[LAWSON UNIVERSITY]
Nag umpisa na yung klase. Sa totoo lang, inaantok pa ako. Gusto kong makinig kay prof. pero di ko talaga ma-absorb yung ineexplain niya.
[3 hours later]
Tapos na ang klase. Lumabas na ako ng classroom na parang typical day lang. Sa paglalakad ko, napansin ko na lang na parang may kulang...
Hmmm......
Ayyyy! Oo nga noh. Wala si Shayne. Himala yata, wala siya ngayon. Parang napakatahimik tuloy pag wala siya dito.
Medyo nakakapanibago lang na walang nangungulit sa akin ngayon... Pero teka, di ba dapat matuwa ako dahil walang 'Shayne' na nangungulit sakin ngayon??
Nga pala, ano kayang magandang gawin pala sa individual project? Pasahan na bukas, wala pa akong nagagawa.
Sa paglalakad ko, biglang may tumawag sa akin.
(HAYLEY): Sophie!
(Paglingon ko, si Hayley pala.)
SOPHIE: Uy, Hayley. Ikaw pala.
HAYLEY: Yeah, katatapos lang ng class ko. How about you?
SOPHIE: Kakatapos lang din.
HAYLEY: May gagawin ka pa ba? Or uuwi ka na?
SOPHIE: Pauwi na rin sana. Sa totoo lang meron dapat akong gagawin para sa individual project e pero di ko pa malaman kung anong eksaktong gagawin ko.
HAYLEY: Individual project?
SOPHIE: Oo.
HAYLEY: Yeah, I just remember. Shayne did mentioned about that.
SOPHIE: Talaga?? Teka, nasan nga ba siya??
HAYLEY: He told me he will do his individual project today.
SOPHIE: Ano daw ang gagawin niya?
(Bigla siyang natawa.)
HAYLEY: Wanna see him?
(Na-curious ako kaya sumama ako kay Hayley. Maya-maya, sumakay na rin kami ng kotse.)
❤️❤️❤️
[MS SUPERMALL OF ASIA]
Dahil sa traffic, 45 minutes din ang naging biyahe namin. After naming mag-park sa parking lot, pumasok agad kami sa mall.
SOPHIE: Nga pala Hayley, anong meron dito sa mall??
HAYLEY: We will visit Shayne here.
SOPHIE: Dito? Sa mall?
HAYLEY: Yup.
(Nakaka- curious na talaga. So ibig sabihin ba, nandito si Shayne sa mall na to para gawin yung individual project namin? Kung ganun nga, bakit dito?)
So yun, naglakad-lakad kami. Grabe, totoo palang super laki ng mall na to. Maraming pwedeng makita.
Pagkalipas ng ilang minuto, nakita ko na lang na pumasok si Hayley sa loob ng Department store ng mall. Sumunod lang din naman ako sa kanya. Maya-maya, tumigil na kami sa section ng mga sapatos ng girls.
HAYLEY: We're here. Let's just wait for him here.
SOPHIE: Ahh, sige.
(Nakita ko na nagtitingin na si Hayley ng sneakers. Kaya napapatingin na rin ako.)
HAYLEY: Hey, Sophie. I like this one. Maganda design niya, right?
SOPHIE: Ayy oo nga. Maganda.
(Pagtingin ko sa tag ng sapatos, Php 2,999.00. Whahaha. Allowance ko na to e.)
BINABASA MO ANG
DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)
Teen FictionSophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her university. She must choose which man has genuinely captured her heart after experiencing both love a...