5

12.4K 349 28
                                    











Unedited....









"Bored na ako rito sa bahay!" inis na sabi ni Sheena at pinuntahan si Alas na naliligo sa pool. "Pwede bang sumama sa 'yo sa office mo?"

"Bakit?" tanong ni Alas na napatingala sa dalagang nakatayo sa harapan niya.

"Kasi pagod na akong makita ang sarili ko sa maraming sulok ng resthouse na 'to!" sagot ni Sheena.

"Bawal kang ma-expose."

"Ano ako? Celebrity na bawal ma-expose?"

"Celebrity sa mga drug lords," sagot ni Alas kaya napasimangot si Sheena. "Paabot ako ng tuwalya."

"Isama mo muna ako sa office," ani Sheena.

"Iabot mo o hindi ka makaka-order ng pizza mamaya."

"Kainis ka!" aniya sabay dampot ng tuwalya at abot sa binata pero nang abutin na nito, hinablot nito ang kanang kamay niya sabay hila sa kanya kaya bumagsak siya sa tubig.

"Kyaaah! Anlamig! Ayaw kong maligo eh!" tili niya na nanginginig pero hinapit siya ni Alas sa bewang kaya nakaramdam siya ng init nang magdikit ang kanilang mga katawan.

Nasa dibdib nito ang mga kamay niya kaya damang-dama niya ang matigas at madulas nitong dibdib.

"Ang ganda talaga ng katawan ng loko," puri ng utak ng dalaga at ipinagapang ang kamay patungo sa puson ni Alas at muling itinaas para pag-aralan ang bawat bukol dito na para bang isang mamahalin at babasaging rebolto.

"What are you doing?" naniningkit ang mga matang tanong ni Alas kaya natigilan si Sheena. Nakalimutan niyang tao at may sariling buhay pala ang lalaking 'to.

"Ah, ang ganda lang kasi ng katawan mo," pag-amin niya. "Pero ang sama pa rin ng ugali mo."

"What the—" pinigilan ni Alas ang sariling magalit at manakit dahil babae ito. "Hindi ka ba natatakot sa buhay mo?"

"Bakit matatakot ako sa 'yo? Di ba you bought me?" tanong ni Sheena. Napansin na niyang kahit na anong gawin at sabihin niya ay hindi siya nito sinasaktan.

"Yeah," ani Alas at napangisi sabay tulak sa dalaga sa malamig na wall ng pool. "Kaya gawin ko ang gusto kong gawin sa 'yo dahil akin ka na." Yumuko siya at pinagmasdan ang mamula-mula at mamasa-masang labi ng dalaga. Hinawakan niya ito sa batok at ginawa ang gusto niyang gawin kanina.

"Uhmp!" impit na ungol ni Sheena. Akala kasi niya ay nagbiburuan lang sila pero ngayong sakop na ni Alas ang mga labi niya, wala siyang magawa kundi hayaan ito dahil wala siya sa mood na makipaglaban. Isa pa, ang sarap sa pakiramdam, ang init at lambot ng mga labi ng binata at mabango pa ang hininga. Pumikit siya at sinubukang sundan ang bawat galaw ng mga labi nito.

Naramdaman ni Alas ang pagpulupot ng mga kamay ni Sheena sa kanyang leeg. Dapat warning kiss lang ang gagawin niya pero hindi niya inaasahang tumugon ang dalaga kaya nagwawala ang katawan niya. Sobrang init kahit na nasa tubig naman sila. Pumasok ang dila niya sa bibig ni Sheena. Puno ng pag-ubaya ang ginagawa nito kaya wala siyang choice kundi punan ang pangangailangan ng bawat isa. Napamura siya sa isip. Sheena's hands are moving. Gusto niyang pigilan ang ginagawa ng dalaga pero traidor ang katawan niya. The more he resists, the more he likes it. Too late. Ipinasok niya ang kaliwang kamay sa dibdib ni Sheena at hinimas ang malambot nitong dibdib kaya mas lalong naging agresibo ang dalaga.

"Boss, sabi ni—" natigilan at napanganga si Tom sa nakita. Ilang beses pa siyang kumurap para masigurado ang nakikita sa pool pero tila binuhusan siya nang yelo nang tumingin ang boss sa kanya sa nagbabagang mga mata. Galit ito na tila gusto siyang patayin. "Ah, shit! Nanlalabo talaga ang paningin ko, wala talaga akong makita." Aniya sabay takbo pabalik sa loob ng bahay.

2. Sold to The Arrogant Boss (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon