23

73 2 7
                                    

Pagbitaw sa huling salita ay napahikbi na ako. My cheeks got wet as the tears fell. Napatakip ako sa bibig at nagtago sa camera.

I heard Kuya Maddox laughing.

Binalik ko ang mukha sa screen. Parang baliw na iyak at tawa ang ginawa ko. Sinasabayan siya.

“Grabe! Ang galing mo naman, Achie! Please… please know that I’m so proud of you,” humawak siya sa dibdib niya at taos-pusong inilahad iyon.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagpapakawala niya nang malalim na paghinga na parang nabunutan ng tinik. He sat on a swiveling chair and faced me.

“Your years of hard work have paid off. Deserve mo iyan. Wow,” naiiling pa siya at napatingin sa kawalan bago bumalik sa akin. His head tilted as he showered me with praises.

“You made it look so easy, huh? Parang hindi mo naman iniinda yung pag-aaral mo, Achie, e. I saw it with my own eyes. Tahimik lang at laging kalmado, e.”

“Not true…” iling ko naman.

“It is. I just know that a lot of your classmates hope to be someone like you. And now with flying colors?” napailing si Kuya Maddox at sumandal. “You’re setting the bar too high. Kung kaklase kita ay paniguradong humahanga rin ako sa’yo.”

Nagtago muli ako at inilayo ang sarili sa camera. Lumaki ang pagsibi ko at lalong umagos ang pagluha sa narinig.

“Achie,” natatawa niyang tawag. 

Kuya Maddox really knows how to console and support someone.

It’s really hard for me to show my feelings, but if Kuya Maddox is around? I could cry and share everything with him.

Nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Nadadagdagan ang galak sa puso ko.

I could be broken and he will not judge me because he understands. So, this time, I’d like to be happy and share it with him.

“How about Mom? Ano’ng sabi niya sa’yo? Si Mama mo?”

I cleared my throat and faced the camera again.

“Hindi ko pa nasabi sa kanila… at hindi ko muna sasabihin. Sana?”

“Achie…” namilog ang mga mata ni Kuya Maddox at napaturo sa sarili niya.

I nodded at him. His eyes widened more. Halos malaglag ang panga niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at natukod ang kamay sa lamesa. Mabagal siyang umupo muli at tinitigan ako.

“Can we keep it a secret?”

“Tayo lang?”

“That’s why a secret, Kuya Maddox.”

“Sa tayo…” pag-uulit niya at tumuro sa akin at sa sarili niya. “You mean… tayo lang dalawa? Wala kang ibang sinabihan?”

“Why? You can’t keep it?” 

“No! That’s not what I mean, Achie,” humina ang boses niya at parang natulala muli. “Ako lang ang sinabihan mo…” he added, almost whispering to himself.

“When’s your graduation?” pag-iiba na niya sa usapan.

“Sa isang buwan pa, Kuya.”

“That’s good. You can take a rest, Achie. As long as you want. Puwede ka na rin pumunta rito!”

Nagsalubong ang kilay ko.

“Why? Will you stay there?”

Akala ko ba ay babawi kay Tita Chona? But his business is important too. Hindi ko na rin alam kay Kuya Maddox. O baka papupuntahin na niya rin sina Tita ro’n?

“Bakit? Ayaw mo ba rito?”

Bahagya akong natawa dahil sa binalik na tanong. Ano naman ang gagawin ko ro’n?

“Not really. Maghahanap din ako ng trabaho, Kuya Maddox.”

“After your graduation?”

“Puwede. Pero naghahanap naman na rin ako ngayon.”

“Really? Magpahinga ka muna. Kahit after graduation mo na lang, Achie. Tito’s already offering you a job, right? Hindi ka naman minamadali no’n.”

“I don’t have the privilege to do that, Kuya Maddox.”

Maliit akong ngumiti. Natigilan siya saglit pero may komento pa rin.

“And what will happen next? Aalis ka na sa bahay?”

“Dadalaw pa rin naman ako kay Tita Chona.”

“Okay. Let’s see about that. I can help you find a job here. Aasikasuhin ko agad iyon, Achie-”

“Kuya Maddox, hindi na. That’s too much. Kaya ko naman na iyon. Malaki na ako,” marahan kong tawa.

I stopped when a brief sadness crossed his features.

“Ikaw? Ayaw mo na rito?”

“No. What made you say that?”

Nagkibit-balikat ako. “Pinipilit mo kasing diyan ako maghanap o kung ano pa man.”

“Hindi na. Kung saan mo lang gusto, Achie,” agap niya.

Nagtagal pa ang usapan namin sa kung ano-anong bagay at pangungumusta niya. I only ended it when I realized that he’s far too gone in his resto.

I am not expecting anything tomorrow but I’m stunned when I saw Kuya Maddox inside the house!

Natigil ako pagbaba sa hagdan at napanganga. Pinagkakaguluhan siya ro’n ni Manang at ng ilang kasama.

“Oh, Achie! Nandito na si Dox! Naku, laging tinanong kung kailan ba ang uwi mo,” paglalaglag ni Manang sa akin.

My face heated as I shook my head. Mabagal akong lumapit.

“Parang hindi mo naman naitanong sa akin,” simula ni Kuya Maddox at nakangisi.

“That’s not true…”

He chuckled. “Really?” Nagitla ako noong hawakan ako sa braso ni Kuya Maddox at lumapit para bumulong.

I caught a whiff of his perfume. It’s on a sweeter side. I don’t know if it’s layered but the smell was leathery and gourmand.

“I have a gift for you. Congratulations again, Achie,” he whispered so swiftly.

Napalunok ako at nagtahip ang dibdib. Hindi ko agad natanto pero hinihila na ako palayo ni Kuya Maddox kina Manang.

He led me outside the pool.

“Dox!” si Kuya Obeng sa malayo. “Nakauwi ka na pala! Ano iyang plano niyo, ha?”

Kumaway pabalik si Kuya Maddox. “Wala, Kuya! Mamaya tayo magkuwentuhan!”

Tumigil kami sa likod ng puno ng acacia. He fished out a box inside his handbag.

“Just a congratulatory gift. Sabihin mo sa akin kung ano’ng gusto mo sa graduation.”

“What? Ang dami mong nairegalo na, Kuya…”

“I cannot come home empty handed.”

I slowly unwrapped the gift. Tinulungan niya pa akong hawakan ang box at ang wrapper.

My eyes circled and looked at him in disbelief.

“A film camera?” I don’t even know how to use this. Sa phone nga ay hindi rin ako mahilig.

“You can take a lot of pictures with that. Lalo na ang magagandang lugar na mapupuntahan mo. I just know what Mom will do…” his voice lowered at the last sentence.

Halos mapailing na ako. Oh, please. This is too much. That will be too much.

“Kuya Maddox-”

Tinulak niya pabalik sa akin ang camera.

“Believe me, Achie, that will come handy.”

Seen There, Done That (Sensara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon