowly stopped. O ako lang pala. Si Manang ay nasa harapan na ni Kuya Maddox. Tumagos naman sa akin ang mga tingin nito.

I held firmly on the wooden tray as I glanced at some post. Bumalik din ang mata ko kay Kuya Maddox noong magsalita ito.

"Ako na ang magdadala niyan."

Halos mapaatras ako noong humakbang ito palapit sa akin. My eyes rounded as well as Kuya Maddox's.

"Hayaan mo na si Achie. Hindi rin naman nakikinig sa'yo ang mommy mo, Dox. Napapatahan naman ni Achie si Ma'am."

My mouth slowly opened when Kuya Maddox snatched the tray away from me.

He has big brown eyes and there's a depth to his gaze. His heart-shaped lips are on a straight line. Matangkad kaya halos nakatingala ako sa kanya.

"That doesn't mean that she could always do that," he said while straightly looking at my eyes.

"Sinasanay niyo po si Mom. I don't like her to be dependent on someone else. It will never be a good thing. Hindi rin naman palaging nandito si Kashina. And if she finally leaves? Mom would be even more devastated."

Napalunok ako. He didn't break his gaze at me. May diin sa bawat salita at sa huli ay tumaas ang kilay. Provoking me to say something.

I think of the right words to say. I'm sweating and my heart beats so fast because of nervousness. Being this close to Kuya Maddox, I felt like I'm eaten whole. 

"I w-wouldn't leave, Tita. I'll help her…"

He almost chuckled and I felt offended. Kumuyom ang mga kamao ko pero nanatiling walang reaksiyon ang aking mukha.

"Mom doesn't need your help."

Bumuka ang bibig ko pero natigil din sa paghahanap ng mga salita.

"I'm giving you the time to leave. Kung nakokonsensya ka lang, don't be. You have a life to live and it doesn't need to revolve around my Mom."

"Ano?"

"Miki will understand. Just save my Mom from another heartbreak. Nagmamakaawa na ako sa'yo oh, Kashina."

I almost gagged. Si Manang ay nilapitan si Maddox at hinila palayo sa akin.

"Dox, ano ba iyang pinagsasabi mo?"

Walang kibo siyang pumihit patalikod at dumiretso sa kuwarto ni Tita. Si Manang ay tumakbo at sumunod sa kanya at handa pang sermunan ang binata.

I was left there dumbfounded in the cold and empty hallway.

There's definitely a rift between us after that night.

Umuwi rin ako sa bahay kinabukasan at dinala ang mga gamit ko. Isang araw lang din ang lumipas pero sinusundo na ako ni Kuya Obeng. Even Manang was in front of our yard just to bring me back.

"Achie, pinababalik ka rin ng Tito mo. Lalong naglulungkot si Ma'am at hindi na rin nagkakakain. Kung magkasakit iyon ay hindi ko na rin alam."

Bumalik ako sa mansiyon para aluin si Tita. Lalong namayat at ang dami na ring iniinom na gamot. I also played my part to not collide with Kuya Maddox around the house.

Tita only got sadder each day as soon as she heard that Kuya Maddox is leaving.

"Ma'am, ako na mag-akay sa inyo. Nasa labas na si Dox."

"No. Achie, tara na. Dalhin mo ako kay Kuya Dox mo."

Kapuwa kami nagkatinginan ni Manang. She tried helping me. Sa braso ay nakahawak si Tita sa akin habang palabas kami sa garahe.

I patted her cheeks with a handkerchief as tears were flowing.

"Even you?" Bungad niya at hampas kay Kuya Maddox.

"Mabilis lang ako ro'n, Mom. May aayusin lang ako at uuwi rin naman agad dito."

"Y-you better be! Tumatanda na ako, Maddox! I want my only son now to be with me!"

Tumatango-tango lang si Kuya Maddox at niyakap ang ina. Pagkalas ay tinapunan niya ako ng tingin.

"Just be with Mom while I'm gone."

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon