chapter 7

2.5K 42 21
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


No spoiling yourself! Don't skip chapters!


✿✿✿


"'Di ba sabi ko layuan mo na 'ko?!"


Hinawi ko ang kamay ni RJ na humawak sa braso ko at hinarap siya. Sinalubong ko siya ng sampal na malutong na tumama sa pisngi niya.


"Just leave me alone!"


He held his cheek, turning to me. I glared at him before turning away and walking off.


"Cut!"


Natawa si LK at pumalakpak pa.


"Lutong nun!"


Nang marinig na tapos na ang scene, nagpakawala ako ng hininga at tumigil sa paglalakad. I turned back and walked over to RJ who's still holding his cheek.


"Ayos ka lang?"


Inalis ko ang kamay ni RJ sa pisngi niya at sinuri ang namumula niyang balat.


"Sorry."

"It's fine."


He gave me a smile, one that's reassuring.


"Isang take pa tayo, gusto ko ulit marinig 'yung sampal."


Nawala ang ngiti ni RJ at masamang tinignan si LA na tumawa lang sa kanya.

CJ, also laughing, shook her head and started packing her own things.


"Ligpit na tayo, guys. Nagugutom na ako."


Sumunod na kami kay CJ dahil lahat kami ay hindi pa kumakain.


"Bakit ba ang bilis ng pasukan? Katatapos lang ng new year! Lechon paksiw pa rin nga ulam namin ta's may spaghetti pa kami sa ref!"

as colorful as springTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon