Don't skip chapters!
TW: Blood
✿✿✿
Tumayo ako mula sa sahig. Pero hindi pa man ako nakakaangat ay hinawakan na ni CN ang balikat ko at diniinan ako para hindi ako makatayo.
"Hey, I can explain."
Hindi ko siya tinignan at sinubukan lang alisin ang kamay niya sa balikat ko. He continued to put force on me while he cried, begging.
"PM, please..."
I gave him a look. He flinched at my gaze. Wala akong sinabi. Nilipat ko ang kamay ko sa dibdib niya at tinulak siya palayo tsaka tumayo.
Hindi niya ako napigilan dahil sa gulat. Binilisan ko na ang tayo at lumabas na ng kwarto na 'yun.
"Babe!"
Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Naabutan niya ako pero iniwas ko ang braso ko sa kanya nang subukan niya akong hawakan.
"Babe, please... Talk to me..."
I gave him a short look before turning and continuing on my walk down the stairs.
"Kuya?"
Napatigil kaming pareho nang matanaw namin si Con na nasa living room at nakatanaw sa amin sa itaas ng hagdanan.
"Kuya!"
Tumakbo ang bata pataas ng hagdanan. Tumabi ako at pinanood itong yakapin ang Kuya niya. Tinignan ko lang sila bago ako nagpatuloy sa pagbabang muli.
"PM, wait!"
Pagkababa ko sa hagdanan ay nakasalubong ko si Cy na galing sa kusina. Napunta ang tingin niya kay CN na nasa likod ko at hinahabol ako habang buhat si Con.
BINABASA MO ANG
as colorful as spring
RomanceParaluman Markel considers herself the worst actress, a sentiment echoed by her critics who often bash her inability to cry on camera. This shortcoming hindered her acting career, while her boyfriend, Cedar Neo Herrera, soared to fame with his unden...