3

14K 345 25
                                    




A/n:

Again, hindi po ito related sa mga nauna kong Angeles, Lacson, Villafuerte series. Thank you.










Unedited...










"Kamusta ang meeting?" tanong ni Alas nang pumasok si Tom kasama ang secretary nito.

"Okay lang, boss." sagot niya sabay lapag ng folder. "Yan ang proposal niya. Maganda ang proposal pero tingin ko hindi tayo agad kikita pero at least hindi sila palugi."

Bago pa man siya makipagkita sa client, inalam na nila ang estado ng kompanya nito.

"Kanino pa sila nagpasa?" tanong ni Alas.

"Sa mga Arguela," sagot ni Tom. "At least five percent, pwede na siguro 'yan."

"Gawin mong ten percent. Malapit sila sa Davao airport kaya okay paniguradong kikita ang hotel."

"Pero sa ngayon-"

"Sa future tayo babase kapag nag-invest tayo, wag sa ngayon," tugon ni Alas.

"Yes, boss."

"Tawagan mo si Sheena," utos niya. "Sabihin mong sa bahay ako mag-lunch kaya mag-prepare na siya."

"Marunong ba siyang magluto, boss?" alanganing tanong ni Tom.

"Di ko alam," sagot ni Alas. Hindi naman siya interesado sa buhay nito.

Tinawagan ni Tom si Sheena. "Boss, ano raw ang gusto mong ulam?"

"Kahit ano," sagot ni Alas.

"Kare-kare, adobo o sinigang?"

Napataas ang kanang kilay ni Alas.

"Bahala siya. Basta kakain ako."

"Madam, bahala ka na raw," bulong ni Tom at tinapos na ang tawag.

"Sure ka na bang hindi mo kailangan si Liz sa resthouse?"

"Gaya ng sabi ko, hindi na."

"Okay, boss. Nang maalagaan naman niya ang anak namin. Pinauwi ko na kasi ang yaya eh."

"Uwi na tayo. Pakihintay na lang ako sa parking lot."

Lumabas si Alas ng opisina bitbit ang maliit na paperbag at pumunta sa design department.

"Alas!" masiglang bati ni Helene.

"Kamusta?"

"Okay lang," sagot ni Helene at iniharap ang laptop sa binata. "Look, okay ba ang floor plan?"

"Ilang square meter ba ang balcon?"

"Ten square meter lang," sagot ni Helene.

"Ipasa mo na lang kay Tom at i-review ko mamaya," sagot ni Chris.

"Ipasa ko na lang sa email mo," ani Helene.

"Okay," pagpayag ni Alas. "Umuwi ka na."

"Tapusin ko pa 'yung-"

"Mag day-off ka lalo na ngayong birthday mo," ani Alas kaya natigilan si Helene.

"N-Naalala mo?" usal ni Helene.

"Of course," sagot ni Alas saka inilapag ang maliit na paperbag sa mesa ni Helene. "Happy birthday."

"Thank you," naiiyak na sabi ni Helene at kinuha ang gift ni Alas. Magkababata sila at noon pa man ay palaging nandiyan si Alas sa kanya. Kahit na wala sila pero sapat na sa kanya na nagkaunawaan sila at higit sa lahat, alam niyang sila ang endgame.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon