Don't skip chapters!! :>
❀❀❀
"Paraluman, anong masasabi mo sa suspetya ng iba na ikaw si PM sa movie mo?"
"May relasyon ba kayo dati ni Cedar?"
"Totoo ba na kaya ka nag-hiatus ay dahil kay Cedar at Azalea?"
"Paraluman, totoo ba ang lahat ng..."
Hinawi ni Nadia ang mga kamay na nagpupumilit itapat sa akin ang mga recorder nilang hawak. Kahit may dalawa na akong kasamang naglalakihang security, nakakayanan pa rin ng mga journalist na inabangan pa ako sa labas ng building ng management ko para lang makakuha ng scoop.
Humigpit ang hawak ko sa balikat ni Nadia na nauuna sa akin at iginagaya ako papunta sa sasakyan namin na naghihintay na sa harap ng building. Nadia is doing her best to push the hands of the invasive journalists who are all trying to get me to answer their questions. Kahit ako ay kinakailangan na ring maghawi ng mga braso dahil hindi lahat ay napipigilan ni Nadia at ng mga security ko.
"Please po, padaanin niyo kami!" pakiusap ni Nadia sa mga sumisigaw na journalists.
Yumuko ako para makaiwas sa mga kamay na nagpupumilit na itapat sa akin ang recorder na hawak nila. I should've anticipated how stressful this is.
"Paraluman!" sigaw ng isang journalist na pinilit ilapit sa mukha ko ang mic na hawak niya. "Totoo bang may anak kayo ni Cedar?"
I stared at his face before I was suddenly taken by Nadia. She pulled me by my arm and pushed me to get inside the car. Nang makaupo na ko nang maayos ay sinarado na niya ang pinto at umikot papunta sa driver's seat.
She had a hard time getting into the car but the security helped her. When she got behind the wheel, she put on her seatbelt and started driving away.
"Sorry, Ate," paumanhin niya at sinulyapan ako sa rearview mirror. "They just really want to know and get their stories. They've been impatient since three days ago when it all came out."
Napasandal ako at nilingon ang likod ng sasakyan para tanawin ang mga iniwan naming journalists. They were all aggressive and now that we're far, all they could do is stare at the car I'm in.
BINABASA MO ANG
as colorful as spring
RomanceParaluman Markel considers herself the worst actress, a sentiment echoed by her critics who often bash her inability to cry on camera. This shortcoming hindered her acting career, while her boyfriend, Cedar Neo Herrera, soared to fame with his unden...