Ending

19.1K 461 54
                                    










Unedited....










"Himala! Naka-sportscar ka a. Milyonaryo ba ang sugar daddy mo?" tanong ni Helene nang bumaba si Anelyn sa sportscar.

"Inggit ka?" tanong ng dalaga at nag-rolled eyes.

"Alam ba ni Alas na may iba ka?"

"Suportado niya," sagot ni Anelyn. "At kung ako sa 'yo, tigilan mo na si Alas dahil hindi ka niya magugustuhan kahit na ano pa ang gawin mo. Isa pa, gusto mo bang maging kabet at home wrecker? Buntis na ako oh."

"Hindi ka pa rin tatanggapin ng pamilya niya!"

"At sino ang tanggap nila, ikaw? Wakeup!" Ubos na ang pasensya nito kaya palalayasin na niya ito sa company ni Alas.

"Ikaw ang nagmaneho?" tanong ni Alas na palapit sa kanila. "Anelyn, saan si Ricky?"

"Haist. Kaya ko na ang sarili ko. Buntis ako at hindi paralized."

"Kahit na," ani Alas at hinapit siya sa bewang nang makalapit saka hinalikan sa mga labi. "Kumain ka na ba?" malambing na tanong niya kaya ipinulupot ni Anelyn ang mga kamay sa leeg ng binata.

"Hindi pa. Iba ang gusto kong kainin," sagot niya sabay sulyap kay Helene. "May sasabihin ka pa sa fiancé ko?"

"Ugh!" ani Helene saka padabog na iniwan sila. Agad na inalis ni Anelyn ang kamay sa leeg ni Alas.

"Sweet ka lang para magtaboy ng ibang babae," napailing na sabi ni Alas.

"Alangan."

"Kailan mo pa kaya aaminin na mahal mo rin ako?"

"Haist! Bilisan mo na nga, male-late na tayo sa meeting."

"I love you too," napailing na sabi ng binata saka pinagbuksan si Anelyn.

Dumiretso sila sa five star hotel para makipagkita sa client nila.

"Hello, Mister Tan," sabi ng binata at tumayo saka nakipagkamay kay Alas at Anelyn.

"Viktor, right?" tanong ni Anelyn na napatitig sa gwapong mukha ng kaharap.

"Yes, po," magalang na sagot nito.

"Ang bata mo pa ha. Akala ko matanda ang makakausap namin," sabi ni Anelyn.

"Busy ang mom ko kaya ako na muna ang pumunta. Actually firstime ko kaya medyo kabado ako. I'm sorry," paumanhin nito.

"It's okay," sabi ni Anelyn at naupo matapos hilain ni Alas ang silya para sa kanya.

"Order muna tayo," sabi ni Viktor at sumenyas sa waiter na dalhin ang menu list.

Pumili si Anelyn ng makakain at siya na rin ang nag-order ng para kay Alas.

"Maganda ka pala sa personal," sabi ni Viktor.

"Nakita mo na ba ako? Ang alam ko ay hindi kami bukas sa social media," tanong ni Anelyn.

"Naririnig ko ang pangalan ko sa mommy ko at nakita ko na rin ang picture mo nang mag-usap kami ni Tito Sanji," sagot ni Viktor.

"Hindi naman siguro arrange marriage ang pinag-usapan ninyo," sabat ni Alas.

"Hindi ho. About business lang."

Nang dumating ang pagkain, itinuon ni Anelyn ang atensyon sa kinakain habang ang dalawa ay nag-uusap.

"Nabasa mo na ba ang proposal ko?" tanong ni Alas.

"Yes po at interesado ako. Ito ang unang independent project and invesment na susugalan ko kaya umaasa ako na maging maayos ang lahat," sagot ni Viktor.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon