Don't skip chapters po hehe
✿✿✿
"Bakit nga pala hindi ka available mamaya, PM?"
Mula sa damit ko na inaayos ko, nilingon ko si LA na busy turuan si LK kung paano i-set up ang camera. Nakatingin na rin sa akin ngayon si CJ na kunot-noong binabasa ang script kanina, pati si RJ na inaayos din ang sarili niyang costume.
Hindi ko napigilang mapangiti nang sumagot.
"I have to go to a taping. I got a minor role sa movie ni Direk Cruz."
Nanlaki ang mata ni LK.
"May project ka na ulit?!"
Nawala ang kunot sa noo ni CJ at nilapitan ako tsaka niyakap.
"Congrats, girl!"
Tinaas ni LA ang mga kamay niya sa langit na parang nagpapasalamat sa mga anghel.
"Oh my God! Finally!"
RJ smiled widely at me.
"Congratulations."
I reciprocated his smile, replying.
"Thanks."
"What time start ng taping? Bukas na ba 'tong atin or tapusin na natin agad?"
Umiling ako sa tanong ni LA.
"Tapusin natin 'to. I don't want to leave this for tomorrow just because I have other things to do. I can't waste your time."
"That 'other thing to do' is important, PM. We can always adjust."
BINABASA MO ANG
as colorful as spring
RomanceParaluman Markel considers herself the worst actress, a sentiment echoed by her critics who often bash her inability to cry on camera. This shortcoming hindered her acting career, while her boyfriend, Cedar Neo Herrera, soared to fame with his unden...