14

102 3 11
                                    

"Wala ka yatang sundo ngayon, Achie? Sabay ka na lang sa akin," si Raniel.

Wala ba?

Maliit akong ngumuso at ginala muna ang mga mata sa paligid. Looks like Kuya Obeng is not really here. 

"My car's here…"

"Teka, Raniel!"

Nahablot na niya ang bitbit ko at tinuturo ang sasakyan niya. 

"Sa mga Peñaloza ba? Alam ko naman iyon. You're extra quiet today. Kung babiyahe ka pa ay baka lalong sumama ang pakiramdam mo."

Nahinto ako at napaisip din kung sa mga Peñaloza uuwi. Nagtatampo pa rin ba sa akin si Tita? Wala rin naman text si Kuya Obeng na hindi niya ako masusundo ngayon.

"Uh, hintayin ko na lang dito si Kuya. Baka nahuli lang."

"Laging maaga ang sundo mo, Achie."

Right. Naaabutan namin palagi si Kuya Obeng na nakikipagkuwentuhan na sa mga bantay sa building kapag palabas kami.

"May lagnat ka ba?"

Umamba si Raniel na hihipuin ang noo ko pero umiwas ako at agad umiling.

"Kung kailan pa yata masama ang pakiramdam mo ay wala si Kuya."

"Hindi naman. Inaantok lang ako. Ang lamig sa loob, e," bahagya akong tumawa para hindi na mag-alala pa ang kausap. I rubbed my arms to demonstrate.

"Kaya nga. Hintayin natin si Kuya kahit ilang minuto, pero kapag wala, ako na lang ang maghahatid sa'yo."

Tumango na lang ako at sumunod kay Raniel. Nauna na siyang maglakad palayo sa sasakyan. I jogged to keep up but I jolted when a long honk enveloped the lot.

Hindi maikakaila kung kanino ang Bentley na iyon. Nasa labas si Kuya Maddox at bukas ang pinto ng sasakyan. His arm is extended and probably pressing the horn of his vehicle.

Pumilig ang ulo niya noong magtama ang tingin namin.

"Kilala mo?"

I nodded at Raniel. Namimilog ang mata kong lumapit sa puwesto ni Kuya Maddox.

"Kuya Maddox, si Raniel…" pagpapakilala ko. "Miki's brother," I faced my friend.

"Really? Kaya pala iniisip ko parang may kahawig," may pagpitik pang wika ni Raniel.

"Sunduin ko na," wika naman ni Kuya Maddox.

The corners of his lips rose but he looked serious. Nawala sa isip ko ang gamit kun'di niya lang kinuha kay Raniel.

"Thank you," kay Raniel. "Thank you," baling ko kay Kuya Maddox at kinuha na ang bag.

Tahimik kami sa biyahe pero hindi ang utak ko. My neck cranes outside the window. Dinadaga ang dibdib at kinakagat ang kuko ko.

A look behind the steering wheel, I started the conversation.

"Wala kang trabaho, Kuya Maddox?"

"I always have."

Napapikit ako at kumagat sa pang-ibabang labi. I sighed and continued.

"Bakit ikaw ang sumundo sa akin?"

Katahimikan.

Sinubukan kong aninagin siya sa bintana pero maliwanag. Hindi na sumagot si Kuya Maddox kaya mapakla akong natawa. I hugged my bag for support.

"You're also thinking the same?"

"Na ano?"

"Na pinalitan ko na si Miki." I almost choked when I mentioned his name.

Mabilis humapdi ang gilid ng mga mata ko kaya bumaling muli ako sa labas. Kuya Maddox turned silent too.

"Raniel is probably the guy Tita Chona is referring to. Kaibigan ko lang iyon. Nasakto lang na kami ang nakapasa para sa offered internship ng establishment."

"He seems nice. But you should look for more."

"Kaibigan ko lang, Kuya Maddox. Kami lang ang interns ng school do'n. We should be friends."

Bumalik ang tingin ko kay Kuya Maddox. Saglit lang siyang lumingon sa akin bago sumagot.

"You don't have to explain. Kung totoo man, hindi rin masama iyon, Achie."

"Pero hindi nga totoo."

"Hindi pa rin masama, Achie."

Pumalatak si Kuya Maddox noong madiin niyang sinabi iyon.

My vision blurred so I looked outside again. Lalong nanlabo dahil sa umaandar na sasakyan.

I hastily wiped my cheeks while being wet. 

"I don't want to…" pagpupumilit ko pa.

Kahit kailan ay hindi ko papalitan si Miki. It would be so unfair. The world is so unfair to us.

My hatred grew extreme when Miki passed away. Ang bilis naman kunin. Ang bilis namang maglaho. Napakawalang-awa. It seemed so wrong that it had to be Miki. That boy could have saved the world. 

I raise my left arm and use the sleeve of my polo. 

Nahaluan ng taranta ang pag-iyak ko dahil ako lang ang naririnig na ingay sa sasakyan. I feel like I could vomit and pass out because of shame.

Napayuko na ako at nagtago sa yakap na bag. 

The car slowed just a few minutes after my outburst.

"Go out. Hindi kita iiwan dito."

I purposely hid my face using some strays of hair. Agad kong binuksan ang pinto at halos masubsob na pagtapak sa labas.

The sky has turned orange. Nakakasilaw iyon at nagawang iwaksi saglit ang atensyon ko. The wind was so strong that I could hear it.

I languidly walk on the pavement. Nasa paanan kami ng isang tulay. Sa harapan ay malawak at mahabang bukirin.

I put my palm on my lips. Sumarado ang pinto ng sasakyan. Kuya Maddox walked towards me. 

I don't know why… but I can't help my tears stop flowing whenever I'm with Kuya Maddox.

Kumapa ako sa bulsa para maghanap ng panyo o tissue. Kuya Maddox raises an eyebrow at me while he shoves down his scarf in his pocket. Tinago iyon.

"You can cry, Achie. Sino ba'ng may sabi sa'yo na bawal?" sermon niya.

Umiling ako. Humihikbi na at tuluyan nang hindi napigilan.

Napahawak ako sa mga tuhod at pinakawalan ang hagulgol. I feel like I could breathe for the first time.

Lagi akong patago kung umiyak. Tatambay sa kuwarto ni Miki para taimtim na lumuha. Kung dadalaw kina Mama, lalakarin ko muna ang kanto at doon ilalabas ang paghihinagpis ko. Every morning of vacation, kapag nakatakas na kay Tita, I would jog around the village and would let my tears flow.

And those rare moments are what I'm always looking forward to.

"Achie," tawag ni Kuya Maddox.

Naramdaman ko ang paglapit niya. He tapped me on my shoulder. Hindi ako nagpatinag hanggang sa hatakin niya ang braso ko at dahan-dahan tinuwid ng tayo.

"Hindi naman kailangan malakas lagi. Umiyak ka kahit makita pa ng lahat."

Umiling-iling ako. Inalog ni Kuya Maddox ang balikat ko at pilit hulihin ang mata ko.

"H-hindi ko nga alam… kung b-bakit umiiyak ako sa harapan mo ngayon, e…" parang lumuwag ang turnilyo ko at natawa pa. "I can't l-let them down."

"You can let me down, Achie."

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon