2

17K 419 28
                                    



Uy, dito rin kayo?😂 Aw, thank you🥰😚








Unedited...







"Morning, Liz," bati niya sa asawa ni Tom.

"Morning, Madam. Nakatulog ka ho ba nang mabuti?"

"Yes po. Saan na pala yung mga tao rito?" ayaw niyang sabihin ang pangalan ni Alas.

"Ah, sina Sir at Tom ay umalis papuntang opisina."

"Liz, mayaman ba talaga si Alas?" tanong niya. Binili siya nito ng limang bilyon. Ibig sabihin, bilyonaryo nga. "Ano ba ang trabaho niya?"

"Ah. Oo, mayaman sila. Sila ang pinakamayaman sa probinsya nila dahil may malaking mining company ang mga magulang niya," sagot ni Liz.

"Ano ang work niya? Or business?"

"May share sila sa CA company pero yung jewelries lang ata," sagot ni Liz na ang tinutukoy ay ang malaking clothing and jewelry ng bansa.

"CA company," ulit ni Sheena. Parang narinig na niya ang company.

"Hindi mo alam? Malaking company 'yan pero may sariling company rin si Sir at may agency ng mga bodyguards and security guards," pagkukuwento ni Liz.

"Ganoon ba? Familiar lang," ani Sheena. "By the way, ano pala ang ulam?"

"Ah. Nag-adobo ako ng pusit at pritong isda. Tara, kain na tayo."

"Ah, sige. Salamat," pasalamat ni Sheena.

Sabay silang kumain. Pagkaligpit ng pinagkainan, nagpaalam si Liz na aalis na muna para mamili.

"Sama ako."

"Bawal ka raw lumabas eh."

"Hindi naman niya malalaman," ani Sheena.

"May mga bantay kaya ako rin ang malalagot kapag makalabas ka."

Hindi na nakipagtalo pa si Sheena. Ayaw niyang madamay ang ibang tao dahil sa kanya kaya hintayin na lang niya si Alas na makabalik para pormal na makapagpaalam.

"Miss ko na ang mga magulang ko," malungkot na sabi niya habang hinahatid si Liz sa labas ng bahay. "Kamusta na kaya ang poultry business namin? Sana lumago."

"May poultry business kayo?"

"Oo. Farmer si Papa at si Mama naman ay nag-aalaga ng mga hayop. Bago ako nawala, tuloy-tuloy na ang business namin. Nagsu-supply na kami sa iba't ibang restaurant. Ang patahian namin sa Bulacan, umi-improve na rin," masayang sabi ni Sheena. "For sure nag-aalala na sila sa akin."

"Ah," tanging nasambit ni Liz. "Sige, alis na ako. Wag kang tumakas ha."

Naiwan siya kaya sa malawak na hardin muna siya nanatili at nag-isip ng dapat na gagawin.

"Si Liz?"

Muntik na siyang mapatalon nanh may nagsalita sa kanyang likuran.

"Umalis!" sagot niya.

"Okay. Kumain ka na?" tanong ni Alas.

"Oo. Tapos na," sagot niya. Hindi niya maintindihan pero naiinis talaga sya kay Alas kahit na ito ang bumili sa kanya. Siguro dahil gusto nitong ikasal sila? Or baka pinaglalaruan lang siya? Like, sa pagiging bilyonaryo nito, for what na pakasalan siya? Sino ito para paglaruan ang pagkatao niya? Hindi ba nito alam ang salitang dignidad? E alam naman niya na bilang katulong lang ang role niya sa buhay nito.

"Bukas aalis na si Liz," sabi ni Alas kaya napatingin si Sheena sa kanya.

"Saan pupunta? Mag-aabroad na siya?"

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon