“I’m so sorry about what happened last time, Achie.”
Something in my stomach curled. Ang lalamunan ay nagbabara rin. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kamay niyang kinakapa ang palad ko.
I halted when he tried to look in my direction. Kulang na lang ay mapasinghap ako noong hinanap niya rin ang isa at pinagitna sa aming dalawa.
“Ayos l-lang naman iyon, Kuya Maddox.”
His fingers glided on each band-aids one can find on my palms. Nakita ko ang pagsibi niya sa bawat bilang.
His thumb graces my skin so gently.
“No, it’s not. It will never be okay. Ang dami nito, Achie,” napapikit siya. Noong dumilat ay namumula na ang mga mata. “I’m so sorry for hurting you. F-for everything I’ve said that I didn’t mean. Achie,” napasuklay siya sa buhok at ngumiwi.
Pinigilan ko na siya noong nakitang sinasabunutan na niya ang sarili. Namumula at nanginginig na ang labi.
“I’m so stupid and s-selfish!”
“Kuya Maddox!”
“Achie, I’m so s-sorry… sorry,” nag-umpisa ang panaka-nakang hikbi ni Kuya Maddox.
Yumuko siya at humigpit ang hawak sa mga kamay ko. His shoulders shook as he slowly put his head on top of our hands. Doon umiiyak.
Buong lakas kong binawi ang mga kamay ko at hinigit siya sa isang yakap. His head found my shoulder and I tapped his back with a rhythm.
“Okay. I’m fine, Kuya Maddox. Thank you for saying your sorrys, hmm?”
Sinuklian niya saglit ang yakap ko pero humarap muli sa akin. Mapaghanap ang mga mata at para bang nakikita talaga ako at may mahahanap.
“W-where else did I hurt you?”
Umiling-iling ako at tinapik siya, “Wala na. Kuha na tayo ng tubig mo, okay? Come here…”
Pinunasan ko na ang mga pisngi niya at ilang ulit sinabing ayos na ako para matahan si Kuya Maddox.
I placed his hand on my arm again and we walked towards their kitchen.
“Just tell me where it is placed, Achie. I can do it.”
Ganoon nga ang ginawa ko. Bawat kilos niya ay tinuturo ko kung nasaan ang ref, ang baso, ang tatapatan niya para sa ice cubes at dispenser.
“Where are you?” marahan niyang tanong.
In his hands are two glasses of water. May kumawalang patak ng luha sa akin habang tinatanaw siya.
He’s in his simple white pajamas, cheeks and eyes are so red from crying, his lips are dried out, and he looks so lost and innocent.
And I would like to remember this today. I want to remember every cubes and spilt water he made. How short his hair is. Ang bawat yukot sa suot niyang damit. Ang halos bente minutong pagkuha niya ng tubig. Ang magkabaliktad niyang tsinelas.
Bumaba na ako sa upuan at pinunan ang distansya namin.
I snake my arms around Kuya Maddox’s waist and relax my head on his chest.
“Achie, kanina ka pa hinahanap ni Dox,” si Manang noong masalubong ko.
“Mamaya na lang po, Manang.”
“May ginagawa ka ba? Nag-usap na raw kayo sabi niya, e. Akala ay ikaw na nga ang pumasok kanina.”
“Uh, opo, Manang. Ako na lang po ang sa hapunan niya mamaya.”
“Sige. Sabi mo iyan, ah. Maglilinis muna ako.”
Parang biglang bumilis ang oras noong tinatawag na ako ni Manang sa baba.
“Maaga iyon kumakain dahil may oras din ang gamot. Nilagay ko naman na rito,” turo ni Manang sa akin sa tray.
I subtly knocked on his door and entered the room.
Bumalikwas ng bangon si Kuya Maddox at tumanaw sa gawi ko.
“Achie?” he called almost in a whisper.
“How do you know?” lapit ko at nangiti.
Napalunok muna siya bago umusog sa gilid ng higaan at kinuha ang maliit niyang lamesa. He set it up while I’m holding his tray.
“Ikaw lang ang kumakatok bago pumasok dito.”
“Yung kanina? Si Manang iyon pero akala mo ay ako raw.”
“She knocked once. I thought it was you.”
Ipinatong ko na ang bitbit sa lamesa niya at bahagyang inilapit iyon sa kanya. Ang tunog ng kubyertos ang tanging maririnig sa silid. I held his hands and gave out the utensils for him to hold.
Aatras na ako pero nagtanong pa.
“Ano ang ulam, Achie?”
“Fried chicken,” I guided his spoon on the corner of his plate. “Hinimay ko na kanina. If you want some ketchup… nandito rin sa gilid.”
Umangat ang gilid ng labi niya kaya natawa ako.
“Paborito mo?”
Tumango lang siya at malaki na ang ngisi ngayon.
I took a step back but he’s quick at every sound I make.
“Aalis ka na?”
“Hindi, Kuya. Uupo lang ako sa gilid. Hintayin kitang matapos kasi iinom ka rin ng gamot kapag nag-alas-siete.”
“Alright. Anong oras na ba, Achie?”
“Six o’clock.”
“I have an hour,” bulong niya. Tumango lang ako at umupo sa bean bag niya ro’n.
He leisurely took his time eating and drinking simultaneously. Bawat kilos ay lumilingon pa sa direksyon ko.
“Drink this,” lapit ko na noong oras na sa gamot.
He quickly gulped the tablets down with water. Noong nililigpit ko na ang pinagkainan niya ay pinigilan na ako.
“Where’s our kit here, Achie?”
Right. Yung sugat niya. “Gusto mong maghilamos muna? After that, I’ll clean your wounds.”
“Nasaan?”
Umikot ako at lumapit sa isa sa mga drawers kung saan nakapatong ang kit. Paglapag pa lang sa tabi niya ay binuksan niya na iyon.
“Let me help with yours first.”
“Huh?”
Nilahad niya ang palad sa hangin. Ilang ulit iyon dahil hindi naman ako kumikilos.
“Can I have your hands, please?”
I looked down at my hands. Natanto ang ibig niyang sabihin. “Ayos na ako, Kuya Maddox! Akala ko kung ano na-”
“Achie.”
Inilahad niya muli ang palad. Hindi nagtagal ay inabot na niya ako sa hangin hanggang mahawakan ang kamay ko.
He traced all my band-aids down and it quickly went off.
“Hindi mo yata pinapalitan,” he started tearing it slowly away from my skin.
“Ayos naman na.”
“What should I put on, Achie?” halughog niya sa mga gamot doon.
Tulad noon sa pagkuha niya ng tubig, I started giving him instructions on what to do with my wounds. Minsan ay inaabot ko na lang ang gamit at dinadampi niya iyon sa mga sugat ko.
His head is slightly bowed down as he treats my palms. Nakakunot ang noo at nakanguso ang labi. Hindi nakawala sa atensyon ko ang panginginig ng kamay niya.
“Thank you, Kuya Maddox…” I blurted out.
BINABASA MO ANG
Seen There, Done That (Sensara Series 1)
RomanceThe thing about Kashina Eve Natividad is you'll never see her struggling. People though, don't realize that just because she appears strong, quiet, and calm doesn't mean she doesn't have much to say. She'll never be your favorite sunshines or sunri...