21

10.2K 363 37
                                    





Unedited....






"Morning," bati ni Tom nang pumasok pero walang ni isang sumagot. Busy ang dalawa sa kani-kanyang trabaho.

"Tom? Paki-photocopy nga nito," pakiusap ni Alas.

"Sige ho, boss," sagot niya at kinuha ang mga papel.

"At pakibigay rin ito kay Helene," sabi nito kaya tumango si Tom.

"Madam—"

"Huwag mo akong kausapin, Tom!" agad na wika ni Sheena kaya napatingin si Tom kay Alas. Sumenyas ito na lumabas kaya agad na lumabas si Tom bago pa mapagbuntungan ng inis ni Sheena.

"Tom? Si Alas?" tanong ni Antasha nang makasalubong niya.

"Nasa opisina."

"Si Anelyn?"

"Nasa opisina rin ho, Madam," sagot ni Tom. "Pero ingat ka, LQ ata ang dalawa," bulong ni Tom.

"Hmm? Alam mo naman yung pinsan ko, napaka-moody," bulong ni Antasha saka dumiretso sa opisina ni Alas. "Hello, guys! Good morning!" masigla niyang bati pero walang pumansin sa kanya. "Kumain na ba kayo? Nagkape? Parang walang buhay ang opisina a."

"May kailangan ka, Tash?" tanong ni Alas.

"Kuya, bibisita lang. Malapit na pala anh birthday ko kaya gusto ko kayong i-invite," sagot niya sabay bigay kay Alas ng invitation card. "Dalawa na kayo ni Sheena riyan ha."

"Birthday mo na?" tanong ni Sheena.

"Yes. Gusto kong magtampo dahil nakalimutan mo!" nakalabing sabi ni Antasha. Every birthday niya ay palaging umuuwi si Anelyn kaya paano nito nagawang kalimutan ngayon?

"Nasabi mo ba sa akin?" nagtatakang tanong ni Sheena.

"Ay, hindi ba?" ani Tasha. Nakalimutan niyang may amnesia pala ito. "Ah, birthday ko na two weeks from now kaya baka ma-busy na ako sa life at hindi ko na kayo ma-invite."

Napatingin siya kay Alas na tumayo.

"Saan ka pupunta, Kuya?"

"Ibibigay ko lang itong documents sa design department," sagot ni Alas na ayaw mag-utos kay Sheena lalo na't nagtatampo ito sa kanya.

"Sige po. Hindi rin naman ako magtatagal kasi may asikasuhin pa ako," ani Antasha.

"Salamat sa pag-invite," pasalamat ni Sheena na feeling niya ang swerte niya dahil invited siya sa birthday ni Antasha. Siyempre mayaman ito at bihira lang siya ma-invite ng mayayamang tao.

"Uy, nag-away ba kayo ni Kuya Alas?" tanong ni Antasha nang makalabas na si Alas.

"Tell me something about Anelyn!" gigil na wika ni Sheena na ikinagulat ni Antasha.

"P—Paano mo siya nakilala?"

"Cousin mo siya, 'di ba?"

"Ahm. . . yes," pilit na sagot ni Antasha.

"May gusto ba siya kay Alas?"

"Haist. Paano mo naman natanong ang ganyang bagay?"

"Just answer me."

Mataman na tumingin si Antasha sa kaharap at pinag-aralan ang mukha nito.

"Bakit? Nagseselos ka ba kay Anelyn?" biro niya na ikinasalubong ng kilay ni Sheena.

"Sagutin mo lang ang tanong ko. May gusto ba siya kay Alas?"

"Hmm? Sa tingin mo mayroon na," sagot ni Tasha.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon