chapter 1

8.8K 80 3
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


This is your chapter-ly reminder to not skip chapters ;>


✿✿✿


"PM."


Agad kong tinanggal sa mukha ko ang panyo na nakataklob doon para magtago. I looked at Ma'am Anj, the assistant director. 

She's looking at me sympathetically. 

I gulped and looked down.


Bakit ngayon pa ako naiiyak, eh, tapos na ang eksena, ngayong wala ng camera?


"Po?"


Nakatuon lang ang mata ko sa baba nang magsalita.


"Itutuloy nalang daw natin bukas sabi ni Direk. Magpahinga ka muna. Bukas ka na niya kakausapin."


Inangat ko ang ulo ko at tumanaw sa kaninang upuan kung nasaan si Direk. 

Wala na siya roon at nakaalis na. Bago siya lumiko papasok sa isang tent, lumingon ito sa akin. 

Agad kong iniwas ang tingin ko.

Binalik ko ang tingin kay Ma'am Anj. Bahagya akong ngumiti.


"Okay po."


Wala na itong sinabi at umalis na agad. 

Ako ay tumayo na at mabilis na naglakad papunta sa tent ko.


"Nakagalitan na naman ni Direk. Hindi na naman makaiyak. Huling scene na, hindi pa nagawa."

"'Pag si AZ, mabilis lang. 'Pag siya eh... Tsk, tsk. Overtime na naman tayo bukas."


Hindi ako lumingon sa mga nalampasan kong nag-uusap tungkol sa akin at nagpatuloy lang hanggang sa makarating ako sa tent ko. Hinawi ko ang flap na nagsisilbing pintuan tsaka pumasok.

as colorful as springTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon